Kabanata 6

670 69 0
                                    

Maggy's POV

"Alis." saad ni Seige.

"What? Kakausapin ko pa si Tatay Rodolf." giit ko. Umiling iling ito.

"Masyado kang madaldal. Mapapagod lang si Tatay sayo. Alis na." mahina nya kong tinulak.

"Boss mo 'ko!"

"Kaibigan na kita, remember? Alis, Margarita." napapadyak ako.

"Just call me Maggy, ang pangit pakinggan ng Margarita. Hindi ako alak." umiling iling ito.

"Sige na, Maggy. Alis na."

"Hindi ako marunong umuwi. Gusto mo bang mapahamak ako sa daan? Pano kung may mangyaring masama sakin? Will you take responsibility?" tila naiiyak kong tanong.

"Really? Guilt tripping me?" di makapaniwalang sagot naman nito.

"Fine." I smiled. Hinawakan ko ang braso nya at hinila.

"Let's go, Seige."

Nang makauwi na ako sa bahay ay inilabas ko ang cellphone ko.

"Hey, Qristain!"

"What?" bored nitong tugon.

"I think I'm attracted to him? What should I do?" niyakap ko ang unan ko at napakagat ng labi.

"Make him fall for you. Dyan ka naman magaling e."

I rolled my eyes.

"He's different."

"Yeah, yeah, yeah, tell that to the cows, Maggy."

"I'm gonna hang up. Wala kang kwentang kausap." binaba ko ang cellphone ko. Should I cook for him? Maybe, I should. Tuna pasta, maybe? Nah, parang ang bigat naman nun sa tyan. Shoud I bake na lang? Yup, good idea!

Hinanda ko na agad ang mga gagamitin. Napagdesisyunan kong magbake ng isang heart shaped cake. Nilagay ko muna ito sa ref. Bukas ko ito ibibigay kay Seige.

Kinabukasan ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Po? Wala po dito si Seige? Asan sya?" tanong ko kay Tatay Rodolf.

"Nasa Maynila. Naghahanap ata ng trabaho."

Bakit kailangan nya pang pumunta ng Manila? Nandito naman ako. Marami akong pera.

"Uuwi po ba sya mamaya?" tumango lang ito.

"Siguro mamayang hapon ay nandito na iyon. Andami na nating napag usapan, iha. Hindi ko pa natatanong kung ano ba ang relasyon nyo ng anak ko. Gerlprend ka ba nya?" agad namula ang mga pisngi ko. Umiling iling ako

"Hindi po."

"Ayy, ganon ba. Akala ko pa naman. Siguro nga ay si Monica ang gerlprend ng bata na iyon." nangunot ang noo ko.

"Sino pong Monica?"

"Yung call center agent sa kabilang baryo. Nakilala ko yun noong isang linggo, napakabait noon at napakahinhin. Hindi rin palaaway, hindi katulad noong mga kapitbahay namin dito."

"Mahilig po ba kayo sa cake, Tatay Rodolf?" tumango lang ito at sinabing paborito nya iyon.

"Sa inyo na lang po yan, maliit lang po yan kaya pwede nyong ubusin. Wag nyo na rin po sana bigyan si Seige. Sige po, mauuna na ako."

Nang makaalis sa kubo ay napatampal ako ng noo. Magtatanong nga pala ako patungkol kay Seige. Ano ba yan, Maggy! Inuna kasi ang selos—

"Hindi ako nagseselos!" sigaw ko. Natutop ko ang bibig.

"Are you jealous, Maggy? Why?" lumingon ako sa likod at napaawang mga labi.

Nakaputing polo ito at itim na slack. Makintab din ang black shoes na suot nito at naka gel ang buhok.

"Seige? Is that you?"

Tumango lang ito.

"Naghanap ako ng trabaho sa Manila. Kaya ganto itsura ko."

"You look presentable. Hindi ka mukhang dukha." nasabi ko na lang. Umiling iling ito.

"You are very honest. Wala ka talagang filter sa pagsasalita."

"Why would I filter my words? Magmumuka akong sinungaling pag ganon."

"That's not true. You should filter your words so that people will not be hurt—"

"Why would I adjust? I am Maggy Dela Fuente." arogante kong sagot. Napabuntong hininga na lang ito.

"May mga naging boyfriend ka na ba?"

"Yup, madami. Too many to mention."

"At hindi ba sila nasasaktan sa mga salitang lumalabas sa bibig mo?"

Natigilan ako at ngumisi.

"Why would I care about their feelings? My feelings are way more important than theirs."

"Brat." agad nag init ang ulo ko.

"Brat? Edi sorry kung hindi ako kasing bait ng Monica mo!" tinalikuran ko ito at umalis na.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now