Kabanata 17

633 67 0
                                    

Maggy's POV

"Kumusta na po si Qristain?" tanong ko kay Tita Andromeda.

"Maayos na ang lagay nya. Sabi nya ay pupunta sya sa last hearing."

Noong unang hearing ay pumunta ito, pero nung pangalawa ay pinaalis ito sa korte dahil nag hysterical na naman ito.

"She will get the justice, iha." hinawakan ako ni Tuta Andromeda sa kamay. Tumango lang ako at malungkot na ngumiti.

Base sa sumuri kay Tito Rodolf, inatake daw ito sa puso. Hindi na rin ito nakakakain ng maayos at di umiinom ng gamot. Masyado itong nadepress sa nangyari kay Seige.

Si Seige... siguradong alam nya na ang nangyari.

Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Kung pumunta lang ako kay Tatay Rodolf matapos ng pag uusap namin ni Seige ay sana malaki ang tyansa na di ito mawawala.

"Gusto ko po sanang dalawin si Seige." nagulat si Tita Andromeda. Umiling ito.

"Baka kung ano ano na naman ang sabihin noon sayo, iha. Hindi pupwede." nakita ko kung pano sumama ang timpla nito.

"Pupuntahan ko po sya, Tita." buong desisyong saad ko. Napabuntong hininga na lang ito.

Pagkadating namin sa presinto ay binati kami ng mga pulis. Nakangiti lang si Tita Andromeda.

Umupo ako. Hinawakan naman ako sa balikat ni Tita Andromeda. Dumating si Seige. Walang emosyon ang mukha nito.

"Anong kailangan nyo?"

Galit. Yan ang emosyong nakikita ko sa kanya.

"Gusto kitang makausap, Seige." binalingan nya ako ng tingin. His eyes... he looks so disgusted to me.

"It's your fault."

I bit my lips. Pinigilan ko ang maiyak.

"I'm sorry, Seige." di ko napigilang umiyak. Hinaplos naman ni Tata Andromeda ang likod ko habang masama ang tingin kay Seige.

"Nahuli ako ng dating. Sorry, Seige." humihikbi kong saad.

"Your sorry will not make my father alive again, Maggy."

"You'll pay. You and the Villares will pay. Mark my words." madiin nitong saad.

Tumayo si Tita Andromeda at dinuro si Seige.

"At nagbabanta ka pa talaga! Sisiguraduhin kong hindi ka makakalabas ng kulungan!" sigaw nito. Nakita ko ang pagngisi nya.

"Stop covering up your daughter's crime, Mrs. Villares." I looked at him. Nangunot ang noo ko.

Lumapat ang kamay ni Tita sa pisngi ni Seige. Naging alerto naman ang mga pulis at hinawakan sa magkabilang kamay si Seige at itinayo.

"Last hearing na sa susunod na araw. You will get what you deserve, Seige." nanggagalaiting saad ni Tita. Umiling iling lang si Seige.

"Gusti kong magpalit ng abogado. Mukhang nabayaran ang abogado ko ngayon. Pwede naman diba?" tanong ni Seige sa isang pulis.

Pumasok ang hepe. Nangunot ang noo sa nadatnan.

"Mrs. Villares, may problema ba? Ilayo nyo yan!" ang tinutukoy nito ay si Seige. Ngumisi lang ito.

"Magpapalit ako ng abogado—"

"Wala kang kakayahan! Mahirap ka lang at—" pinutol nito ang sasabihin ni Tita Andromeda.

"Let me make a call." saad nito.

Tila nagalit ang hepe sa tono ng boses nito.

"Manahimik ka dyan. Ibalik yan sa selda—"

"Attorney Ares Sin Sandoval. Call him and tell him that he will be my lawyer in this case."

Nagulat ang mga taong naroon. Pati na rin ako.

Attorney Ares Sin Sandoval. A famous and renown lawyer in the whole world. Nakikita ko lang sa tabloids ang pangalan nito at di ko pa nakikita kung anong itsura nito.

Narinig ko ang pag ismid ni Tita. Hanggang sa tumawa ito.

"Mukhang nasiraan ka na ng utak, iho. Tara na, Maggy. Mukhang mas nababagay sa mental ang lalaking yan."

"You've met him once, Maggy." nangunot ang noo ko.

Inutusan ng hepe ang dalawang pulis na ibalik sa selda si Seige. Naguguluhan ako sa sinabi nya. Nakilala ko si Ares Sin Sandoval? Kailan? Wala akong maalala.

Bumuntong hininga ako at tumingin kay Tita Andromeda. Lulan na kami ng kotse at nakakunot ang noo nito.

"May problema po ba, Tita?" tanong ko ngunit umiling lang ito.

"Puntahan natin si Qristain. Sigurado ako na gusto ka rin nyang makausap."

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now