Chapter 42.

5.9K 128 3
                                    

Date Published: May 17, 2017
Date Re-Published:

CHAPTER 42.

BLAIZE'S POV

I left the room then I saw all of them outside, waiting, I guess. I let her lay down on a bed for her to rest more.

"Kamusta siya Blaize?" Ninang asked me worriedly.

"I think, she's fine." I answered her. Aldrick went inside the room and we let him because he's a doctor after all.

"Maybe, she remembered something again?" Riel commented. This always happens when she remembers something.

I just wish that she's fine despite all of these headaches.

CHARLOTTE'S POV

Nasa kwarto ako ngayon at nagba-basa ng libro nang pumasok sa loob si Sage at ngumiti siya sa'kin.

Lumapit siya sa'kin at hinalikan sa labi ko. Nginitian ko siya at tumaba siya sa'kin sa kama.

"Babe, here's the files na kailangan mo." Kinuha ko 'yong binigay niyang folder at binasa ang lahat ng nandoon.

"Para saan ba 'yan, babe? Bakit gusto mong malaman ang tungkol sa Red Emperor?" Tanong niya sa'kin.

"Wala lang. Para makasiguro akong ligtas ka, babe." Nakangiting sagot ko sa kaniya at napangiti din siya.

"'Wag kang mag-alala, babe. Ayos lang ako." Paniniguro niya.

"Red Emperor... Argel Lacosta, may mental disorder siya. Paano siya naging boss? Saka anong klaseng mental disorder?" Takang tanong ko.

Wala kasing nakalagay sa files na binigay niya sa'kin. Napatingin ako sa kaniya.

"Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay isa siyang magaling na pinuno. Mabait siya at may paninindigan." Sagot niya sa'kin.

"Pero ginagamit niya ang pamilya mo. Ang Constantine." Saad ko naman sa kaniya.

"Alam ko. Traydor man sa paningin mo pero kailangan ko ring gawin dahil ayoko pang mamatay. Ang Red Emperor ang totoong kalaban ng Constantine." Seryosong saad niya.

"Hindi nila alam 'yon dahil minamanipula sila nito. Ang totoong kakampi ng pamilya mo ay ang Red Emperor." Napangisi ako ng palihim.

Inabutan ko siya ng alak na may drugs at nag cheers kami. Uminom na kami at nang nakainom na siya ay hinalikan ko siya.

Ang epekto ng drogang 'yon ay makakatulog siya at paggising niya ay wala na siyang maalala pa.

Napahiga siya sa kama at tumigil na ko nang naramdaman kong nakatulog na siya.

Tumayo na ako mula sa kama at napatawa ng mahina.

~~~~

"Bakit ka nakikipaghiwalay sa'kin, Char? May ginawa ba akong mali?" Tanong niya sa'kin. Binalik ko na 'yong binigay niyang kwintas.

"Ginamit lang kita para makakuha ng impormasyon sa kung sino ba talaga ang kalaban namin. Dahil pakiramdam ko ay may mali." Pag-amin ko at aalis na sana ako nang hinawakan niya ko sa braso.

"Sabihin mong nagsisinungaling ka lang. Sabihin mo 'yong totoong dahilan kung bakit gusto mong makipaghiwalay sa'kin."

"Totoo 'yon. Ginamit lang kita, Sage. Nakuha ko na lahat ng gusto ko kaya iiwan na kita." Mariing sagot ko at tinalikuran ko na siya.

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now