Kabanata 21

703 67 0
                                    

Maggy's POV

"Limang piso sa isaw, Ate. Kinse naman sa laman." saad ko habang nag iihaw. Inabot nya sa akin ang tatlong pirasong isaw at dalawang laman para ihawin.

Nakahanap ako ng trabaho. Ayos lang ang sahod dahil kasya naman ito pangkain ko.

"Maggy, anak. Kuhain mo yung limang laman na natira dyaan. Ihawin mo para yun na lang ang pang gabihin mo." saan ni Aling Belen. Sya ang may ari ng ihawan.

"Talaga po? Maraming salamat po!"

Habang naglalakad papauwi ay di ko maiwasang kabahan. Ako na lang kasi mag isang naglalakad dito, at katabi lang ako ng kalsada. Napailing na lang ako. Wala naman dudukot sakin dito.

Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at napailing.

"Globe na naman!"

"Oh?" nangunot ang noo ko noong mahulog ang baryang bente at gumulong iyon sa kalsada. Sayang yun.

Dali dali akong tumakbo para kunin yun kasabay noon ang tunog ng busina ng sasakyan.

"Ouch!" nahawakan ko ang kanang binti ko. Tumama ito sa sasakyan. Ang sakit!

"Are you okay? Oh my gosh! I'm sorry!" bumaba sa pulang sasakyan ang isang babaeng may kulay tsokolateng mata at kulay dark brown na hanggang bewang na buhok. Ang ganda nya. Para syang model.

"I'll take you to the hospital." hinawakan nya ako at maingat na inangat.

"Ano... hindi na. Okay lang—"

"I insist!" pinasok nya ako sa loob ng sasakyan nya. Ang ganda at amoy strawberry ang loob. Nanliit ako. Dati may ganto rin ako.

Nagsimula itong magdrive. Mukhang mayaman itong babae. Makinis din at maputi. Ewan ko ba pero pamilyar yung mata nya. Parang nakita ko na somewhere.

Pagkarating namin sa ospital ay may wheelchair na sumalubong samin. Habang nasa wheelchair ako ay tikom ang mga labi ko. Nahihiya ako. Mukhang kilala ang babae sa ospital.

"Is she fine?"

Nasa kama ako ngayon. Andaming test ang ginawa sakin. Nagpa x ray din ako.

"No need to worry. She's fine. Wala naman kaming nakita na problema sa test na ginawa namin." sabi ng doctor na nagpahinga ng maluwag sa babae.

Umalis ang doctor at lumapit sya sakin.

"I'm really sorry. Sobrang antok lang talaga ako because of my job. I'm sorry, Miss?"

"Maggy na lang po." I smiled.

Bumukas ang pinto at nanlaki ang mga mata ko noong makita ang lalaking pumasok.

"Can't you drive safely, Hera?"

Napalunok ako.

Attorney Ares Sin Sandoval. Kaya pala pamilyar ang kulay tsokolate nitong mga mata.

"Hi, I'm sorry for what my sister did. I am Ares Sandoval and this is Hera Sandoval. Kami na ang sasagot ng hospital bill and if you want some money—" dali dali akong umiling.

"Hindi na po! Aalis na lang din po ako, di na rin naman po masakit."

"Are you sure?" nag aalalang tanong sakin ni Hera. Wala akong maipintas sa kanya. Sobrang ganda nya.

Tumango lang ako.

Tumunog ang cellphone ni Hera kaya umalis ito. Naiwan naman kami ni Attorney Sandoval sa loob. Nanikip ang dibdib ko. Naaalala nya pa kaya ako? It's been two yea—

"It's been two years, how are you?" tumingin ako sa mga mata nya.

"Ayos lang po." mahina kong saad.

"Really?" kita ko sa mga mata nito ang amusement.

"Don't you want to file charges to Hera?"

"Hindi na po. Tsaka, dinala nya po ako sa ospital. She did not leave me. Wala rin namang nakitang problema—"

"Here's my calling card..." inilapag nito sa side table ang isang kulay itim na card.

I sighed. Gusto ba nyang kasuhan ko ang kapatid nya? Geez!

"Di ko rin kakailanganin yan pero salamat." hinawakan ko ang kumot na nakatabing sa binti ko.

Ang lambot ng hospital bed, ang sarap sana matulog dito pero gusto ko ng umuwi.

"How's Ms. Villares?" natigilan ako.

"I don't know. Wala na akong balita sa kanya."

"Too bad—" pinutol ko sya.

"I'm not comfortable with this topic. Kalimutan na lang po sana natin ang nangyari dati." buong tapang kong saad.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now