Chapter 38

7.3K 155 74
                                    

Chapter 38

"Kinakabahan ako," I punched my chest a bit, ang lakas ng kabog ng puso ko.

"H'wag kang kabahan." Azrael handed me the water bottle.

"Ang galing ng payo mo Azrael bakit hindi ko naisip 'yan?" Jeric laughed. "Bakit? Bakit?" I pressed my head each time I say that.

He pouted. "Ikaw na nga tinutulungan parang sira!"

"De joke lang, thank you Azy." I sipped some water.

We're here in the hallway, ngayon na ang event, nakasandal ako sa pader while si Azrael at Jeric nasa harapan ko, hinihintay sila Yunice. They bought some snacks at kakatapos lang ng march namin, sila Jin naman papunta na raw dito.

Ilang saglit pa dumating na sila. Inabot ni Yunice ang sukli kay Jeric. "Tanga 'tong si Ziah balak ata na mag-shift ng course—"

"Hindi ko sinabi 'yan tanga," Ziah handed Azrael some junk foods. "Ang sabi ko kahit ano'ng course makakakuha ka ng degree."

"Ikaw ang tanga—"

"Degree sa lagnat." A couple of seconds passed, and we laughed.

"Katangahan multiverse of madness," Vera showed up together with Melian.

Pumwesto si Mel sa left side ko at nag-abot ng gatorade, si Vera naman nasa gitna nila Azy na nasa gilid din ni Mel. Para saan 'to? Sa lagnat? I mean hindi naman ako mag-lalaro ng active sports.

"Ayaw ko ng bagong shirt natin," Ches said to Jin, nakasuot sila ng red shirt for their team.

"Bakit ano'ng issue?" I asked. Mabilis na naglakad patungo si Ches sa harapan namin, nasa tabi siya ni Ziah at Yunice, lahat kami naka-focus sa kaniya.

"Nag-kabalikan na raw kayo ni ma'am." Bulong niya, binatukan siya ni Jin na nasa right side ko. Para kaming may pagpupulong na ganap, Si Eira na lang ang wala rito tapos nakapalibot pa talaga kami.

"Ches," Azy snorted. "Ches-chesmosa ka talaga."

Nag-tawanan sila. "Ano'ng nagkabalikan 'tsaka sino'ng. . . sino'ng ma'am?" Nahihiya at mahina na sabi ko, tumigil sila sa pagtawa.

"Sana all. . ." Yunice said.

"New version of sino ro'n? Maraming choices si nene," Ches said, I pouted. "Si Miss Audy."

Lahat sila ay matulin akong tinignan. "Wala akong alam diyan. . ." I avoided their gazes.

"Paano si Miss Elena?" Ziah asked.

"May nakakita sa 'yo no'ng isang araw sa office niya," Vera said. Mel crossed her arms, tang-ina parang gigisahin nila ako ngayon. "Ginagawa mo ro'n?"

"She's sick."

"Ah, marfok." Azrael giggled.

"Tama na 'yan may event pa baka 'di maka-focus 'tong pamangkin ko." Pinanlisikan niya 'ko ng mata na parang nagsasabing magpaliwanag ka.

"Vera nakita ko sa poster kasali ka sa debate," I walked towards her. Nagdabog ako at mas lalong napanguso. "Opponent pala kita pero hindi mo sinabi. . . siguro you gather some of my tactics kaya puro ka tanong about practice namin last time."

Napangisi siya. "You let your guard down, it's not my fault. . . and para surprise."

"Maduga!" Hinila ako ni Azrael palayo sa kaniya hanggang sa na-pwesto kami sa gilid.

Hawak niya pa rin ang kamay ko, ngayon silang lahat nakatingin sa 'min. "Girl bakit ka nga ulit sumali?" Vera asked, huminga ako ng malalim.

"'Yon lang alam ko 'tsaka walang balak na sumali sa debate sa 'min," nakanguso at tumatango kong tugon. "Ikaw bakit?"

Trapped (Amorist Series #1)Where stories live. Discover now