Chapter 16

5.2K 152 32
                                    

Chapter 16

Silent when seen, loud when hidden.

Mabibigat ang hakbang ko patungo sa silid kung saan naka-confine si papa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tapos wala pa akong tulog, gabi na kasi nang makasakay ako ng airplane, madaling araw na 'kong nakababa.

Ayaw nga 'kong pauwiin nila Mel pero ayaw kong paawat lalo na't matindi ang natamo ni papa, base pa lang sa naging epekto nito kay Amari.

My friends were also worried about me being left out in class lalo na't finals na namin sa fifteen, but then, priority ko si papa e. Sila Azy na raw ang bahala sa pag-excuse sa 'kin at sa modules at record ng discussions. Laking pasasalamat ko talaga na kaibigan ko sila.

Ilang saglit pa nahanap ko na rin ang silid ni papa. Marahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sa 'kin si papa na may benda sa ulo at paa na siyang naka-angat at nakatali sa bakal. Mahimbing siyang natutulog habang si mama naman nasa gilid niya, nakahilig ang ulo sa kama.

Ang dapat matuwa ako kasi nasilayan ko na ulit sila, kaso, tila pinipiga ang puso ko nang makita ang sitwasyon nila ngayon.

Sinarado ko ang pinto at tinakpan ang bibig para hindi nila marinig ang mahina kong paghikbi, ayaw kong magising si mama lalo na't nakikita ko kung gaano siyang nahihirapan. Magulo ang kanyang buhok at may luha sa gilid ng kanyang mata habang nakapikit.

Naka-side view siya habang natutulog, the way her wrinkles on her forehead are exposed, talagang malalaman kung gaano kalalim ang iniisip niya. Marahan akong humalik sa noo ni papa at pinunasan ang luha. Naramdaman ni mama ang presensya ko at ang mahinang paggalaw ng kama. And when she saw me right in front of her, kumislap ang mata niya at ngumiti ng matamis. Yet even she did that, the pain and agony are still visible on her face.

Ngumiti ako, parang tinutusok ang puso ko nang makita ang expression sa mukha niya. Tumayo siya, umikot ako sa kama at umaktong yayakapin siya ngunit umatras siya sa 'kin.

"Mabaho ako. . ." pabirong sabi ni mama na siyang nagpaluha sa 'kin.

Lagi kong hinahanap ang amoy niya simula no'ng umalis ako sa bahay, wala akong pakialam kung hindi siya naligo sapagka't nangungulila ako.

Walang pasabi kong niyakap siya at binaon ang mukha sa kaniyang balikat, nagdadalawang isip pa siya na yakapin ako pabalik pero kinalaunan ay ginawa niya. Marahan niyang hinagod ang aking likod, dahilan para makaramdam ako na para bang may tinik sa aking lalamunan.

"Na-miss ata ako ng panganay ko. . ." I sobbed.

Ilang saglit pa natigil ang aming yakapan pero ang pagtulo ng luha ko ay ayaw umawat.

Marahan niya na hinaplos ang aking pisngi at hinalikan ako sa noo, after that hinimas niya ang aking ulo na para bang isa pa rin akong bata sa paningin niya.

"Kamusta pag-aaral?" Umupo siya muli, kumuha ako ng upuan sa gilid at inusog ito papalapit sa kaniya.

"Ayos lang po," ngumiti ako. "Si Amari nga po pala nasaan?"

"Nasa bahay," she wiped her tears. "Umuwi ka na lang kaya? Mukhang wala ka pang pahinga."

"Naiisip niyo po ako pero ang kalagayan niyo ay hindi," hinawakan ko ang kamay niya. "Ikaw na lang po muna ang magpahinga ma." Hindi ko rin mabatid kung kailan siya huling kumain.

"Iwan niyo na lang po ako rito tutal gusto ko rin na bantayan si papa," I turned my gazes towards my father sabay ngiti nang mapakla.

"Ang pangit ka-bonding ni papa natutulog imbes na samahan tayong mag-saya." Natawa si mama ng marahan. "Pahinga po muna kayo."

Trapped (Amorist Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz