Chapter 4

8.6K 252 102
                                    

Chapter 4

Bumisita si mama noong weekends pero bumalik din naman agad siya sa probinsya. Lumago na raw ang negosyo namin doon, bukod kasi kay Melian may iba pang nag-invest sa shop. Pwede na rin tumambay ang customers sa pwesto namin.

Aakalain mong panaginip lang ang lahat dahil hindi pa nakaka-abot ng buwan ang pag-alis ko. Feeling ko tuloy ako ang problema sa bahay, tapos umasenso lang sila nang mawala ako.

Nakita ko sa pictures na naglilinis si Vera at Amari, miss ko na talaga silang dalawa, sana makabisita ako kapag bakasyon na.

I know how to cook kakanin, lalo na ang palitaw at biko, bata pa lang kasi ay sumasabay na 'ko sa pagtitinda kay mama. Pero hindi ko magaya ang timpla ni mama sa suman at ibos, pati pagbabalot ng ibos hindi ko alam.

Gumising ako nang maaga para ipaghanda si ma'am ng biko, ewan ko ba pero feeling ko obliged akong gawin 'to.

Na-offend ko kasi siya sa biro ko last time, joke lang naman e, malay ko ba baka dinibdib na yun ni ma'am. Ayan tuloy, napaluto ako nang wala sa oras. Saka feeling ko iba nasa isip niya na sasabihin ko, o baka tama feeling ko, talagang feeling ko lang 'yun. Sinio.

"Mukhang ganado ah?" Bungad ni Mel matapos humigop ng kape. "May inspiration? Atat ata na pumasok." Uminit ang pisnge ko, mag-aalas sais pa lang ng umaga, saka tama siya, excited na 'kong matikman ni ma'am 'tong luto ko.

What if ba magustuhan niya? Tapos bati na kami, e'di maluwag na ulit pag-hinga ko.

"Halata ba masyado?" She nodded. Nilapag niya ang baso sa lamesa.

"Kumain ka na ba? Huwag ka munang umalis kung hindi pa. Don't put too much pressure on yourself, belle."

"I know Mel," nilagay ko ang niluto sa lalagyan. "Saka wala pa naman nagpapa-pressure sa 'kin e."

"'Yung kapatid mo honor student kahit hindi na kailangan mag-study, maganda siya kahit hindi na kailangan mag-ayos, mabait din at kumikilos kahit hindi na inuutusan—"

"Kakaibang pressure naman 'yan Mel," payak akong ngumiti. Natawa siya. Kahit kailan talaga iba ang trip niya. "Bakit ang aga mo rin atang nagising?"

"Sino'ng nagsabing natulog ako?"

"At bakit ka naman hindi natulog aber? Ano ba'ng pinaggagawa mo?" Tapos na 'kong ilagay ang pagkain sa lalagyan, ready to go na 'ko.

"I need to finish watching one piece new updates, nakakainis kasi 'yung spoilers sa tiktok! Wala man lang warning!"

Natawa ako. "You can ignore naman lahat e, why bother to watch if you can scroll naman?"

"Ayy, wow," she chuckled. "Conyo ah? Tagalog palaka? Butiki alam mo." (Tagalog ka pala?) (Buti nga alam mo.) Sira ulo talaga.

"Saan mo na naman natutunan 'yan?"

"Sa paborito kong pamangkin." Napailing ako.

"But seriously though you can just ignore them."

"It's hard! Once I saw the vid napapahinto daliri ko sa pag-scroll. And hindi rin pwede na tumigil ako sa tiktok iyan na nga lang libangan ko." I was about to say that.

"Kung saan ka liligaya doon ka."

"How about you? Sino naman 'yang nililigawan mo?" Napantig ang tenga ko.

Napatigil ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "NILILIGAWAN?!" I gasped. "For your information I don't do things like that! I value myself, I love myself, and I love my ego and pride! There's no way in hell that I would do such things like ligaw 'no! Sa ganda kong 'to!?"

Trapped (Amorist Series #1)Where stories live. Discover now