Kabanata 5

740 72 0
                                    

Maggy's POV

Habang nasa tricycle ay tahimik lang ito. Sinusubukan ko syang kausapin pero tipid lang ito kung sumagot.

"Is your name really Seige? Pangmayaman kasi e, mahirap ka lang naman."

"Tsk."

"How about surname? Anong apelyido? Santos? Dela Cruz? You know, mga common surnames here in the Philippines."

"Viñas."

"Seige Viñas? Hmm, pwede na rin." hindi na ito sumagot.

"You're lying. Magaling akong kumilatis—"

"Malapit na tayo."

Pagkababa ng tricycle ay tumigil kami sa isang kubo.

"Is this your house?" tumango lang ito. Pumasok sya sa loob kaya pumasok na rin ako.

"Tay, nakabili na po ako ng gamot." pinagmasdan ko sya na umupo sa kahoy at nilagyan ng tubig ang baso.

Ngumiti naman ang matandang nasa higaan. Mapayat ito at mukhang nasa 60's na.

"Tay, si Miss Margarita Dela Fuenta nga po pala ang kasama ko." tipid lang akong ngumiti at tumango.

"Dela Fuente? Anak ba sya ni Mayor Martini?" tumango si Seige at pinainom na ng gamot ito.

"Maraming natulong ang ama mo sa amin, iha." hindi ako sumagot dahil di ko alam ang sasabihin ko. I mean, that's what he always do naman.

"Lalo na kay Seige—"

"Tay, magluluto na po ako. Magpahinga na rin po kayo." naguguluhan kong tinignan si Seige. Maraming natulong si Dad kay Seige? Pano?

Nang makatulog si Tatay Rodolf ay sumunod ako kay Seige sa kusina. Hindi kalan ang gamit nila kundi ay kahoy na may apoy sa pagluluto. Nakakaluto ba talaga yan? How can they measure the heat then?

"Tinulungan ka ba ni Dad dati? In what way?" lumingon sya sa akin.

"None of your business." tumaas lang ang kilay ko at ngumisi.

"Tatay Rodolf is a pure Filipino. Maybe, may lahi ang mother mo? I have many friends na nagmo model, and your traits were similar to a Spanish one." nakita ko ang pagkuyom ang kamao nito.

"You look mad? May nasabi ba akong di mo nagustuhan?"

"Miss Dela Fuente—"

"I wanna be your friend." nagulat sya at miski ako, nagulat din sa sinabi ko.

"Bakit?"

"Because I am curious about you. I wanna know your secrets. And for me to do that, kailangan kitang kaibiganin."

"You're very honest, Miss Dela Fuente."

"I am."

"I don't want to befriend someone with an attitude like you, Miss Dela Fuente."

"Then, I will change my attitude for you, Seige."

What am I doing? Bakit ko ba sinasabi ang bagay na ito?

"People are really dangerous when they are curious. You want to be my friend because you wanna know about me? You wanna know my secret?" tila naghahamon nitong tanong. I just nodded.

Ngumisi ito.

"You're very clever, Margarita. Let's be friends, then."

"Good—" lumapit sya sa akin at hinawakan ang baba ko at hinalikan ang nakaawaang kong mga labi. Mabilis lang yon pero natulala ako ng ilang segundo.

"That's not what friends do, Seige."

"I know. I just had a feeling that I want to kiss a spoiled brat's lips. I thought it will be bitter, I didn't expect it to be sweet." napalunok ako.

"Para sa kabayaran na halik na ginawa ko, I will answer one of your question. Yes, I have Spanish blood. And you are wrong, because I am pure one." tumalikod ito at lumakad na papalayo.

"Sinigang na bangus ang niluluto ko. Pakitignan na lang."

"What the— Katulong kita! Boss mo ko!" giit ko.

Lumingon sya sa akin at umiling iling.

"Akala ko ba magkaibigan na tayo? Were not in an employer-employee relationship right now. Alam kong marunong kang magluto, kaya ikaw na bahala dyan."

It was a bad decision, right? Dapat hindi ko na sya inalok ng pagiging magkaibigan.

"I don't know how to cook with this thing. How can you measure the fire?" naiirita kong tanong.

"May dyaryo dyan—"

"Hihina ba ang apoy kung babasahan ko sila ng balita sa dyaryo?" napasimangot ito.

"Figure it out by yourself. Bibili lang ako ng soft drink." saad nito at umalis. Umirap ako sa hangin.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz