Kabanata 37

1K 81 0
                                    

Maggy's POV

It's been one week. Wala na rin akong contact sa damuho kong half brother. Di nya sinasagot ang tawag ko.

"Sh*t!" sigaw ko. Nasira ang gripo. Wala pa naman akong kapitbabay.

"Ate Rina, may kilala ka bang tubero? Emergency lang!" ani ko.

"Yup, meron. Sige, papapuntahin ko dyan."

Basa na ang damit ko. Para na akong basang sisiw. Napahinga ako ng malalim. Biglang may kumatok kaya agad ko itong binuksan. Pero, natigilan din dahil sa lalaking nasa harap ko.

The man who has an amber eyes. He's wearing a white sando and loose cargo pants. He smiled at me.

"Tatlong daan."

"Ha?"

"Ako yung tubero. Bigyan mo ako ng three hundred pag naayos ko yan." walang pakundangan itong pumasok sa loob.

"Seige, what are you—" pumasok ito sa banyo at nagtanggal ng damit. Agad akong napatalikod.

"Kakabitan kita ng bagong gripo."

"B-bahala ka."

Halos tatlumpung minuto ang tinagal nito. Kinuha ko ang wallet ko at inilahad sa kanya ang three hundred.

"Oh." tinignan nya lang iyon.

"Kunin mo na at umalis ka na." hindi pa rin ito nagsasalita. Yumuko ito.

"Seige, hindi mo pa talaga tatanggapin—"

"Magpalit ka na ng damit." kinuha nito ang pera sa kamay ko.

"Diba sinabi ko sayo na wag ka ng magpapakita sa akin—"

"I miss you. I will woo you again." huminga ako ng malalim.

"I will not fall into your tricks again. Umalis ka na."

"Your place is messy. Lilinisin ko na—"

"D*mn it, Seige! Umalis ka na!" sigaw ko rito.

"I will come back tomorrow." mabilis ako nitong hinalikan sa labi na ikinalaki ng mata ko.

Kinabukasan ay bumalik sya sa bahay, napabuga ako ng marahas na hangin.

"Ano bang kailangan mo? Wala ng aayusin sa bahay ko. Okay na yung gripo." inis kong asik dito.

"Basag yung salamin ng bahay mo. May dala akong pamalit." itinaas nito ang bagong salamin na hawak.

"Hindi yun basag, maayos pa—" tinignan ko ang salamin at napanganga. Basag nga ito. Pero, ayos naman yun bago ako matulog kagabi.

Nakita ko ang pagngiti nito. Pumasok ito sa loob ng bahay at nagsimula ng gawin iyon.

"Wala akong ipangbabayad sayo."

"Ayos lang. I am doing it for free."

"Stop it, Seige. Wala kang mapapala sa akin." hindi nya ako sinagot.

Lumipas ang ilang minuto at natapos iyon.

"Done. Babalik ulit ako bukas." at katuald noong una, ninakawan nya ulit ako ng halik sa labi.

Naikuyom ko ang kamao ko.

Third day, bumalik na naman sya.

"I already inspected my house. Walang sira lahat." may diin kong ani.

"You sure?"

"Oo." inirapan ko ito na nagpailing dito.

"How about your trash bin? Naitapon mo na ba?" napalingon ako sa likod. Hindi ko pa iyon natatapon.

"I'll do it. Malapit lang dito ang truck ng basura." pumasok ito sa loob at kinuha ang basurahan. Naiinis ako.

"Why the h*ll are you doing this?!" tanong ko matapos nyang makabalik.

"I will come back tomorrow—"

"Wag ka ng bumalik!" nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito.

"Galit ako sayo. Hindi mo ba maintindihan? Tama na, Seige. Tapos na tayo." napakurap kurap ito.

"I'll come back tomorrow." tumalikod ito sa akin at umalis na. He didn't kiss me— D*mn it, Maggy!

Kinabukasan ay bumalik ito. Ang inayos nya? Yung aparador kong sira ang pintuan. Sa galit ko kasi kahapon ay sinipa ko iyon.

"Done. I'll come back tomorrow." hindi ko sya inimik. Tahimik itong lumabas ng bahay. What are doing to me, Seige?

I am mad at you...right? I am mad... But, how can I feel this way? Bakit nasasaktan ako pag nakikita kang nasasaktan?

Fifth day, inayos naman nito ang pinto ng bahay ko. Alam ko wala yung sira, pero mukhang hinahanapan nya ng sira para ayusin.

"Done, I'll come back tomorrow." lumapit ako sa kanya at sinampal sya.

"I hate you." ani ko.

"I know. I'll come back tomorrow—" ipinaikot ko ang dalawang kamay sa leeg nya at inilapat ang labi ko sa labi nya.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now