Kabanata 35

995 79 1
                                    

Maggy's POV

Huminga ako ng malalim at tinignan sya. Galit ang nakikita ko mula sa tsokolate nyang mga mata.

"Tell me? Is he that great, huh?"

"Hindi ko sinasadya—"

"I waited for him for three years. Tatlong taon syang nawala at naghintay ako. Then, when I met him two years, he was a mess. Ares didn't told me about what happened to him. Kaya sinunod ko because I promised myself that I will fix him. I will f*ckin' fix him. But, you... you came back." tumulo ang luha nito sa mga mata at agad nya itong pinahid.

"We've known each other since we were teens. We were engaged! Magpapakasal na kami kaya wala kang karapatan na agawin ang fiance ko!" napaatras ako.

Lumapit sya sa akin habang nakakuyom ang kamao.

"Don't worry. I will not slap you. Ayaw kong madikit ang kamay ko sa maduming katulad mo. Manggagamit at sinungaling. Seige doesn't deserve someone like you. Kinampihan mo pa talaga ang bestfriend mong sinungaling—"

"Tama na! Hindi ko naman ginusto 'to e! Hindi ko gustong makita ulit si Seige!" sigaw ko at humikbi.

"Hindi mo ginusto pero sumama ka sa kanya sa Sitio Juan at naglaro kayo ng bahay bahayan. Masarap ba ang fiance ko, Maggy? You two betrayed me! Lalong lalo na ikaw! I trusted you! I thought we were friends! Nilapitan mo ako at ginamit mo pa talaga ang walang kamuwang muwang na bata para kaawaan ka ng fiance ko!"

"Wag mong idamay dito si Blue!" sigaw ko sa kanya. Ngumisi lang ito.

"You're disgusting. Do not even show yourself to me or to Seige. Cause I swear, I will f*ckin' kill you kapag nagpakita ka pa samin." binuksan nito ang kotse at pinaalis na. Nanghihina naman akong napaluhod. Hera is a good person, it's natural for her to be mad at me.

Tinapik tapik ko ang dibdib ko. Ang sakit sakit. This day is too much for me. I am mad at Seige but I felt pity for Hera. She doesn't deserve all of this.

Pumunta ako sa condo ni Scotch. Napangiwi ako ng may makitang red panty sa couch nya.

"Seriously? Hindi ako uupo dyan." ngumisi lang ito sa akin.

"Akala ko ba next week pa tayo magkikita?" nagsuot ito ng tshirt at saka ako tinignan.

"Do you miss Dad?" tanong ko at umupo sa wooden chair.

"Yes, I do. Well, I mean— I just met him when I was 20, hindi ko sya nakasama ng mas matagal katulad mo."

"He took his own life..." napayuko ako.

"Mom told me that Dad was a dignified but weak in the heart kind of man. Madali syang ma depress sa isang bagay. Mukhang di nya na talaga nakayanan. Sana pala pinagbigyan ko na sya na uminom kaming magkasama. It was too late." umupo ito sa tabi ko.

"What's bothering you?"

"He was the one who caused it all. I am mad at him."

"Jaxon Seige Demitri, huh? A nephew of a rich duchess in Spain." ani nito na nagpagulat sakin.

"He's what?" he smirked.

"It was not known in the business world. But, I have connections kaya ko nalaman." kinindatan pa ako nito.

"Let me guess, sya ang dahilan kung bakit nangutang ng malaki si Tita Mariana, right? I heard she's on jail, right now."

"He fooled her. He fooled us." binigyan nya ako ng isang basong tubig na agad ko namang ininom.

"Not me though." sinamaan ko ito ng tingin na ikinatawa nito.

"He's really ruthless, huh? I never heard good things about him. Tsk, but then, you see. You have the right to get mad at him. Gusto mo bang gantihan sya? I can help you."

"Stop, Scotch. Ayoko. Ayoko na rin syang makita."

"You sure? Di mo na sya gusto?" umiling lang ako.

"Di ako naniniwala. Oh, muntik ko ng makalimutan. I was planning to pay your debts pero sabi sa akin ng bangko bayad na daw."

"Impossible. Wag mong sabihing binayaran ni Mommy ang lahat?"

"Nah, wala yung pera. Also, yung mga inutangan nya ring mga tao is nabayaran na lahat— pati na rin yung mga interest bayad na." mas lalong nangunot ang noo ko.

"Mommy is not capable of doing that—" natigilan ako. I felt sleepy all of sudden.

"Sorry, sis. Just talk to that bastard." narinig kong ani nito bago ako tuluyang makatulog.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now