Being Owned by a Mafia Lord (Ashworth Series #1).

31.7K 741 4
                                    

Date Published: April 10, 2017
Final Re-Published: May 23, 2020

PROLOGUE.

Nagising ako at dahan-dahang umupo sa kama. Napatingin ako sa paligid at napatingin sa sarili ko. Nakita kong nakasuot ako ng isang night gown na kulay puti at mahaba ang sleeves.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at naglakad palapit sa pintuan. Bubuksan ko na sana 'yun nang biglang bumukas ito at may nakita akong isang pamilyar na lalaki.

"S-sino ka? B-bakit mo ko dinala dito?" Kabado kong tanong. Tinignan niya ko ng malamig at humakbang siya palapit sa'kin.

Sa bawat hakbang niya palapit ay umatras ako palayo mula sa kaniya. Gano'n lang ang ginagawa namin hanggang sa napasandal na ako sa pader.

Hinarang niya ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko at tinitignan niya ko ng diretsyo sa mga mata ko. Ang malamig niyang kulay itim na mga mata ay parang may hinahanap mula sa'kin.

"So, it's true that you really don't remember anything." Nagtaka ako sa sinabi niya. "A-anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.

"I'm going to make you remember everything. I'm going to drag them down for hurting and taking you away from us." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay naglakad na siya palabas.

Napa-upo ako sa sahig dahil sa biglang nanghina ang mga tuhod ko sa kaba. Napahawak ako sa bandang dibdib ko at mabilis ang tibok ng puso ko ngayon.

Anong nangyari?

•••• END OF PROLOGUE. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now