Kabanata 26

752 69 0
                                    

Maggy's POV

Habang nasa kotse ay nasa kandungan ko si Blue. Nasa backseat na din ang mga damit ko at ni Blue.

One week lang, Maggy. Maglilinis ka lang ng bahay nya and viola! Wala ka ng utang sa kanya! Tama, yun lang yun, one week lang akong magtitiis na makita ang gwapo nyang mukha.

"How old is he?" tanong nito habang diretso ang tingin sa pagda drive.

"One."

"San mo nakilala ang tatay nya?" lihim akong napangiwi.

"Bar." isang tanong, isang sagot lang dapat.

"Lasing ka ba noon?"

"Hindi." hindi pa ako nakakatikim ng alak.

"One night stand?"

"Oo." kasinungalingan, isang dakilang birhen pa ako.

Pero parang Pinoy Henyo lang ang peg naming dalawa.

"Kumusta ka?"

"Ayos lang." hindi talaga, nakakainis ka e. Mas lalo ka pa atang gumwapo ngayon

"Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"

"Wala." wala na kasi natanggal ako sa trabaho.

"May feelings ka pa rin ba sakin?"

"Mero— What the?" gulat akong tumingin dito.

Diretso lang ang tingin nito sa daan. Wala akong nakitang isang emosyon sa mukha nya.

"Nabigla lang ako." nasabi ko na lang.

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi nya.

Nang makarating sa bahay nya ay literal na napanganga ako. Mansyon ito.

"Ikaw lang ba mag isa dito?" tanong ko.

"Oo."

Pumasok kami sa loob. Nagningning naman ang mata ng batang karga ko. Ang ganda ng loob. Puro mamahaling bagay ang nandoon.

"Bakit?" natanong ko bigla. Nakagat ko ang labi ko.

"Because I want to."

Nakarating kami sa sala. Nangunot ang noo ko. Yung lamesa na nandoon...

"It was the work of Tatay Rodolf. Dati syang gumagawa ng mga lamesa. Binili ko yan sa pinagtatrabahuhan nya dati." napakurap kurap ako ng maramdamang naiiyak ako.

"I'm sorry. I was too late."

"Your sorry will not bring him back." anas nito.

Nakita ko ang pag akyat nya sa taas. Naupo ako sa malapad na sofa.

"Sorry, Blue. Natuluan ka ng luha ko." pinunasan ko ang balikat nya.

Pumunta ako sa isang guest room. Sabi ni Seige ay dito daw ako matutulog. May crib na ring nakalagay doon.

Inilagay ko muna si Blue doon.

Nagpalit ako ng damit. Pinili kong magsuot ng shirt at leggings dahil may aircon ang mansyon nya. Malamig na para sa balat ko ngayon.

Lumabas ako ng kwarto.

"Hey. Let's talk."

Tinignan ko muna si Blue. Tulog na ito.

"Anong pag uusapan natin?" tanong ko.

"Don't tell Hera about what happened to us two years ago."

"I know. Wala rin naman akong balak sabihin sa kanya yon. She will be hurt. Ayokong masaktan sya."

Lumapit ito sa akin, napaatras na lang ako.

"Do you think your only job here is to be a housekeeper?" napalunok ako. Nagsimulang manginig ang tuhod ko. It is not, right? Mali ang iniisip ko.

Hinawakan nya ako sa leeg. I bit my lips. His hands are warm.

"Sell your body to me."

Nanlaki ang mga mata ko. Is he serious?

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.

"G*go ka ba?!" galit kong asik dito.

"I'm just kidding. I will never think of touching your body, Maggy."

"Hindi magandang biro yun. Boss lang kita ngayon, Seige. Wala kang karapatang sabihin ang bagay na iyon at bastusin ako." mangha itong tumingin sa akin.

"Maggy, your atittude still didn't change. Feisty as ever." umiiling iling itong umalis. Napahawak naman ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.

Naglinis ako sa buong mansyon nya. Konti lang ang kalat na nakuha ko. Sabagay, sabi nya naman di sya madalas dito.

Kaming dalawa na lang ni Blue ang natira sa mansyon. Pumasok kasi ito sa trabaho.

"Don't you ever go to my bedroom, Maggy. Kapag pumunta ka. I will fire you and your 80 million debt will be back." yun ang sabi nya sa akin.

Ano bang meron sa kwarto nya? Siguro madumi? Or not? Hindi naman ito burara, sa katunayan ay malinis na tao yon. Laging nakasalansan ng tama ang mga gamit nya noon sa kubo sa Sitio Juan.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now