Chapter 8

8.2K 234 60
                                    

Chapter 8

Time is a thief, but it only steals to give.

The scenery of the rising sun filled me with wonder, as did the coldness of the thin air. I love how peaceful the life they have here. They hear the chirping of the birds and they inhale fresh air, not the pollution that emerges from a highly urbanized city.

Hindi ko mapigilan na mapangiti sa tilaok ng manok. I miss the days when we used it as an alarm clock and how our mother used to wake us up. Tipong sasabihin ala siete na kahit na kakasapit pa lang ng ala-sais. Nakaka-miss ang pamilya ko kahit na hindi pa umaabot ng taon ang pagkalayo ko sa kanila. They used to be my direction, but now that they're far, I'm losing my sight on what's ahead.

Humigop ako ng kape at pumikit para langhapin ang hangin. I opened my eyes, bumungad sa 'kin ang kulay ng langit. Nakakabighani.

Ang ganda talaga ng lugar, lalo na sa pwesto ko na ilang hakbang lang bangin na.

"Lalim ng iniisip ah?" Azrael said, loudly. He’s wearing a thick jacket like mine, may kape rin na hawak.

"I'm busy reminiscing tapos may hayop na susulpot."

Umatras ako nang konti palayo sa bangin, sobrang taas pa naman nito tiyak na 'pag nahulog tigok agad.

"Hayop. Ka. Talaga Azrael! Kapag ako nahulog sa bangin isusumpa kita!" Now that I think about it, para akong aatakihin sa puso sa kaba.

"Ayaw mong mahulog?"

"Mamatay na 'ko sa ibang paraan h'wag lang ang mahulog. Mababali katawan ko paano ako malalagay sa kabaong ng maayos 'di ba?"

"Bakit kasi nandito ka? Para kang may tama." He made a gesture na sundan ko siya.

"Maganda kaya 'yung spot na 'yon," depensa ko sa sarili. "Kung tutuusin pwede na 'yon lagyan ng disenyo para maging tourist attraction e."

Ewan ko nga at bakit hindi sila tumatambay do'n. Tahimik na humigop kami ng kape.

Naunang nagising si ma'am sa 'kin, ang sama ng ugali ni ma'am, umalis agad siya tapos iniwan ako sa kubo. Hindi man lang ako ginising!

Hindi ko alam kung saan ako balak dalhin ni Azy, we walked aimlessly. But it's okay, it'll help clear our minds.

I often do this when I'm about to overthink. It helps me become attentive and divert my attention to what's going on in the present.

He sighed loudly. "Miss mo na ba agad ang buhay siyudad?" Tanong ko.

Isang araw pa lang kami rito pero tingin ko miss na niya, halatang hindi sanay si Azy sa ganitong lugar.

"Hmm, medyo. . . pero ang ganda ng tanawin dito, ang peaceful," I nodded. "Hindi pa tayo nakaka-alis gusto ko na agad bumalik."

"As if naman tatangapin ka nila rito," his smile faded. "Oh 'di ba? Bad trip kapag may naninira ng moment."

"Panira ka Belle. One bar ka na lang sa 'kin." He lifted his finger.

"Mommy shark ddu-du durot-durot," I copied him, sabay galaw ng pointing finger ko. "Mommy shark ddu-du, hit you with that ddu-du du."

Trapped (Amorist Series #1)Where stories live. Discover now