Kabanata 25

740 71 0
                                    

Maggy's POV

Wala akong nahanap na trabaho.

Tinititigan ko si Blue na umiinom ng gatas sa bote.

"Anong gagawin ko, Blue? Ibenta ko kaya itong bahay? Pero maliit at sira sira na to. Walang nagkakainteres na bilhin ito."

"Brr..brrr...Bah!"

"Ha? Kausapin ko si Seige ulit?" napatapik ako ng noo. Nababaliw na ba ako?

"Dyan ka lang, ha? Maliligo lang si Mama." ani ko.

Ngumiti naman ito. Pinanindigan ko talaga ang pagiging nanay nya. Ma rin kasi ang tawag nya sakin.

Habang naliligo ako ay may kumatok sa pinto. Nagtapis ako ng tuwalya.

"Sino yan?!" lumabas agad ako kahit nakatuwalya lang.

Binuhat ko si Blue at inilayo sa may pinto. Malapit kasi ang crib nya dito. Dito ko nilgay kanina kasi naputulan ako ng kuryente.

"Sino yan, hoy? Wag mo siraan yung pinto ko!" malakas kasi ang kalabog nito.

"From the bank!" saad ng baritonong boses.

"Seige?" binuksan ko ang pinto at napakurap kurap. He's here. Jaxon Seige Demitri is here.

"Bakit— bakit ka nandito?"

His amber eyes scanned me. Nag init ang pisngi ko. Pinaglaruan ni Blue ang basa kong buhok. Nakatapis lang pala ako ng tuwalya.

"Anong ginagawa mo dito?" ulit ko.

Lumamig ang tingin nya.

"Give it to me."

"Ha?"

"80 million." napanganga ako.

"Wala pa. Kahapon lang ako pumunta sayo. Hindi ko maibibigay ang 80 million na utang ng pamilya ko."

"I'll sue you." nag igting ang panga nito.

"Do you hear yourself? Ipapakulong mo ako? Di ko kasalanan—" natigilan ako ng ngumisi ito at may galit ang mga matang tinignan ako.

"That's the same word that I told you in the past."

Napalunok ako.

"Don't do this to me, Seige. Wala akong pera ngayon. Please, give me three months— no, a month. Wala talaga akong maibibigay sayo."

Nagsimulang umiyak si Blue. Pinatahan ko ito. Ramdam ko ang titig ni Seige. Ipinalibot nya ang tingin sa bahay ko.

"Umalis ka na." ani ko.

Hinawakan ko ang pinto at isasarado na sana iyon kaso nga lang ay nahawakan nya ito.

"Work under me then." nangunot ang noo ko. That line is familiar...

Ayon ang mga katagang sinabi ko sa kanya noon. Nagbuga ako ng marahas na hangin.

"Listen, Seige. I want you to leave right now—"

"One week. Your debt will be gone in one week kung sasama ka sa akin. Pwede mo ring isama ang anak mo."

"What are you talking about?"

"Magtatrabaho ka sa bahay ko. A housekeeper to be exact. Madalas ay wala ako sa bahay kaya kailangan ko ng maglilinis. All of your needs will be free. I will provide your food and you child's milk too."

Napatigalgal ako. Nangyayari ba talaga ito? This is too good to be true!

"That's insane. You are willing to give me all that para lang linisan ko ang bahay mo? Are you out of your mind?"

"Yes, I am. Do we have a deal?"

"You're too fast, Seige. You are mad at me dahil sa nangyari two years ago, tapos ngayon tutulungan mo ako? Anong pinaplano mo?" nanatiling tikom ang labi nito.

"Seige—"

"Stop being stubborn. It is just yes or no, Maggy. I don't want to hear your d*mn opinion."

"No."

"F*ck." inirapan ko sya.

"Don't make this hard for me, woman. Hindi ako aalis hanggat di ka pumapayag." di makapaniwalang tinignan ko sya.

Pumasok sya sa loob ng bahay at umupo sa upuan.

"Seige!"

Napahigpit ang hawak ko kay Blue. Inaabot nito si Seige. Mukhang gusto magpabuhat.

"I'll carry him. Magbihis ka na muna."

Sya na mismo ang kumuha kay Blue sa akin. Napapitlag pa ako ng dumikit ang kamay nya sa may dibdib ko.

"D*mn it." mahinang mura nito.

Nagbihis ako ng sando at short. Walang electric fan dito kaya preskong damit ang sinusuot ko. Lumabas agad ako at naabutan kong kinukurot ni Blue ang walang emosyong mukha ni Seige.

"Amin na si Blue." kinuha ko ang bata sa kanya.

"Ma... Ma." gusto kong mapa face palm nang marinig ang tawag nito sa akin.

"Come with me. Don't be stubborn. Mag impake ka na. I'll wait for you in the car." lumabas ito ng bahay.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora