Chapter 37.

6.3K 140 0
                                    

Date Published: May 15, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 37.

THIRD PERSON'S POV

Pumunta si Beryl sa opisina ni Albert at naabutan niya sila Cial at Scarlett doon. Kumunot ang noo niya nang nakita niya ang asawa doon.

"Anong ginagawa mo dito, hon?" Takang tanong niya. Hinalikan niya si Scarlett sa labi at hinawakan ang pisnge nito.

"Saan ka galing? Nag-aalala ako kasi hindi kita ma-contact." Sagot ni Scarlett.

"I'm sorry, hon. It's just that may ginagawa lang ako kaya ko pinatay 'yong phone ko." Dinukot ni Beryl ang flash drive na binigay sa kaniya ni Charlene.

"Dude, para sa'yo nga pala." Sabay abot nito kay Albert. Kinuha naman 'yon ni Albert at binigay kay Cial.

Sinaksak 'yon ni Cial sa laptop at marami siyang nakitang mga files. Nagulat siya nang nabasa niya ang isang file.

"Ebidensya na nagsasabi na ang mga Constantine ang pumatay sa pamilya ni daddy." Agad tumingin si Albert sa monitor.

"Sila ang nag-massacre sa pamilya ko." Sinara ni Albert ang kamao niya.

"Saan mo nakuha 'to, Ber? Paano ko nakuha 'to?" Mariing sambit ni Albert.

"M-may nag bigay sa'kin. Pero hindi ko kilala kung sino. Ang sabi lang ay ibigay ko sa'yo 'yan." Kabadong sagot ni Beryl.

"Bakit parang kabado ka po ata, ninong?" Tanong ni Cial nang may napansin siya.

Napalunok si Beryl at pinagpapawisan na siya. Napabuntong hininga siya at nagdesisyon nang magsalita.

"Hindi ko pwedeng sabihin kung sino siya. Delikado pa rin ang buhay niya kaya humihingi siya ng tulong sa'kin para matulungan si Albert." Paliwanag niya.

"Naisip niya kasi na 'pag nalaman niyong lahat ay may possibility din na malaman ng mga kalaban ang tungkol sa kaniya." Dugtong niya pa.

"Mapagkaka-tiwalaan ba 'yan?" - Albert.

"Nagtiwala ka nga sa kaniya noon eh." Nakangiting sagot ni Beryl na ipinagtaka ng lahat.

"Anong ibig mong sabihin?" Tumawa lang si Beryl at hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan.

"Malalaman mo din sa susunod. Tiwala lang dude." Hinawakan niya sa balikat si Albert habang nakangit.

Nilapit ni Beryl at bibig niya sa tenga ni Albert at binulong "Code C.L.E." Nakangising tumingin siya sa kaibigan at nanlaki ang mga mata ni Albert.

"S-seryoso?" Nagtaka sila Scarlett at Cial dahil sa reaksyon ni Albert. Naglakad na palapit kay Scarlett si Beryl at inakbayan ito.

"Tara, hon. Gawan natin ng bagong kapatid sila Royal." Pag-aaya nito at umalis na silang dalawa.

Naiwang nakatanga si Albert sa kinatatayuan niya at napa-upo sa upuan. Nilapitan siya ni Cial at tinignan.

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now