Kabanata 32

979 76 2
                                    

Maggy's POV

I woke up feeling sore. Seige was insatiable last night. Napagdesisyunan kong maligo at mapatapik na lang ako ng noo nang makitang maraming pulang marka ang buong katawan ko.

Pagkalabas ko ng kwarto at naabutan ko si Seige na pinapainom ng gatas si Blue.

He found out last that he's not my son.

"Ma...Ma..." lumapit ako. Blue saw me.

"Why is he calling you Mama?" Seige was curious.

Kinuha ko ito sa kanya.

"Maggy kasi ang naririnig nya palaging tinatawag sakin. First two letters kaya nyang bigkasin, kaya naging Mama." I smiled at Blue who's staring at me.

Inilapag nya ang isang plato na may pagkain.

"You should eat too. Alam kong napagod ka kagabi." sinamaan ko sya ng tingin na ikinangisi nya.

"I am not mad— I am glad instead. Why did you lie that he's your son?"

"I have no time to explain. Gusto kong itama pero wala rin naman akong mapapala. You jumped into conclusion, hinayaan ko na lang din."

"Who's the parents, then? That doctor half brother of yours?" mabilis akong umiling.

"Si Rina— Karina Villares." humina ang boses ko. Nakita ko na natigilan sya.

"Villares, huh?"

"Oo." nailang ako.

"Is she a relative to that woman?"

"Tita nya si Ate Karina. She went to the courtroom two years ago too, the blonde woman." tumango tango ito.

"I am still angry with her... for what she did to us—"

"You and her were the ones at fault. She lied and framed up while you believed her and and left my side." I bit my lips. It's true.

Kinuha nito ang cellphone at nagtipa dito.

"We will go back to city." nanlaki ang mga mata ko.

"Seige, did I do something wrong? Tatlong araw pa lang tayo dito sa Sitio Juan—"

Inilagay nito ang cellphone sa tenga at may tinawagan. Umalis agad sya sa harapan ko. I sighed.

"Looks like he's mad." ngumiti ako ng malungkot kay Blue.

Pagkarating namin sa Manila ay nakakunot ang noo ni Seige. Dikit din ito sa cellphone nya.

"Is that really true? Are you telling me the truth? F*ck it!"

Nasa bahay nya ako ngayon. Pa simple ko syang sinilip. May kausap ulit ito sa phone.

"Blue, miss mo si Ate Karina 'no?" lumabi ito. Lumapit ako sa crib nya.

"Makikita mo na si Mama Karina mo mamaya." humagikgik ito. Lumingon ulit ako sa gawi ni Seige. Inis nitong niluwagan ang necktie.

"I need to go." ani nito.

"Huh? Oo nga pala, ibabalik ko si Blue kay Ate Kari—"

"Lock the door after you leave." hinalikan ako nito sa labi at agad na umalis. He kissed me pero ang bigat pa rin ng puso ko.

Nang magtanghali na ay pumunta ako sa condo ni Ate Karina.

"Hi, nakshie kong pogi at besprend kong maganda na mukhang nadiligan na!" nanlaki ang mga mata ko.

"Ate Karina naman!" ibinigay ko sa kanya si Blue. Tuwang tuwa naman ang bata.

"Akala ko ba matagal ka sa Baguio?"

"Nilayasan ko Boss ko. Pumunta lang pala doon para makipagchukchakan. Sinama lang ako para may utusan sila."

Umupo ako sa sofa at napasandal dito.

"I guess he's still mad at me."

"Hindi mo naman kasalanan lahat e— yung malditang pamangkin ko talaga puno't dulo ng lahat. You've been friends for a long time kaya malambot puso mo doon, tapos si Seige kakakilala mo lang kaya natural na mas maniwala ka sa bestfriend mo. Sana naman naisip nya iyon, paganahin nya kamo utak nya sa taas, wag puro sa baba—"

"Ate Karina, naririnig ka ni Blue."

"Okay lang, di nya pa naman naiintindihan e."

He has a right to get mad at me.

"Kumusta Kuya mo? T*ng*na ng Kuya mo, magpapakita after two years akong i ghost."

"Ewan ko. Sabi ko sa kanya magkikita kami next week. Nagkita na ba kayo? Nakita nya na si Blue?"

"Oo, noong isang araw lang. Sinabihan ba naman akong namikot ng poreynjer nang makita si Blue. Sakalin ko sya gamit stethoscope nya e."

"Baka kayo talaga para sa isa't isa—"

"Magtigil, Maggy. Babaero yang kuya mo, magpapaputol ako ng limang daliri kapag iyan nagseryoso."

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now