Chapter 45

7.3K 126 14
                                    

Chapter 45

"Baka maligaw tayo rito ah?!" Vera exclaimed, her voice echoed.

Ang dami ng pinagbago ng bukid, kung dati hirap kaming mag-tungo sa paaralan ngayon hindi na, may tulay na rin sa sapa kung saan pwede dumaan ang mga motor. Tapos ang bato-batong daan paakyat, ngayon patag na, pwede na naming hilahin na lang ang maleta kaysa na buhatin.

I can't believe na taon na ang lumipas, parang kailan lang ang lahat. Sila Azrael lang muna at Vera ang kasama namin, naka-sunod lang sila Jin para hindi makahalata si Audy.

Azrael reason out na miss niya na ang bukid kaya siya sumama, while Vera said to Audy na gusto niyang maranasan ang mamuhay sa lugar kung saan kami nag-simula.

Bukas na 'ko mag-p-propose, habang tumatagal mas lumalakas kabog ng puso ko, lumalamig ang mga pawis. Hindi ko matukoy ang nadarama pero hindi naman ata mawawala 'to sa proposal kahit na matagal na kayo.

Whatever her response is. . . I will accept it, if she refused, that's okay, baka 'di pa siya ready pero impossible naman ata kasi siya laging nag-iinsist.

Sana lang hindi nag-bago ang isip niya, it doesn't mean she refused that's the end of us, I'll wait for the right time, lalo na ngayon may permiso na 'ko ni mamita.

"Bakit walang guide?" Vera asked, nasa unahan kaming dalawa ni Audy, bitbit ko ang ibang mga gamit habang hawak niya ang mga maleta.

"Hindi ko rin alam." Azrael replied. "Belle dati ba meron?"

"Hindi ko na tanda e. . ." I shrugged. "Diretso na lang tayo rito sa daan."

"Baka ma-wrong turn tayo ah?" Vera exclaimed, for a second time, it echoed.

Audelia chuckled. "That's not going to happen." Binilisan ko ang hakbang para makasabay siya muli, I leaned towards her.

"Siyempre may dala kang mapa at compass," I whispered. Our gazes met, we giggled.

"Tanda ko pa. . ." her smile faded. "No'ng naligaw tayo, akala ko wala na talagang pag-asa and then malalaman-laman ko may dala kang compass?!" I exclaimed. "Iba ang kabog ng puso ko."

"That was epic. . ." she said.

"Epic ka diyan. . ." I pouted. "Gusto mo lang ako makasama e, pumaparaan ka lang. . ."  tinignan niya 'ko ng masama. "Kamusta na kayo diyan?" I turned towards them.

"Kaya pa," Azrael replied. Nanlulumo ang mukha ni Vera, pawisan at hirap ng huminga.

"You're now good at diverting the topic." Audelia said. Napangiti ako.

"Siyempre. . . baka mamaya itapon mo 'tong mga gamit," tinuro ko ang daan sa baba. "Kita mo 'yan? Kakailanganin kong gumulong para lang mahabol 'tong bibit natin if ever man."

"Napaka." She chuckled.

Ilang saglit pa tanaw na namin ang magagandang hugis ng mga bundok, sumisikip na rin ang dibdib dahil sa taas ng pwesto.

"Girl! Pagod na 'ko. . ." Vera said, tanda ko dati si Azrael ang mahilig mag-reklamo.

"Akin na," Azy said. "Ang tapang mo pero lampa ka pala." Lumingon ako sa kanila, kinuha ni Azy ang mga gamit ni Vera.

"Girl huwag mong hintayin 'yung isa," I giggled, her brow arched. "Baka si Azy talaga para sa 'yo."

"Girl!" She made a face. "Kadiri!"

"Mas kadiri ka!" Azrael sticks his tongue out.

"She's waiting for her?" Audy said, natigilan siya.

I nodded. "Matagal na."

Trapped (Amorist Series #1)Where stories live. Discover now