Chapter 37

7.8K 171 43
                                    

Chapter 37

"Wala ba kayong mga bahay?" Bitbit ko ang bag at nag-tungo sa ref para kumuha ng tubig. Lahat sila nakatingin sa 'kin. "Bakit ang aga niyo rito?"

"Tanga," Azrael said. My brow arched. "Dito kami natulog."

Ako pa ngayon ang tanga. Handa na 'kong pumunta sa university gano'n din sila. Si Mel naman abala sa paghahanda ng pagkain. "Ano'ng meron ba't dito kayo natulog?"

"Para mabilis makarating sa univ," sagot ni Ches. "Ang aga kasi ng practice."

"Kulang na lang mag-tent na rin kami sa labas ng university," Ziah said. "Ang aga! Ang arte tang-ina sponsored kasi ano 'to Olympics?"

"Aga-aga mura agad." Umiling ako.

"Mag-camp tayo sa loob tapos mag-hanap tayo ng multo sa mga silid." Suggestion ni Azy.

"Ikaw na lang Azrael mag-solo ka." payak na ngumiti si Yunice.

"Takot ka pala sa multo? Gago kapag nakita ka ng multo sila pa matakot sa 'yo." He laughed.

"Mel nagpakulo ba kayo ng tubig?" Mel nodded. "Galing! Kumukulo na ba? Ang dugo ko kasi sa 'yo tang-ina ka kanina pa." Yunice glared at him.

"May sinalihan ka ba?" I asked Ches, umupo ako sa usual kong inuupuan 'pag kumakain.

"Volleyball pa rin."

"Bakit hindi ko napansin na nandito kayo?" Ang dami nila tiyak na maingay sila kagabi. Nag-lakad sila Jin at Eira patungo sa harapan ko.

"Kasi hindi mo napansin." Yunice said, I rolled my eyes, they chuckled.

"Hindi ka kasi lumabas sa kwarto mo after mong umuwi kahapon," Melian's tongue clicked. "They came after you, ano'ng ginawa mo ro'n? Hindi ka nga rin kumain kagabi."

Nilagay ni Vera at Ziah ang mga ulam sa gitna ng lamesa, tumulong naman sila Jin sa pag-aayos ng mga plato.

"Napagod ako sa practice," hindi ko mapigilan na mapahikab. "Mamaya na ang huli namin."

Azrael tuned the tv off, si Jeric umalalay kay Melian sa paglagay ng kanin sa gitna. Buti na lang kasya kami kahit na siksikan, share na nga rin sila ng mga upuan. Magkatabi kami ni Yunice.

Simula ng pag-uusap na 'yon napansin ko ang pagiging mailap ni Ely, hindi ako sanay.

Nangungulila na ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin bumalik lang kami sa dati, she no longer smile that much, kung meron man kakaunti na lang. Her eyes glows and tells what she truly feels. She's hurt, I like her, but she's in no position to believe, 'cause she knows me better than I do.

If I let these feelings stay, I'll end up hurting, if I let it go, it's still the same, I have no other options.

Akala ko tapos na, o baka nga tama siya, niloloko ko lang ang sarili ko, pagod na 'ko, but paulit-ulit lang lahat, lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Elena distanced herself to me, while I distanced myself to Audy, said she broke the promise, but it is still the same.

Enough is enough, she kept pushing herself to me these past few days, while I do my best to act that she no longer exists.

"Nakikinig ka ba?" Melian asked.

I blinked. "H-huh?" Natawa sila.

"Just forget about it," she shook. Tumabi siya kay Eira. "Ang aga-aga tulala ka." We started to eat.

Ilang sandali pa natawa si Jin sa right side ko, we turned our gazes, she fixed herself in an instant.

"May naalala lang. . ." turo niya sa shirt na suot ni Mel na printed ng isang gagamba. Magkaharap sila. My brow arched.

Trapped (Amorist Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя