Kabanata 14

544 63 0
                                    

Maggy's POV

It's been three days at sa tatlong araw na iyon, palagi akong iniinis ni Qristain. Nilalandi nya ang boyfriend ko.

"Pwede bang tigilan mo ang ginagawa mo, Qristain? We are friends!" giit ko.

Nakauwi na si Seige at kinompronta ko agad ang kaibigan ko.

"It's just a kiss, Maggy. Nothing's wrong with that."

Ninakawan nya ng halik si Seige sa mismong harap ko pa talaga. Todo ang sorry ni Seige pero buo ang desisyon ko na paalisin muna sya sa bahay.

"Anong pinagsasabi mo? Hinalikan mo ang boyfriend ko tapos ganyan ang sasabihin mo? Wala lang? You b*tch!" she scoffed. Tinulak nya ang balikat ko.

"Me? B*tch? Baka ikaw! Sulutera ka! Lahat ng nagugustuhan ko noong college, inaagaw mo! I f*ckin' hate you for that!" she said. She's angry. Umiling iling ako.

"Wala akong inaagaw. I don't even know kung sino yung mga gusto mo noon. Nagigising na lang ako kinabukasan, boyfriend mo na yung ex ko na kakabreak ko pa lang." she laughed at nagulat ako ng sampalin nya ako.

"You will not be happy with Seige, I swear!" dali dali nitong inampake ang mga gamit at padabog na umalis ng bahay.

This is the first time na nagalit ako sa kanya at para sa isang lalaki lang. I smirked. Hindi ko akalain na magkakalamat ang pagkakaibigan namin dahil kay Seige.

Kinabukasan ng tanghali ay pinuntahan agad ako ni Seige.

"I'm sorry. Hindi ko akalain na gagawin nya yon—"

"Did you like her kiss?"

"Maggy, of course not. Pagkauwi ko sa bahay nagtoothbrush agad ako!" kung di lang ako galit ngayon ay natawa na ako sa sinabi nya.

Hinawakan ko ang pisngi nya. He's so handsome. He's Seige and he's my boyfriend.

"Qristain is my bestfriend. Naiinis ako sa kanya pero mula pa noong elementary magkaibigan kami. I am disappointed. Parang sinayang ko lang—"

"Shh, it's not your fault." niyakap ko sya. I guess I did the right thing. Nangunot ang noo ko nang maamoy ang pabango nya.

"May pinuntahan ka ba?" tila nagulat ito sa tanong ko.

"Sa bayan. Maraming natanggal na kargador sa pyer at isa ako doon, naghanap ako ng pag a applyan." tumango lang ako.

"Your perfume smells great. Anong brand yan? Kaamoy nyan yung sikat na brand na men perfume." he just smiled.

"Nanghiram lang ako sa kaibigan ko. Peke yun, pero kaamoy din naman kaya ginamit ko na. Ahm, pasyal tayo?" I just nodded. Ngayon na lang kami papasyal ulit.

Nagsuot lang ako ng simple. Kung dati ay magha high heels pa ako, ngayon pinili ko na lang ang isang simpleng sneakers.

"Seige." tawag ko dito.

"Hmm?" lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng halik. He answered it.

"Stop. I'm controlling myself, Maggy. Tara na, mamamasyal pa tayo." hinawakan nya ako sa kamay at marahang hinila.

I am swaying our hands together. Kumikinang doon ang diamond ring na binigay nya sakin. I knew na hindi naman ito totoo but it is very valuable to me.

"Ito po. Salamat po." saad ko sa ice cream vendor. Hinanap ng mata ko si Seige sa park. I can't find him.

Nanglakad pa ako para hanapin sya. Natigil lang nang makita ko na sya. Tatawagin ko na sana si Seige kaso nga kang ay nangunot ang noo ko nang makita ko ang kausap nya.

It's the handsome man na nadatnan ko na kausap ni Tatay Rodolf. Why is he talking to Seige? Sabi sakin pinag utangan daw nila ito but I highly doubt it. Tinapik nito ang braso ni Seige habang nakangiti.

Who is he? At bakit walang emosyon ang mukha ni Seige habang kausap nya ito? Bigla, naalala ko ang sinabi ni Scotch. A dangerous man? Si Seige? No way. Lalapit na sana ako dito kaso nga lang ay natigilan nang magsalita ito.

"I want to see Hera."

I don't know why but hearing that name coming from Seige is enough to hurt me.

"Your fiance will also be happy to see you, Seige."

Umatras ako. Tuloy tuloy. Hanggang sa tumakbo ako. Binitawan ko na din ang ice cream na hawak hawak ko para saming dalawa.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon