Kabanata 36

1K 84 1
                                    

Maggy's POV

I woke up. Napabangon ako sa kama. This bedroom... It's Seige's...

Lumabas ako ng kwarto at natigilan. Seige is cooking.

"You awake?" naramdaman nito ang pasensya ko kaya lumingon ito sa akin.

"What did just do to me? Kasabwat mo pa talaga si Scotch!"

"I wanna talk to you."

"D*mn you!"

"I want to apologize—"

"T*ng in* mo!"

"Pinagsisisihan ko na—"

"G*go ka!"

"Maggy, please—"

"Hindi mo ba alam kung gaano ako naghirap, ha?! Pinagsisihan ko rin na pinaniwalaan ko si Qristain, dapat pala pinakinggan rin kita. Nagsisi ako, Seige. I get it, galit ka, okay tatanggapin ko yun. Nasaktan ka dahil nawala si Tatay Rodolf— nasaktan din naman ako, he was such a good person, it's also my fault, kung inagahan ko lang sana. But then you, how can you do this to me? You fooled me. You manipulated everything. Dad did that because of you." napadausdos ako. Agad nya akong dinaluhan at niyakap.

"I am sorry. I am sorry for everything. I was hurt and mad. Please, Maggy. Please, forgive me." dumampi sa balikat ko ang isang luha hanggang sa naging sunod sunod. He's crying.

"Tatay Rodolf was the one who helped me when I got into car accident three years ago. He aided me, nawalan sya ng ipon dahil sakin, nilapitan nya rin ang Daddy mo para manghingi ng tulong para sa bills ko sa ospital. All of my memories were gone— except my name, I remembered it." pinaharap nya ako sa kanya at tinitigan ako sa mata.

"I was mad when I found out. I am sorry. Tinuring ko syang parang tunay kong ama. Nabulag ako sa galit ko. I manipulated everything. From your mother, to your debts and up to the politics. I am sorry, Maggy." itinulak ko sya.

"Ang sakit, Seige. Ang sakit sakit. You broke my trust. I hate you." napayuko ito.

"Uuwi na ako. Ayoko ng makita ka pa. Just leave me alone. I will never forgive you." tumayo ako. Niyakap nya ako mula sa likod.

"Please, Maggy. Please. I am begging you." pumunta sya sa harap  ko at lumuhod. Hinawakan nya ang kamay ko at masuyong hinalikan.

"We just keep on hurting each other. Tama na, Seige."

"Maggy—"

"Stop, Seige. We are done." tinanggal ko ang kamay nya at nagmamadaling umalis.

Nang makaalis sa bahay nya ay tumakbo ako. Pumara ako ng tricycle at tinapik tapik ang dibdib ko.

"Miss, nandito na tayo." kinuha ko ang pera sa bulsa ko ngunit natigilan rin. Wala akong pambayad. Pinalitan ni Seige ang damit ko.

"Miss, may pambayad ka ba?" I gulped.

"Maggy, ikaw ba yan?" napalingon ako at nakita ko si Aling Belen.

Nang mapagtanto ang nangyayari ay sya na mismo ang nagbayad sa tricycle driver.

"Salamat po, Aling Belen."

"Hay nako, Maggy. Wala iyon. Magang maga ang mata mo. Mukhang pinapaiyak ka ni Seige." natigilan ako.

"Po?" ngumiti ito.

"Ilang araw na ring pumupunta ng bahay mo si Seige. Sa labas lang, di nagpapakita sayo."

"Pano nyo po nakilala si Seige?"

"Nagkita na tayo sa Sitio Juan."

"Po? Nagkita na po tayo?"

"Ay nako! Wag mo na alalahanin! Iba na itsura ko ngayon. Una tayong nagkita noong nasa palaisdaan ka. Pinagmamadali ko noon si Seige para ilagay ang isa sa pwesto ko kaso nga lang ay kausap ka nya. Sumigaw ka pa nga na nag uusap kayo at bibilhin mo lahat ng paninda ko." natutop ko ang bibig.

"Sorry po, Aling Belen. Sobrang maldita ko noon." natawa na lang ito.

"Ayos lang. Tsaka, mabait ka na kaya ngayon." napangiwi ako.

"Ang binatang yun...hay nako, di talaga ako naniwala sa paratang sa kanya noon. Napakabait na bata. Kahit na medyo malamig noong unang tapak nya doon sa probinsya."

I felt pain in my heart.

"Mukhang mahal nyo naman ang isa't isa." kalaunay saad nito.

"He did unforgivable things, Aling Belen. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sya."

"Naiintindihan kita, anak. Pero sana wag ka magtanim ng galit sa puso mo. Dapat matuto tayong magpatawad." tumango ako.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now