Chapter 28

6.2K 167 53
                                    

Chapter 28

Love is an investment.

There are gains, losses, and it doesn't depend on fate, but rather on how the both of you give and receive to make the relationship work.

Nobody knows what the future holds. That's why I keep my focus on the things that's in the present, 'cause I know that one day all we can do is look back. We grow, mindset changes, so does the time we hold.

Bahala na nga, overthink na naman. Saka kahit ano man ang consequences na makuha ko sa ginawa kong pag-pursue sa kaniya, all I know is that I will never regret it. Pero ang ginawa ko na pag-inom kagabi ay talagang pinagsisihan ko.

Sobrang sakit ng ulo ko! Kanina pag gising para akong nalantang gulay. Ayaw ko na sana maligo kaso nahihiya ako kina Audy. Saka pupunta kami sa horse track nila ngayon, bilib ako talaga sa kanila kasi parang wala lang ang ginawa na pag-inom kagabi. And then sasakay kami ng kabayo?! E'di maaalog ang utak namin! Goodness!

Yet I feel special kasi kasama ako sa muli nilang pag-bonding, 'tsaka ang saya nila tignan, namiss ko tuloy mga kaibigan ko.

Feeling ko ready na 'kong makasama sila Jeric, wala naman talaga silang kasalanan, sadyang naririndi ako tuwing pag-uusapan nila si Kale.

Lumingon ako kay Audy, parang gusto niya matulog ulit, pumipikit-pikit kasi siya. Ang cute lang, hindi ko mapigilan na mapangiti.

Limousine ulit sinasakyan namin, kami ni Audy ang nasa dalawang bangko habang sila Nesrin, Hannah, Scarlet, at Dhrake, ay naka-upo roon sa mahabang upuan. Medyo naaawa ako kay Kuya Rafiel kasi mag-isa siya sa driver's seat.

I may not have any idea on what will happen pagkabalik namin sa Manila but, their villa and the memories we made here will always stay in my mind.

May alam na 'ko sa personal life niya, sa relatives, and she now slowly unravel her mask to me.

Kinikilig talaga ako each time na pumapasok sa isip ko na I untangle the mask she wears, feeling ko mutual na ang feelings namin. Tipong malapit na niya akong sagutin! Baka nga pag-balik namin sa Manila roon na niya ako sasagutin! Hindi ko mapigilan mapahagikgik, mas nababakla ako lalo dahil sa kaniya.

Audy turned to me, I flashed my sweetest smile.

Minsan ko na lang mapuri siya sa mga looks niya, kasi I'm now more attached to her soul. And somehow it feels like I know her better through it. 'Cause her eyes, the way it sparks and her actions tells something that her mouth can't do.

It feels like she does it subconsciously, like it's her soul who's in control, not her mechanical brain.

"What's on your mind?" Kaka-sabi ko lang ng mechanical brain nag-tunog application naman siya.

"Ano 'to facebook?" The side of her lips rose.

Natawa si Miss Scarlet ng malakas, si Miss Nesrin naman napailing.

"What's on your mind?" Scarlet mocked. "Robot yarn? Robot?"

"When are you gonna learn to shut your mouth?"

"Kapag dumating ang araw na nawala na rin ang mga katangahan mo sa katawan?" Scarlet said, natawa si Hannah na nasa gilid ko lang. Napailing si Audy after that lumingon ulit siya sa 'kin, she never speaks but her eyes says it all, nag-tatanong pa rin siya kung ano'ng iniisip ko.

"Bakit niyo po gustong malaman?"

"Because. . . I'm curious?" She uttered with a tone of hesitation.

"Ahh ano po—"

"Why Audelia?" Scarlet butted in, napalingon kami sa kaniya. "Takot ka ba na baka ang iniisip niya ay si Elen—M, O, P, Q, R, S, T." She sang the alphabet, napangiti ako muli. Pero nag-taka ako nang tinignan ni Audy ng masama si Scarlet na nasa gitna nila Miss Nesrin at Miss Hannah.

Trapped (Amorist Series #1)Where stories live. Discover now