Kabanata 12

597 66 0
                                    

Maggy's POV

"I'm sorry, Seige, ikaw kasi—Nope, parang sinisisi ko pa rin sya. Hmm, what about... I'm sorry, may niluto akong adobong manok, kainin mo— tunog demanding naman. Ganto na lang... Seige, I'm sorry, di na mauulit, masyado akong nagmaldita dahil sayo— nah, mali mali—"

"Just say you are sorry. Wag mo nang dagdagan pa." I gasped. He's here already?

"Seige!" I smiled pero napawi rin yun nang ma realize ko ang hawak ko. I'm still holding the box and I am wearing the diamond ring.

"Ahm..." I gulped. Nakatingin ito ngayon sa singsing na suot suot ko.

"Kinuha mo sa bag ko?" tumango lang ako. Is he mad?

"Bagay sayo." nanlaki ang mga mata ko.

"You really bought it for me?" di makapaniwalang tanong ko. Tumango lang ito.

Lumuhod ito sa harap ko para magpantay kami. Hinawakan ang kamay kong may singsing at nginitian ako.

"It fits perfectly." tumango lang ako.

"It fits me perfectly kasi para sakin talaga ito." he nodded. Ginulo nya ang buhok ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"I curled my hair tapos ginulo mo lang."

"You're still beautiful, Maggy." I smiled. Niyakap ko sya and said thank you.

"Maggy..." tawag nya sakin.

"Hmm?"

"Hindi mo ba tatanungin kung magkano yan?" natigilan ako.

Umiling lang ako.

"I don't care if it's genuine or not. Ang mahalaga you gave it to me. Thank you, Seige."

"You're welcome."

Kumalas ako ng yakap at pinagkrus ang dalawang kamay.

"Sabi ni Tatay Rodolf kasama mo daw si Monica. Are you cheating on me, Seige?" he laughed and shook his head.

"Monica offered me a job sa pinagtatrabahuhan nya, I refused. So, sinamahan ko sya sa kaibigan kong nangangailangan ng trabaho. Mukhang nagkamali ng akala si Tatay Rodolf dahil umalis ako kasama si Monica. Don't worry about it, Maggy. Monica's not a threat and will never be."

Such a green flag. I bit my lips.

"Don't bite your lips. It makes me want to taste them." I chuckled.

"This is a promise ring, right?" inangat ko ang kamay kong may singsing. Tumango lang ito.

"Tara, pumunta tayong bayan. Mag sine tayo sa mall. And Maggy, ako ang sasagot. I just want you to be on my side all the time, okay?" I nodded.

I'm changing. I knew I am.

Natapos ang araw na iyon na puno ng saya ang puso ko. We watched a horror film, tili ako ng tili habang Seige ay seryosong nanonood lang. Kung hindi nga lang ata sa tili ko, nakatulog na ito. After that, we tried the kwek kwek thing. Hindi naman pala pangit ang lasa nito. Nakadalawang stick pa nga ako. He would just laughed at me everytime na nahuhulog yung pugo kapag kinakain ko yung kwek kwek.

Nasa kwarto na ako ngayon. I grabbed my phone at maraming text messages ang nandoon.

'Hey, Maggy. I took a break for one week. Pupunta ako dyan sa Sitio Juan. Ipakilala mo na rin sakin yang boyfriend mo. See you there, lovelots!'

Galing kay Qristain. I smiled. Qristain is my bestfriend mula noong elementary pa lang ako, she's like my sister na rin.

Pero, nawala rin ang ngiti ko nang may maalala. Noong college ako, lahat ng naging ex boyfriend ko ay nagiging boyfriend din nya kinabukasan. But, it is not a bad thing, right? I mean, we are friends. Hindi nya naman inagawang mga yon.

'Yeah. Just to remind you, maputik dito. Be careful sa daan.'

Reply ko dito. Humiga ako sa kama at inilagay ang cellphone sa tapat ng dibdib ko.

Gwapo si Seige. Sana di sya magustuhan ni Qristain. I'm afraid. Baka biglang paggising ko na lang ay wala na sa akin si Seige.

"Am I jealous of Qristain?" I sighed.

Qristain Villares is a famous jeweler here in the country. Maraming napatunayan, hindi katulad ako. Anak lang ako ng isang mayaman at maimpluwensyang tao. Without my Dad, I am nothing. Am I really deserving para maging girlfriend ni Seige? Yes, he is not rich but madiskarte syang tao, he's incredible at kung mabibigyan ito ng magandang pagkakataon, gaganda ang buhay nito.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin