Kabanata 20

752 70 0
                                    

Maggy's POV

"Sorry po, sorry po talaga!" ani ko habang pinupunasan ang damit ng isang ginang.

Natapunan ko ito ng kape. Gusto kong maiyak. Galit na galit ito. Tinampal nya ang kamay ko.

"Ang mahal mahal ng damit ko tapos ganto mangyayari!" asik nito.

Hinila ako ng manager namin at ito na ang humingi ng tawad. Pumunta ako sa staff room at pinunasan ang luha.

"Sorry po, Mam Freya. Di ko po sinasadya." paghingi ko ng tawad. Umiling iling lang ito.

"Sorry, Maggy. Pero, kailangan kitang tanggalin sa trabaho. Kaibigan kasi ng may ari ng coffee shop yung babae." napatungo na lang ako.

Tinanggal ko ang apron at bumuga ng hangin. Pumunta ako sa locker ko at nilagay ang mga gamit sa bag ko. Malas pa dahil may butas na ang bag ko. Tatahiin ko na lang ito mamaya.

Kinuha ko ang cellphone ko. I smiled bitterly. Lumang model na ito ng phone. Binenta ko kasi ang cellphone ko dati at ito ang binili ko.

Dalawang taon na rin ang nakakalipas. Dalawang taon na rin mula noong makita ko si Seige— or should I call him Jaxon?

Andaming nangyari. Nawalan ako ng contact kay Scotch dahil pumunta ito ng US two years ago. Hindi rin nanalo si Dad noong tumakbo sya. Nabaon kami sa utang dahil kay Mom na umutang ng milyones sa pangalan ni Dad noong mag asawa pa lang sila. Unti unting bumagsak ang lahat ng pinaghirapan ni Dad. He took his own life because of it. Kaya, lahat ng mga utang nila ay ako na ang nagbabayad.

Finding a job was so hard, wala akong experience dahil nasanay ako na nakahiga sa pera dati. I am a princess of my own world. I sighed.

Kinuha ko ang bag ko at naglakad na. Wala na rin akong balita kay Qristain. Ang alam ko lang, nakulong ito at kasalukuyang nasa California. Hindi ko alam kung ano na naman ang ginawa nya, nawalan na rin ako ng pake dahil sa ginawa nyang kasinungalingan sakin.

Habang naglalakad ay ibinaba ko ang black skirt na suot. Ito ang uniform namin sa coffee shop. May mga tumitingin sakin.

Napatingin ako sa billboard kung nasan ang larawan ng isang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. Jaxon Seige Demitri, a young businessman in the corporate world. CEO ito ng kanilang kumpanya at anak ng isa sa maimpluwensyang pamilya sa Spain.

I chuckled. Yup, a Spanish. Dati, curious pa ako kung sino ito tapos ngayon, nalulula na ako sa estado ng buhay nito.

"Penge naman barya, ate." lumapit sa akin ang batang babae na sira sira ang damit. Kinuha ko ang barya at binigyan sya.

"Sino yung tinitignan mo?" tanong nito. Lumuhod ako para magpantay kami.

"Shota ko dati. Yun oh. Yung nasa billboard." mukhang di naman ito naniwala. Tinawag ito ng mga batang kasama kaya nagpaalam na ito sa akin.

Bago ito umalis ay hinawakan ko sya sa kamay.

"Here, sira sira pa naman yung damit mo. Sayo na lang to." tinanggal ko ang jacket ko at binigay sa kanya.

"Salamat, ate!"

Tumayo ako at pinagmasdan sila habang naglalakad papalayo. Uuwi muna ako sa bahay at kakain.

Ito na lang ang natira sa lahat ng ari arian ni Dad. Isang maliit na bahay. Noong una ay medyo natatakot pa ako kasi puro puno ang katabi nito at wala akong kapitbahay. Pero, nasanay na din ako sa huli. Hindi na ko natatakot na baka may white lady sa pagka inis ko sa mga nangyayari sa buhay ko ay baka magsabunutan na lang kaming dalawa.

Habang nag i scroll sa fb ay napakunot ang noo ko.

"He's getting married..." napakurap kurap ako.

Binasa ko muli ang headline ng balita.

'A businessman and CEO Jaxon Seige Demitri is reported getting married to her long time girlfriend for six years!'

Picture lang ni Seige ang nakalagay at naka question mark naman ang isa pang picture. Six years, huh? Then, I remembered that scene two years ago kung saan kausap nito si Attorney Sandoval.

"It must be Hera." I said and smiled bitterly.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now