Kabanata 27

995 72 0
                                    

Maggy's POV

"Ilong, ilong, ilong...Pisngi!" tawa ni Blue ang narinig ko. I laughed.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag ring iyon. It was Ate Karina.

"Kumusta si Blue? Makulit ba?"

"Hindi naman."

"Magpapadala ako ng pera—"

"Hindi na, Ate. Kasi ano— nandito kami sa bahay ni Seige." natahimik ang kabilang linya.

"Ha? Bakit ka nandyan at kasama mo si Blue? Wait, di kinakaya ng braincells ko."

"One week akong magtatrabaho dito bilang housekeeper. Sabi nya kasi... kakalimutan nya ang utang ko kapag pumayag ako."

"Seryoso ka ba dyan, Maggy? Weh? Kakalimutan nya ng 80 million na utang para lang manilbihan ka ng one week dyan?"

"I knew it's to good to be true but I grabbed it, Ate."

"That's dangerous. Alam kong may feelings ka pa rin sa kanya. Your feelings are at risk there." napayuko na lang ako.

"I still love him. Pero galit sya sakin. Alam kong sakit lang ang mararamdaman ko dito pero kakayanin ko."

"That's bad. G*go kasi yang mga lalaki na yan e, mga mapanakit." natawa na lang ako.

"Oo nga pala, Ate Rina. May isa pa akong problema. Akala ni Seige ay anak ko si Blue. Hindi na ko nakapagpaliwanag sa kanya—"

Tumawa ito ng malakas.

"Seryoso? Nako naman, Maggy! Ganto, pag tinanong ka kung sino ang tatay nyan sabihin mo d*ks na AFAM. Namana kamo yung pagkablonde doon sa tatay."

"Ate naman."

"Why? I mean, walang problema sakin. Di rin naman kayo mag jowa. Tsaka, one week lang yan. Di na rin kayo magkikita."

The thought of not seeing Seige hurts me.

Kinagabihan ay hindi na ako nagluto. Sabi kasi nito ay magdadala sya ng pagkain.

"Seige."

"Sir." ani nito na nagkunot ng noo ko.

"Ha?"

"You are my housekeeper here. I'm your boss. You can't call me by my name only."

"Sorry, Sei— I mean, Sir." tumikhim ito. Nakita ko ang pag along adam's apple nya. That's hot.

"Here, initin mo. Tapos ihanda mo ang hapagkainan. Where's Blue?"

"Tulog na." kinuha ko ang paperbag na hawak nya.

Pumunta ako ng kusina at nanlaki ang mga mata ng makita kung ano ang laman ng tupperware.

"Buttered shrimp." I sighed. I am allergic to shrimp.

Wala akong nagawa kung hindi initin ito. Pagkatapos ay inilagay ko sa harap ni Seige.

"Are you not going to eat?"

"Ha? Ako?"

Tila nainis ito.

"Ikaw lang naman ang nandito. Eat. Sabayan mo ko." napalunok ako.

"Ano, kasi..." hindi ko alam ang sasabihin ko. His deadly stares scares me.

"Wag kang maarte sa ulam, Maggy. Eat." ani nito sa seryosong tono.

"Hindi naman sa nag iinarte ako. Ayokong kumain nyan kasi—" napapitlag ako ng padabog nyang binagsak ang kutsara at tinidor.

"Bawal ang magsayang at magtapon ng pagkain dito sa pamamahay ko, Maggy. Wag mong gawin ang ginawa mo noon. It's just a shrimp. You're not going to die if you eat it."

Wala naman sigurong masama kahit isang hipon lang, right? Mangangati at kakapusin lang ako ng hininga pero di ako mate tegi— I think?

Mabagal kong binalatan ko ang hipon. Pinagpapawisan ako ng malamig.

"Wag kang maarte sa ulam—"

Kinain ko ang isang hipon na nabalatan ko na. Nginuya ko yun at sumubo ng isang kutsarang kanin.

"Kakain din pala." inis nitong anis. Napalabi ako.

Nagpatuloy itong kumain. Ako naman tong tumigil na. Napansin nito iyon.

"Why? Busog ka na ba agad? In just one spoon?" umiling lang ako.

Itchy. Ang kati! Kinamot ko ang leeg ko. Pati na rin ang braso ko. Nagulat ako sa bilis ng pagpantal at pula nito.

"Sh*t!" rinig kong mura ni Seige at lumapit sakin.

"Are you allergic to shrimp?" huminga ako ng malalim. Nahihirapan akong huminga.

"F*ck!" binuhat nya ako at dinala sa kotse. Ramdam ko ang bilis ng patakbo nya.

Hinawakan ko ang puso ko habang mabilis na humihinga.

Dinala nya ako sa emergency at inasikaso ako ng mga doctor.

"Ilan ang nakain mong hipon?"

"Isa lang po."

Marami pang tinanong sa akin ang doctor. Binigyan din ako ng ointment para sa mga pantal ko.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now