Kabanata 11

623 65 0
                                    

Maggy's POV

"Bakit mo naman kasi ginawa yon? I mean, alam mo naman kung anong estado ng buhay nya tapos ganon yung mga sasabihin mo. Ang sama ng ugali mo. Nasayo na ang korona." hinilot ko ang sintudo ko habang kausap si Qristain sa kabilang linya.

"Hindi ko napigilan e. Nag sorry naman ako—"

"Sa tingin mo magagamot ng sorry mo ang sugatan nyang puso?"

"No, I guess?"

"Yun naman pala e. Suyuin mo na yung boyfriend mo."

"How can I do that?"

"Gapangin mo—"

"Qristain!" galit kong tawag dito.

"Geez, joke lang syempre. Muntik ko ng makalimutan na ikaw lang ang natatangi kong kaibigan na isang V pa." dinugtungan nya ito ng malakas na tawa.

"Qristain, I swear, kung di ka titigil dyan, pupunta talaga ako ng Manila para masabunutan ka lang."

"Kidding, baby Maggy. On serious note, make it up with him. He's different sa mga naging boyfriend mo."

Pagkatapos naming mag usap ni Qristain ay napagdesisyunan kong magluto ng adobong manok. Ang sabi kasi sa akin ni Tatay Rodolf ay paborito ito ni Seige.

"Done!" hiyaw ko nang matapos ko itong lutuin.

Habang nasa tricycle ay kipkip ko ang tupperware na may lamang pagkain.

"Manong, can you slow down? May hawak ako ditong ulam—" natigilan ako at naalala ang sabi ni Seige na maging magalang ako sa pagsasalita.

"Pakiusap po sana." mahina kong saad na siguro'y narinig naman ng driver kaya medyo binagalan nito ang takbo.

"Dito na lang po. Here, manong. Keep the change." nanlaki na lang ang mata nito at nagpasalamat nang ibigay ko rito ang buong 500 pesos.

"Tatay Rodolf? Seige?" tawag ko dito. Dire diretso akong pumasok sa loob ng kubo. Naabutan ko si Tatay Rodolf na may kausap na lalaki. Nakatalikod ito at napansin ko na nakacorporate attire ito.

"Iha, ikaw pala yan." ngumiti ito sa akin at nagbaling ng tingin sa lalaking kausap nito. Nilingon ako ng lalaki at nanlaki ang mga mata ko. He's handsome.

"Sya si Maggy, kasintahan ng anak ko." nakangiting saad ni Tatay Rodolf. Tumango lang ang lalaki.

"I should go. Thank you for your time." nasamyo ko ang pabangong nanggagaling dito nang naglakad ito sa gilid ko. It's a high end and famous men perfume.

"Sino po yon, Tay?" tanong ko. Umiling lang ang matanda.

"Dati kong inutangan iyon." he's lying, I can sense it. I want to pry pero mukhang walang balak sabihin ni Tatay Rodolf sakin ang totoo.

"Ano yang dala mo pala, iha?"

"Adobong manok po. Si Seige po, asaan?" lumikot ang mata nito.

"Tatay Rodolf?"

"Kasama ni Monica." napakuyom ang kamao ko.

"Bakit daw po?" tinago ko ang inis sa boses ko.

"Ipapasok ata bilang janitor ulit sa call center. Di na rin natanggihan ni Seige dahil malaki rin ang sahod." I rolled my eyes.

That Monica again, sinasamantala nyang pagiging mahirap ni Seige at iginagaya sa pera. Aish!

"Punta lang po ako sa higaan ni Seige." higaan dahil wala namang kwarto ang kubo na ito. Nahahati lanag ito sa tatlo, ang sala kung saan naroon din ang kusina, ang higaan ni Tatay Rodolf at ang pinakadulo ay higaan ni Seige.

Umupo ako sa kahoy na nagsisilbing papag. Buti hindi sumasakit ang likod nya dito. Kinuha ko ang itim nitong bag at hinalungkat. Pakielamera na kung pakielamera, wala kasi akong magawa. Alangan namang tumunganga ako dito.

Nangunot ang noo ko ng may makapa. A square box. Hinugot ko iyon sa bag at nanlaki ang mga mata. Agad agad ko iyong binuksan at nagningning ang mga mata.

"Para sakin ba ito?" natanong ko na lang sa sarili.

It is a diamond heart shaped ring. Sa itsura pa lang ng dyamante nito ay alam kong sobrang mahal ng singsing na ito. Dahan dahan ko iyong kinuha at isinuot sa daliri ko. It fits perfectly.

"It's super pretty. Kaya pala palaging nakahawak sa kamay ko si Seige. That man! Hmp!" nakangiti kong saad habang pinagmamasdan ang singsing.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now