Chapter 14.

11.2K 269 1
                                    

Date Published: April 28, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 14.

THIRD PERSON'S POV

Nakaposas ngayon sa isang kulungan ang lalaki at nandito din si Mr. Alcaide kasama niya sila Blade.

"Hindi ko inaasahan na nagpapasok at nagtiwala ako sa isang ahas." Mariing sambit ni Mr. Alcaide.

"Ang ama niya ang pumatay sa buong angkan ko. Siya naman ang pumatay sa asawa ko at sinubukan din niyang patayin ang anak ko." Dugtong niya pa.

"Dapat talaga nakinig na lang ako sa asawa ko no'ng sinabi niya na 'wag akong magtiwala sa'yo dahil hindi ka dapat pagkatiwalaan." Sabi pa niya.

"Nakalimutan kong anak ka nga pala ng taong 'yon. Anak ka ng taong pumatay sa buong angkan ko." Nanginginig na ang kamao ni Mr. Alcaide dahil sa galit.

"What are we going to do to him?" Tanong ni Blade. "Bugbog sarado na rin naman siya kaya ibalik niyo na 'yan sa mga Constantine nang malaman nila na alam na natin ang tungkol sa kaniya." Utos ni Mr. Alcaide at umalis na siya.

Napatingin si Blade sa mga kasama niya at tumango. Lumapit na ang mga kasama niya at kinuha ang lalaki, dinala na nila ito sa kung saan.

~~~~

Nandito sila CD at ang mga kaibigan niya sa condo niya. Habang nannonood sila ng palabas ay may narinig silang ingay mula sa loob ng isang kwarto.

"May alagang hayop ka ba, CD?" Tanong ni Denzel. "Wala." Tumayo na si CD at kumuha ng baril na nasa drawer ng lamesa na nasa harap nila.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kwarto kung saan may narinig silang ingay. Kinuha na rin sila Sabby ang mga baril nila mula sa bag.

Pumwesto sa gilid si CD at sa harap naman sila Sabby. Dahan-dahang binuksan ni Deon ang pintuan ng kwarto at pumasok na silang lahat doon.

"Wala naman ah." Sabi ni Sabby. "Hindi. Nandito sila." Pinutok na ni CD ang baril niya at may nakita silang dugo mula sa cabinet.

Bumukas 'yon at may lumabas na dalawang tao. "Sila 'yung umampon kay Char diba?" Tanong ni Denzel.

"Kasapi din sila ng mga Constantine." Sabi naman ni CD. "Pero anong ginagawa nila dito?" Tanong naman ni Deon.

"Gusto nila akong patayin dahil alam nilang ako ang kumuha kay Char mula sa puder nila." Pagkasabi ni CD no'n ay binaril na niya ito sa ulo.

CHARLOTTE'S POV

Ginagamot ko 'yung sugat ni Aize sa kamao niya. Ginamit niya kasi pangsuntok kahit na alam niyang may sugat ito dahil sa pagsuntok niya sa salamin kanina.

"Alam mo namang may sugat ka dito tapos ito 'yung gagamitin mong pangsuntok." Sita ko sa kaniya.

"Alagaan mo naman ang sarili mo, Aize. Nag-aalala ako." Sabi ko pa. "Now you know what I felt when I heard from Cial about a while ago." Sagot naman niya.

"Ginagawa mo ba 'to para makaganti sa'kin, Aize?" Tinigil ko 'yung paggamot sa kamao niya. Tumingin siya sa'kin ng diretsyo.

"Are we going to fight because of this?" Tanong naman niya. Tinuloy ko na lang 'yung paggamot ko sa kamao niya kesa naman sa mag-away kami ngayon.

"Look, I'm not doing revenge on you, my dear Olivia." Malumanay niyang saad. "I'm sorry. I was just mad because of that guy." Paliwanag niya pa.

"Naiintindihan ko naman 'yun, Aize. Pero kasi 'yung tono ng pananalita mo ay parang gumaganti ka eh." Sagot ko naman.

"I'm sorry. I didn't mean that. I'm so sorry, my dear Olivia." Sabi niya pa. Nilgyan ko na ng bandage ang kamao niya at niligpit ang first aid kit.

Niyakap niya ko ng mahigpit at hinalikan ako sa buhok. Niyakap ko rin siya pabalik at napapikit.

Pakiramdam ko ay laging nangyayari ang ganito kaya parang nasanay na rin ako.

"Ganito ba tayo lagi, Aize?" Tumango siya. "Kaya naman pala parang sanay na ako." Komento ko.

"Hindi ka ba napapagod kung lagi tayong ganito?" Umiling siya at ngumiti.

"I love you. Even though I have a lot of reasons to leave you, I'm still choosing that one reason to stay with you." Seryosong saad niya.

"That one reason is?" - Ako.

"That one reason is that I love you. Because I love you, I'm going to stay whatever happens." Sagot niya.

"Kahit na pagod na pagod ka na? Kahit na sobra na?" Tumango siya.

"Pwedeng mapagod at magpahinga pero hindi pwedeng bumitiw." Sabi niya sa'kin.

"Parang ayoko na tuloy maalala lahat kung ganito lang rin pala. Parang buong relasyon natin ay puro problema na lang ang binibigay ko sa'yo." Sabi ko.

"Nope. Sometimes, I am the one who's causing trouble for you, my dear Olivia." Nakangiting sagot niya.

Hinawakan ko siya sa pisnge at napatingin ng direkta sa mga mata niya.

"Anong klaseng girlfriend ba ako sa'yo?" Bulong ko sa kaniya. Gusto ko lang talagang malaman ang tungkol doon para naman nakabawi ako sa kaniya kahit paano.

"You're childish, troublemaker but then again, you're sweet and caring." Nakangiting sagot niya. "I love your flaws and imperfections." Dugtong niya pa.

Habang nakatitig sa kaniya ay pakiramdam ko ay dapat may gawin ako sa tuwing ganito kami kaseryoso mag-usap.

Hinawakan ko siya sa labi niya at bumigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. "Babawi ako sa lahat. Babawi ako sa tatlong taon na nawala sa'tin kahit na hindi ko pa masyadong naalala ang lahat." Sabi ko.

Tumango siya at ngumiti. Hinawakan niya ko sa pisnge at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa'kin. Naramdaman ko na ang hininga niya at ang bango nito.

Anong mouthwash ba ang gamit niya ang ang bango ng hininga niya. Napapikit na ko ng mga mata at naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko nang biglang...

"Aize!" Agad ko siyang naitulak ng malakas dahil sa sobrang gulat nang biglang sumigaw si CD at binuksan ang pintuan ng kwarto.

"What the fuck, Cial?!" Galit na saad naman ni Aize kay CD. "S-sorry na. Hindi ko alam na naistorbo ko pala kayo." Lumabas na siya.

Napatingin ako kay Aize at nakita kong masama pa rin siyang nakatingin sa pintuan. Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa kaniya.

Inalalayan ko siyang tumayo at hinawakan ulit siya sa pisnge. Pinaharap ko siya sa'kin at hinalikan siya sa noo.

"Sa ngayon, diyan muna. Nawala na ko sa mood eh." Sabi ko sabay tawa ng nahina. "Tsk." Naglakad na siya paalis.

Sinara na niya 'yung pintuan at napabuntong hininga ako. Dalawang beses na kaming nauudlot ah. Napasapo ako sa noo at napa-iling na lang.

•••• END OF CHAPTER 14. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now