Kabanata 24

707 68 0
                                    

Maggy's POV

Sobrang ganda ng fiance ni Seige. Ang ganda rin ng suot nyang damit. Di ko maiwasang punain ang suot ko. Parang basahan lang ito kung ipagtatabi kami.

"Kakausapin ko sana yung CEO nito. May ari rin kasi sya ng bangko na pinag— pinag utangan ng pamilya namin."

"Oh, si Seige?" yumakap si Blue sa leeg nito.

"He's my fiance, Jaxon Seige Demitri. I can talk to him if you want. I'll help you." she smiled at me. Para syang anghel. Bagay sila ni Seige.

Sabay kaming naglakad papumta sa babae kanina. Tumayo ito.

"Good afternoon po, Mam Hera."

"Hi. Is Seige here?"

"Yes po, Mam. Nasa office nya po si Sir." pasimple itong sumulyap sakin.

"Let's go, Maggy."

"You're so cute talaga. What's his name?" ani nito noong nasa elevator na kami.

"Blue po."

"Cute name!"

Lumabas kami ng elevator at dire dretsong pumasok si Hera sa nag iisang kwarto na nasa floor na iyon.

"Hey, Seige!" wala akong nagawa kundi pumasok na lang.

"What again, Hera? I already told you over the phone that I—"

Natigilan ito ng makita ako.

"C'mon, don't be mad, Jaxon. I'm carrying a baby, he can hear you." bumaling ito ng tingin sa batang hawak ni Hera.

"It's Maggy's baby." hiniling ko na kainin na ako ng lupa.

"Who is she?" napayuko ako nang maramdaman na parang may pumiga sa puso ko.

"Well, she is the one that I— you know. The accident."

"Why is she with you then? Is she blackmailing you about it? Ilalabas nya sa press ang nangyari?" malamig nitong tanong.

"Hindi po ako ganong tao." asik ko. How dare him to think of me like that. Umigting ang panga nito

"Stop being like that, Jax. She's here because you are the owner of the bank. I told her that I will help her."

"Nangutang po kasi ang nanay ko gamit ang pangalan ni Dad. I—"

"Dela Fuente, right? Can you give me 80 million right now?" nanlaki ang mata ko at umiling.

"Then, leave."

Is it really him? Si Seige ba talaga ito?

"Jaxon, stop it. Just give her more time. Give her a little consideration, she has a baby with her." inis na ani ni Hera.

"Jaxon, please?" bumaba ang boses nito. Bumuntong hininga si Seige.

"I want to talk to her alone. You can go outside with— with her child."

"Told yah!" kinindatan ako nito. Umalis sila ni Blue sa office. Naiwan kaming dalawa ni Seige.

"It's disgusting. Using my fiance like that? You are really stooping that low—"

"Hindi ko ginagamit si Hera." madiin ang bawat salita ko.

"You planned it, right? You're a sly b*tch. Nagpasagasa ka sa kanya. You knew she's my fiance from the very start. Huhuthutan mo sya ng pera—"

"Bastard! Hindi ko kayang gawin yun. We just met accidentally here. Kakausapin sana kita para manghingi ng palugit but you— you're a freakin' jerk! Babayaran ko ang milyones na utang namin. Isasampal ko sayo!" galit akong lumabas ng office. Nakita ko naman sa di kalayuan si Hera. She's playing with Blue.

"Hera, aalis na kami ni Blue."

"Really? How about Seige? What happened?" umiling lang ako. Nang makuha ko na si Blue ay umalis na ako sa kumpanyang iyon.

Nang makasakay sa tricycle ay tumulo ang luha ko. Two year had passed. He changed. Maybe, I am one of the reason? I betrayed him. Hindi ko sya pinaniwalaan— pero nagsisisi na ako.

Pagkarating ko ng bahay ay tinawagan ko si Ate Rina.

"80 million? Ang laki naman." kinwento ko s akamya ang nangyari ngayong araw.

"Hindi ko na nga alam kumg san ako kukuha ng pera."

"How about Scotch? Mayaman naman yung damuhong yon, utangan mo muna."

"Sobrang nahihiya ako sa pamilya nila, Ate Rina. Atsaka, wala dito sa bansa si Scotch."

"Ganon ba? Edi pano yan? May five digits ako dito. Gusto mo pautangin muna kita? Unti untiin mo syang bayaran o di kaya magtayo ka ng negosyo."

"Salamat, Ate Rina pero hahanap ako ng ibang paraan. Malaking pera ang kailangan ko. Gagawa ako ng paraan para makakuha ng ganoong pera."

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now