Chapter 3

9.3K 285 94
                                    

Chapter 3

"Shut up!" Padabog niyang nilapag ang papers sa table.

Grabe ha! Ibubuka ko pa lang ang bibig ko e! She has never allowed me to talk as long as nandito kami sa office niya.

It's the third day of my detention, also my third day of not having a chance to eat lunch with my friends. Noon kasi sched namin, feeling ko tuloy gusto lang ako kasabay kumain ni miss, hehe.

Pero nakakainis ah, alam na alam talaga ni miss kung paano ako pahirapan. Ayaw ba naman akong pagsalitain! Nakakapanis kaya ng laway!

Hindi ko mapigilang mapaisip, bakit kaya laging naiinis ang tao sa 'kin? Especially sa tanong ko? Ang hirap din kaya sa part ko. Once I opened my mouth, it would be difficult for me to stop myself from asking such questions. It's hard to contain my curiosity.

Maybe it's a disease? That's exaggerated, I don't know anything about my condition but my mind craves for information. Maybe nabagok ang ulo ko dati kaya hindi ako mapakali 'pag wala akong bagong natututunan.

Buti na lang I have a family who understands me, some people say I'm gifted 'cause I have a mind like this. But for me? It’s a curse, my mind doesn't know how to rest, it's a torture! Lalo na 'pag walang internet saan ako magtatanong?

And at some point, there's a part of me that says it's my defense mechanism, I keep my mind busy to not have a time to think about things that'll make me vulnerable. I don't know but, it feels like there's some void in me. May kulang pero hindi ko matandaan o maisip kung ano, or maybe I'm bored kaya napapaisip ako ng ganito.

Napabuntong-hininga ako dahil sa iniisip, medyo malakas ito kaya nakuha ang atensyon niya. She arched her brow.

"Don't talk." Ani niya muli.

I can't help but pout, mahina siyang umiling at nagpatuloy sa pag-gawa ng lesson plan. Kairita.

Dahil walang magawa, nagligpit na lang ako ng pinagkainan. Sa hindi inaasahan ay nahulog ang kutsara bago ko ito mapasok sa lalagyan, it made a loud noise.

Napatingin siya sa 'kin. I was about to say sorry kaso umiling siya at huminga ng malalim sabay balik ng tingin sa papel.

Ayaw siguro ni ma'am ng ingay lalo na kapag may ginagawa. Nang matapos ay nag-halumbaba ako sa table niya, she said bawal mag-salita pero hindi niya sinabing bawal akong tignan siya.

I'll take this opportunity para obserbahan ulit ang hitsura niya sa malapitan. She really has strong features, mala lady boss. And for sure she's a woman that always gets what she wants.

Her eyes goes cold when it lands on me, but my chest always feel some warmth when it does. She's the only stranger that made me feel strange things.

I fancy her looks, ang attractive masyado tignan, ano kaya ang sikreto ni ma'am? And sh*t. Why is it that when I'm with her parang kumpleto na ang araw ko? At parang ayaw ko na rin matapos ang detention.

Why is it so hard to suppress my smiles kapag siya na ang nasa isip ko? Ang cliché pero bakit parang ang gaan sa pakiramdam na makasama siya?

'Bakit kasi ang ganda ni ma'am?'

Natigil siya sa pagsusulat nang hindi pa rin lumilingon sa 'kin.

'Saan kaya pinaglihi si ma'am? Mukha siyang anghel, ang ganda tapos medyo soft ang features niya kung titignan nang mabuti, kahit strong sa unang tingin. She looks tough but soft inside, pero kapag nag-tama ang tingin namin napapaisip ako na pinaglihi siya sa sama ng loob.'

Her brow arched.

'Ayan na naman ang pagtaas ng kilay niya. Ano'ng klaseng sama ng loob ba pinaglihi si ma'am? Ang ganda naman ng sama ng loob na 'yon. Nakakatakot din siyang tumingin, nakakahimlay e. Mukhang ang laki ng galit sa mundo ni ma'am, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.'

Trapped (Amorist Series #1)Where stories live. Discover now