Kabanata 10

708 66 0
                                    

Maggy's POV

"Hey. Ilan na ang naging girlfriend mo?" tanong ko kay Seige. Kasalukuyan itong nagluluto sa kusina ng bahay ko.

"It is not a trick question, right?" natawa ako ng mahina at itinanggi.

"Wala. Not that I know of." tinaasan ko sya ng kilay.

"You're lying. Ilan nga? Pang ilan ako?" I am curious.

"I'm not comfortable with this topic. Change it." nawalan ng emosyon ang boses nito.

"You're no fun. Napapansin ko parang palagi ka ng seryoso. May problema ba?" lumapit ako sa kanya at niyakap sya sa likod. I felt his body stiffened.

"Nothing." kinalas nito ang kamay ko. I felt irritated.

"What are you doing? Nakakainis ka. You are distancing yourself to me. Mabango naman ako. Amoy mayaman. Buti nga niyayakap kita kahit mahirap ka—"

"Maggy, stop it." mariin nitong tugon. Nang uuyam ko syang tinignan.

"Ayaw mo na ba sakin?" tanong ko.

Marahas itong bumuga ng hangin at niyakap ako. Hinalikan ako sa noo at bumuntong hininga.

"I am afraid I will lose you."

"I don't understand. Di naman ako mawawala."

"I want you to stay with me. Kahit na anong mangyari, mananatili ka sa tabi ko. Can you promise me?" ngumiti ako at tumango.

"I will stay. But, i can't say promise. Buong buhay ko ko kasi di natutupad ang promises ko. Like, promises na di na ko bibili ng Gucci, Channel, LV bags, hindi ko rin naman natutupad." napangiti ito at marahan akong pinitik sa noo.

"Silly." he kissed me. Tinugon ko naman ito..

"Why don't we do it already?" I asked. Natigilan ito.

"It is not necessary for couples, Maggy. I want to do it with you once you already have a wedding ring in your finger. Ihaharap muna kita sa altar." pagpapaintindi nya.

Tumaas ang kilay ko para itago ang kilig na nadarama ko.

"Sa lahat ng naging boyfriend ko, ikaw lang ang nagsabi nyan." nakita ko ang pagdilim ng anyo nito.

"Stop it. Ayokong marinig ang tungkol sa mga ex mo."

"Why? Are you jealous?" naghahamon kong tanong.

"I am. You are mine, Maggy." I bit my lips.

"I'm yours, Seige." his lips went down and my eyes widened when I felt—

"Did you just..."

"Hickey looks good on you." nakangisi nitong saad. Tumalikod sya at pinagpatuloy ang pagluluto.

Noong hapon din yon ay nagpasya kami na mamasyal sa bayan. Seige is so protective. But, I find it cute. Pero, di pa rin talaga maiiwasan ang mga sitwasyon na gusto na lang nitong takpan ng masking tape and mga labi ko dahil sa mga sinasabi ko.

"Do you want me to eat that? It looks so madumi." pag iinarte ko.

Lumaki ako na kumakain sa mga restaurant at may chef sa bahay namin. Those were so clean. At itong nasa harap ko ay mukhang madumi. Nakatusok lang sa stick ang kulay orange na bilog na bagay. Nakakain ba talaga yan? Napangiwi ako nang may isang lalaki ang nagsawsaw sa lalagyan ng suka. Dyan rin ba sumasawsaw ang lahat ng bumibili?

"Eto, try mo." inalok ako ni Seige nito. Hawak hawak nya ito. Marahan ko itong tinulak.

"No thanks. You can eat that." nakita ko ang paglungkot ng mata nito.

"You should try it, Maggy. Masarap naman—"

"Hindi yan mukhang malinis. Atsaka, malay ko ba kung anong meron dyan. Baka magkasakit pa ko pagkinain ko yan." pasaring ko.

Nakita ko ang mapanghusgang mata ng mga tao sa paligid namin. Inikutan ko lang sila ng mata.

"Maggy, can you— can you filter your words? Just for once?" tila nawawalan na ng pasensyang pakiusap nito.

Nag iwas ako ng tingin. I am really a b*tch, I know.

Tumalikod ako at iniwan sya. Stupid, Maggy! Actually, sinusubukan ko ng baguhin ang ugali ko. Pero, mahirap talaga pagnakasanayan mo na.

"Maggy!" napalingon ako sa likod. Mukhang tumakbo si Seige para sundan ako..

"What?" I sighed.

"Sorry for my attitude." mahina kong banggit.

"Gusto mo bang mag resto na lang tayo? Isang sakay lang—"

"Can you even afford it?" natigilan ito.

"Sorry, it came out of the blue. Let's go. Ako na lang magbabayad—"

"Sorry, Maggy. Uuwi na muna ako." tumalikod ito at naglakad papaalis. Para naman akong napako sa kinatatayuan ko.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon