Kabanata 13

608 66 0
                                    

Maggy's POV

"Oh my! Maggy, tumaba ka!" saad ni Qristain pagkababa ng tricycle. Binigyan nya ang driver ng 1k at sinabing wag na suklian.

"Yeah, napapadalas kasi ang pagluluto ni Seige." I smiled.

Dati rati ay isang beses lang ako kumain ng kanin sa isang araw. Ngayong naging boyfriend ko si Seige, three times a day na akong kumakain ng rice. Dagdag pa ang meryenda tuwing hapon.

"That's bad. Yayayain sana kitang maging model ng mga bagong designs ko na necklace and bracelet, baka di na bumagay sayo." napangiwi ako. Kung prangka ako, mas prangka sya.

"Nagutom ako sa byahe. How about we order na lang some vegetable salad? I'm craving right now."

Pinapasok ko sya sa loob ng bahay. Wala syang hotel na nahanap kaya dito muna sya ng isang linggo.

"How about your boyfriend? Pumupunta rin ba sya dito?"

"Minsan. May trabaho kasi sya kaya minsan lang."

She stared at me at tinaasan ako ng kilay.

"Hindi ka na nagmi make up? I told you that women should always look beautiful and presentable. Ang putla mo." napangiwi ako.

"Sabi kasi ni Seige di naman daw palagi ganon. I mean, nasa bahay lang naman ako so yeah, pulbo lang, okay na ko." inilapag ko ang plato at kutsara sa lamesa.

"Gurl, you're changing. Your Spanish boyfriend really changed you." umiling lang ako.

"I think mas maganda yung version ko ngayon."

Tumahimik ito ng ilang minuto. Tinitignan pala nito ang buong bahay.

"Ikaw ba ang naglilinis dito?"

"Nope. Si Seige."

"Well, I'm not that surprised. Allergic ka nga pala sa dumi at alikabok."

Nilagyan ko ng vegetable salad sa plato si Qristain. Buti na lang at namalengke ako kahapon at naisipan kong bumili nito. It is her favorite at paniguradong maghahanap ito pagdating dito.

Nagkukwentuhan kami ni Qristain habang kumakain. Then, suddenly we heard a knock. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Seige, you're here. Akala ko mamaya ka pa." I said. Kinuha ko ang dala dala nitong coke float at pinapasok sya sa loob.

"Oh, your boyfriend?" lumapit samin si Qristain at pinasadahan ng tingin si Seige. I felt little irritated.

"Yeah. Seige, this is Qristain Villares, my bestfriend and Qristain, this Seige Viñas, my boyfriend." I smiled. Nagkamay silang dalawa at di nakaligtas sa mata ko ang mabining paghaplos ng kamay ni Qristain sa kamay ni Seige.

"I finally met you. You really changed my bestfriend. Congrats!" then, she laughed.

Umupo kami sa sala at nagkwentuhan. Iniinom ko ang coke float habang pinagmamasdan ang dalawa. Seige looks bored while Qristain is talking.

"And I am a famous jeweler, nagdi design ako ng mga nacklaces, rings, bracelets. May sample akong dala, I will show it to you later." maarte nitong pinaglandas ang mahahabang daliri sa buhok nitong kulay blonde. Tsk, di naman natural, pinakulayan nya lang yan.

"Qristain, can we talk? Kahit saglit lang." tumayo ako at sumunod naman ito.

"What? I'm talking to Seige, what's your problem ba?" binigyan ko sya ng masamang tingin.

"Seige is my boyfriend." ani ko.

"So?" tinaasan pa talaga ako ng kilay.

"You're flirting with him!" asik ko na kinatawa nito.

"Natatakot ka ba na maagaw ko sya sayo? C'mon, Maggy. Walang agawan kung walang magpapaagaw."

"What are you doing, Qristain? You are testing my patience." umiling iling lang ito.

"Chill, baby Maggy. That was a joke. Wala akong planong mang agaw. At kung mang aagaw man ako, sisiguraduhin kong ubod ng yaman ang aagawin ko." she flipped her hair at bumalik na sa sala. Marahas akong bumuga ng hangin.

Qristain is my friend, but sometimes naiinis ako sa kanya. Sabi nga nila, birds with the same feather, flocks together. Parehas kaming masama ang ugali kaya nag click agad kaming dalawa.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now