Chapter 15

6.4K 169 38
                                    

Chapter 15

Some are built but are doomed to be destroyed.

Our date got cancelled because she have a lot of things to do. Nakakapanghinayang, handa na sana ako pati na rin ang mga foods. Paggising ko na-receive ko message niya, sabi next time na lang, masaya na sana ako since tapos na pre-final tapos date na namin, but then wala e.

And now. . . all I can do is sit in the corner, watch my friends do some crazy stuff which I am also part of.

They have heavy makeup on their face, and their costumes seem pretty uncomfortable if you look at it.

Celebration namin pero pucha naging children's party o kaya costume party kiddie edition. Si Mel kasi e! Hindi ko alam kung ano'ng trip sa buhay, tapos itong mga kaibigan ko go na go rin sa nais niyang gawin.

Tapos ako?! Nangangati na sa wig na suot, ang init masyado sa anit, and then ang make up ko!

Ang kapal! Dinaig pa libag na parang kwintas ng mga bata. Nakakahiya 'pag may nakakita sa 'min.

May t-shirt pa 'ko na plain pink na sobrang nipis ng tela, pero stretchy naman, tapos ang boots ko dinaig pa ata luma na mga gamit ng ermitanyo sa ibong adarna. Bukod sa ganito plano pa nila na pumunta raw kami sa mall at magpanggap na mannequin, paano kami magiging mannequin?! Jump scare lang mangyayari! Mas bagay kami sa horror booths.

Now si Azy na ang nilalagyan nila ng make-up at inaayusan. Avatar daw ang peg niya tapos ang akala ko 'yung water bender, anak ng tinapa 'yung matangkad at kulay asul pala!

Much worse is aside from his face, ang katawan niya asul na rin, aba nagmukhang tiktik na nakikita sa KMJS tuwing gabi ng lagim ang tanga.

His body's is well-formed, pinuri nga siya ni Mel. Pero ano'ng silbi ng abs saka broad shoulders niya kung mukha naman siyang tanga, pati nga ako nasali. Hindi talaga ako makapaniwalang pumayag ako sa kalokohan na pinaggagawa nila, goodness!

Iniisip ko pa lang ang mga sasabihin sa 'min ng mga tao mamaya natatawa na talaga ako. Baka masabi ko, hindi ko po sila kilala.

"Tignan niyo si belle parang tanga tumatawa na mag-isa." Mel said, her voice are a bit low pero dinig ko.

"Nasobrahan lang 'yan sa studies." Jin chuckled, I frowned. Mag-uusap na nga lang ako pa talaga topic.

"Sabihin mo Eira na lumipat na lang siya sa course niyo." Yunice stared at me.

"Don't," Eira shook. "Sa course namin lalo siyang mahihirapan, kasi some of our lessons point out some traumas, hanggang sa maisip namin na parang kami tinutukoy sa lesson." I snorted, hindi ata maka-ilag si Eira.

"So malalaman niyo rin ang deeper roots? And also how to cope up with it?" Cleziah said, quite amused.

"Yeah," she nodded. "But somehow it made us have a hard time even more to deal with it." Eira continued to fix Azrael's hair.

"Why?" Melian stopped fixing Azrael's brows.

"“Knowing is different from doing it”." Eira said.

"Ahh. . ." Yunice nodded. "Pero masaya naman? Saka mabait naman ang mga profs?"

"Yeah masaya naman pag-aralan ang lessons sa course namin," Eira smiled. "Actually lahat nga ng mga professor namin may kakaibang powers aside from being kind, they can easily do it in a few minutes."

"Really?" Cleziah's brows furrowed. "Like what?"

"Magpatulog ng mga estudyante." She chuckled which made us do the same.

"Ako nga kahit business kinuha ko may ganap akong nakalap sa mga accountancy students," Yunice boasted. "May kakilala akong student from being depressed naging masayahin agad dahil sa course nila."

Trapped (Amorist Series #1)Where stories live. Discover now