Kabanata 23

705 72 0
                                    

Maggy's POV

"Ang cute cute naman ng baby ko!" sabi ko habang kinikiliti si Blue na tawa nang tawa.

Kaninang umaga ay iniwan ito sa akin ni Ate Rina. One week lang naman at babalikan nya na ito. Binigyan nya rin ako ng pera para sa gatas ni Blue at para na rin sa pagkain ko dahil di ako makakapagtrabaho habang alaga ko si Blue

"Ma...Ma..." I just chuckled.

Ma ang tawag nya sakin habang Te ang tawag nya kay Ate Rina. Naiyak pa nga ito dahil dapat daw ito ang tinatawag na 'Ma' ni Blue.

"What about me? I'm your Mama, dapat ako ang tinatawag mo na Mama." nakatitig lang sa kanya si Blue at humagikgik.

"...Te..." napatakip ng mukha si Ate Rina at nagkunwaring umiiyak.

"Naririnig nya kasi na tinatawag mo akong Maggy, yan tuloy, Ma ang natatawag nya sakin— At Te ang tinatawag nya sayo dahil tinatawag kitang Ate."

"Manang mana ka talaga sa Mama mo! Napakakulit!" natigilan ako at pinagmasdan ito. Meron itong magandang kulay ng mata. Blonde din ang buhok nito na namana kay Ate Rina.

Nangunot ang noo ko nang may kumatok. Tanghaling tapat ngayon, sinong pupunta dito? Kinarga ko si Blue. Delikado kasing iwan to sa sahig dahil malikot, baka kung saan saan magpunta.

"Sino po sila?" binuksan ko ang pinto.

Isang babae ito. Naka formal na suot. Ngumiti ito.

"Taga bangko po kami. Hindi nyo po kasi sinasagot ang email na binibigay na sinesend namin sa inyo. So, we came here instead. It's about the money na inutang po ni Martini Dela Fuente—"

"It was my Mom. Ginamit nya lang ang pangalan ni Dad."

"Yun na nga po. Bale, ngayong araw po kasi ang palugit na ibinagay namin sa inyo." napakurap kurap ako.

Wala akong matinong trabaho. Sinubukan kong mag apply sa mga company pero puro rejected ito. Ang tanging pinagkakakitaan ko lang ay ang coffee shop na pinagtrabahuhan ko noon.

"Ganon po ba? Susubukan ko pong maghanap ng pera. Magkano po ba ang kailangan kong bayaran?" ibinigay nito sa akin ang isang papel. Nanlaki ang mga mata ko.

I already sold my car, Dad's mansion, branded things that I have. Ibinayad ko iyon sa lahat ng utang ni Mom. But...

"I don't have millions." mahinang ani ko.

"Ang mas mabuti pa po ay pumunta kayo sa company ng owner ng bangko. Hindi ko maipapangako na kakausapin ka nya but you should atleast try. Makiusap ka sa kanya."

Umalis ang babae. Napaiyak na lang ako. Gipit na gipit na ako. Wala akong pambayad. Milyones iyon.

Nagsimulang umiyak si Blue. Agad ko syang pinatahan.

"Pupunta tayo sa may ari ng bangko. Shh ka lang, ha? Wag kang iiyak doon." para namang naintindihan nya iyon dahil tumahimik ito. Naligo ako at inilgay sa crib si Blue.

"Dito na lang po." lumabas ako ng tricycle. Karga karga ko pa rin si Blue.

'Demitri Empire'

It was Seige's company. Sobrang taas at laki ng building. I can't believe na sinabihan ko sya ng mahirap noon. Pumasok ako sa loob.

"Miss, I am here for Jaxon Seige Demitri." tinaasan ako ng kilay ng babae.

"Do you have an appointment?"

"W-wala e—"

"Then, the CEO will not be able to meet you. You can leave now." I gulped. Mukhang kailangan ko pa ng appointment para ma meet ko ang lalaking yon.

"Sige, babalik na lang ako sa ibang araw." ani ko.

Tumalikod na ako. Nakatitig lang si Blue sakin.

"Why? Mukha ba akong kawawa? Shota ko dati yun e. Dati di ko kailangan mg appointment para lang makita sya— ngayon kailangan na." bumungisngis ito.

"Oh? Maggy, is that you?"

Natigilan ako sa paglalakad.

"Miss Hera." ngumiti ito at bumaling ang tingin sa batang karga ko.

"Is that your child? Oh my! Can I carry him? If it's okay with you?" wala akong nagawa kung hindi ibigay sa kanya si Blue.

"Hey, baby. You are so cute. Your blonde hair suits you!" puri nito.

Pinaglaruan ko ang daliri ko habang nakatitig sa kanya.

"Why are you here pala? You looking for a job?"

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now