Chapter 29.

7.9K 170 0
                                    

Date Published: May 8, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 29.

THIRD PERSON'S POV

Nandito sila Albert, Beryl at Scarlett sa isang opisina sa organization nila. May binabasang papel si Scarlett. 'Yong ang huling habilin ng kaniyang kaibigan.

"Gusto niyang ipakasal kay Royal si Charlotte dahil alam niyang siya ang kasiyahan niya." Saad ni Scarlett sa lahat.

"'Yon din naman ang gusto ni Blaize kaya ayos lang 'yan." Saad naman ni Beryl at napasandal sa pader. Napatingin siya kay Albert at nakita niya itong nakatitig sa isang litrato.

"Nakatitig ka na naman sa litrato ni Charlene, Bert. Itigil mo na 'yan at ibigay mo ang lahat sa mga anak mo." Saad ni Beryl.

"Lagi kang nakakulong dito, kailan ka pa ba nagkaroon ng oras para makasama ang mga anak niyo simula nang nawala siya?" Tanong naman ni Scarlett.

"Sa tingin mo ba ay magugustuhan ni Char 'yan?" Tanong pa ni Beryl. Tinignan siya ni Albert at doon niya lang napansin ang sinabi niya.

"Sorry. Uulitin ko. Sa tingin mo ba ay magugustuhan ni Charlene 'yan?" Napa-iling si Albert at napabuntong hininga.

"May nangyayari sa mga anak mo nang hindi mo nalalaman, Albert. Mas lalo na kay Craide. Lagi pa namang wala 'yon at hindi nauwi sa inyo." Sabi pa ni Scarlett.

"Naiintindihan ko na. Hindi niyo na ako kailangang sermonan, okay?" Sagot naman ni Albert sa kanila.

"Pero what if buhay pa siya?" Napa-iling na lang si Scarlett at natawa ng mahina.

"Kakanood at kakabasa ko 'to eh." Saad niya ulit. "'Wag mong paasahin at baka umasa na naman ang kaibigan natin dito." Komento ni Beryl.

"Manahimik na nga kayo." Tinignan ni Albert ang cellphone niya nang nakita niyang umilaw 'yon. Kumunot ang noo ni Albert dahil sa tinext ni CD sa kaniya.

"'Yong anak ko napapadalas ata na laging nasa bahay ng anak niyo ah." Sabi ni Albert.

"Kapag 'yong anak ko nabuntis ng anak niyo, talagang susuntukin ko ang anak niyo." Banta ni Albert.

CHARLOTTE'S POV

Nandito pa rin kami ni Aize sa kusina at nakatitig sa isa't isa. Pinatong ko ang dalawang braso ko sa hita niya at hinalikan ulit siya.

"You're drunk because of the liquor inside the chocolate. You're really weak against it." Bulong niya at hinawakan ako sa pisnge.

"What time are you going to school tomorrow? It's already 10 pm." Tanong niya sa'kin.

"11 am pa. Kaya pwedeng magpuyat." Sagot ko at hinalikan ulit siya sa labi. Naramdaman kong ngumiti siya.

"Boss - puta! Ito na po naman tayo!" Napatingin kami sa sumigaw at nakita namin sila Thaddeus at Zion. Hindi maipinta ang mga mukha nila at napa-iling ako.

Tumingin ako kay Aize at nakita kong masama ang tingin niya sa dalawa. Hinawakan ko siya sa pisnge niya at pinaharap sa'kin.

"'Wag mo na silang pansinin, boss." Hinalikan ko ulit siya. Hinawakan niya ko sa bewang at pinuwesto ko ang mukha ko sa leeg niya.

"Let's go inside my room. Let's continue everything there." Tumango ako at tumayo na siya. Kumuha siya ng red wine at dalawang baso.

Tumayo na rin ako, kinuha ko 'yong kahon na may laman na chocolate at sumunod sa kaniya papasok ng kwarto niya.

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now