Chapter 19.

9.5K 202 5
                                    

Date Published: May 2, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 19.

CHARLOTTE'S POV

Binigay ko kay Aize 'yung isang inumin na binili ko at kinuha naman niya 'yon. Binigay ko na rin sa kaniya 'yung envelope at binuksan niya 'yon agad.

"Wow. This is the blueprint of your father's company." Napatingin ako sa tinitignan niya at isa nga siyang blueprint.

"Anong gagawin nila diyan?" Tanong ko naman. "They want to attack the company to kill your father." Saad niya at napatingin ako sa ibabang bahagi ng blueprint.

Kinuha ko 'yung papel na nakadikit sa blueprint at tinignan ang nakasulat doon. Nanlaki ang mata ko nang nabasa ko 'yon.

"Aize, punta tayo kay daddy. Ngayon nila aatakihin 'yong kompanya niya." Sabi ko. Agad naman niyang nilagay sa likod 'yong blueprint at pinaandar na niya 'yong sasakyan paalis.

~ ALCAIDE COMPANY ~

Pagkarating namin doon ay nakita namin na maraming kotse na hindi naka park ng maayos. Lumabas agad mula sa sasakyan.

"Olivia, here." Sinalo ko 'yong binigay ni Aize at isa 'yong baril. "I already called Riel, he'll be here in a minute." Sabi niya sa'kin.

Nakita kong may dala siyang malaking bag at hinawakan na niya ako sa kamay. Hinila niya ko papunta sa kabilang kompanya at doon pumasok.

"Bakit tayo dito?" Tanong ko. "I know that your father is in the other building but that's too dangerous." Sabi niya.

"If we are going to infiltrate the building, we are mostly going to be killed by them. I can't let that happen." Paliwanag niya.

Sumakay na kami sa elevator at pinindot niya ang 20th floor.

"Paano kung nasaktan na nila si daddy?" Nag-aalalang tanong ko.

"I doubt that. Kung mga Constantine ang mga sumugod doon ngayon, they're going to torture him first before killing him. Gano'n ang ginagawa nila sa mga boss ng mga kalaban nila." Sagot niya.

Bumukas na 'yong pintuan ng elevator at agad kaming lumabas mula doon. Pumwesto kami sa isang room na malapit sa bintana at nilabas na niya ang nasa loob ng bag.

"Sniper?" Tumango siya. Inayos na niya 'yong sniper at doon ko lang napansin na dalawang sniper pala ang dala niya.

"Buti hindi ka nabigatan sa pag dala niyan." Sabi ko. "I'm used to it." Nakangising saad niya at tumingin sa'kin.

"Come here." Pumwesto ako sa sinabi niya at pina-upo niya ko sa sahig. "This is the scope." Sabi niya at tinuro 'yung nasa taas na parte ng sniper.

"Lock on the target then pull the trigger." Tumango ako at sumilip sa scope. Maraming akong nakitang mga lalaki na may baril.

"Paano ko malalaman kung kakampi o kalaban ang nakikita ko?" Tanong ko.

"Kakampi 'yung mga mga badge sa collar." Tinignan kong mabuti ang mga collar nila at wala akong nakitang badge.

"Lahat sila kalaban." Sabi ko ulit. "Did you find your father?" Hinanap ko na si daddy at nakita ko siyang nakaluhod sa harap ng isang lalaki.

"Nakita ko na siya." Sabi ko. "Good. Eliminate the enemies, my dear Olivia." Binaril ko sa ulo 'yong lalaking nakatayo sa harap ni daddy at tumumba siya.

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now