Kabanata 18

656 71 0
                                    

Maggy's POV

"He's not good for you, Maggy. Ayon agad ang naisip ko nung makita ko sya."

Sinusuklay ni Qristain ang buhok nito. Humarap sya sakin. She's fine now. Wala na ang mga pasa at sugat nito.

"You flirted with him." mahinang ani ko.

"Tinry ko lang. C'mon, nandon ka kasi kaya di yun kumikibo. Nung nangyari yon— nung gabing yon, hindi mo masisikmura ang ginawa nya sakin." lumungkot ang boses nito.

Niyakap ko sya.

"I'm sorry for not believing at you at first. Nahihiya ako sayo."

"You should not. Naloko ka lang din ni Seige. He will be jailed forever, Maggy. I promise. Magaling ang prosecutor na humahawak ng kaso na 'to. Makukulong sya." nagbaba ako ng tingin.

"Don't tell me gusto mo pa rin sya? After what he did to me?" di makapaniwalang asik nito. Nag iwas ako ng tingin. Bumuga ng marahas na hangin si Qristain.

"We'll go back to Manila. Maghahanap tayo ng magiging boyfriend mo para mawala sa isip mo ang lalaking yon. I will help you!" tinignan ko sya sa mga mata.

Qristain... I don't know why but— staring at your eyes makes me think that you are sly. Bakit— bakit parang nagdududa ako sa mga sinasabi mo?

Dumating ang araw ng hearing. Konti lang ang tao. Mukhang di rin lumabas sa balita ang nangyari kay Qristain. Malalapit na kamag anak lang ng Villares ang nandito. Nasa unahan na row si Tita Andromeda habang ako ay nasa pangalawa. Wala akong katabi.

Nasa magkabilang panig naman si Qristain katabi ang prosecutor nito at sa kabila naman ay si Seige—

"Walang abogado si Seige..." nabulalas ko na lang bigla.

Napatingin ako sa kanan ko nang may biglang umupo. A blonde haired woman. Sigurado akong natural ang kulay ng buhok nito.

Lumingin ito sa akin at ngumiti. She's beautiful— and familiar.

"Ate Karina?" I gasped. I think she is.

Tumango lang ito.

Karina Villares, a barbie doll reincarnate, ito ang nakababatang kapatid ni Tita Andromeda. Mas matanda ng dalawang taon sakin si Ate Karina, nasa 40's na rin kasi nanganak ang lola ni Qristain.

"Looks like Qristain got into trouble again." umiling ako.

"She's a victim here, Ate Rina." I said. Tinignan nya naman ako ng matiim at bumuntong hininga.

"That's what they made you believe, huh?" nangunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" she sighed. Nilagay nito ang ulo nya sa balikat ko.

"I was in Japan when they called me. Ate Andromeda was so mad when Qristain told her what truly happened." napatigil ito at pinikit ang mata.

"Then, they came up with a story. A convincing story." nanlamig ako.

No...

"Ate Rina, are you— are you telling the truth?"

Umayos ito ng upo at diretsong tumingin sa harap.

"I am so tired of being a Villares."

"Can you tell me the truth, Ate Rina. Please?" pagmamakaawa ko.

There's a chance... A high chance that this is all a lie!

Pumasok ang judge. Pinatayo kaming lahat. Bumaling ang tingin ko kay Ate Rina na seryoso lang ang anyo.

Nang umupo na kami ay mukhang natigilan ang judge. Walang abogadong katabi si Seige.

"Seige..." banggit ko sa pangalan nya.

"He must be your boyfriend." tipid na ngumiti si Ate Rina.

Naging malamlam ang mata ko. I don't know what to do. Pano kung nagkamali ako ng taong pinagkatiwalaan?

"Wala ba syang abogado?"

"Bakit kasi di na lang nila ikulong yan?"

"Guilty na agad ang hatol dyan."

Gusto kong takpan ang tenga ko sa naririnig.

"They're noisy." bulong sakin ni Ate Rina.

Bumukas ang pinto sa likod kaya lahat kami ay napatingin dito. I gasped. Dire diretsong naglakad ang matangkad na lalaki hanggang sa makarating ito sa tabi ni Seige.

"I apologized for being late. I am Attorney Ares Sin Sandoval, the new appointed lawyer of Mr. Seige Viñas or should I say...Mr. Jaxon Seige Demetri."

Nanlamig ang katawan ko nang marinig ang pangalan na binanggit nya.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now