Chapter 12.

12.9K 292 3
                                    

Date Published: April 27, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 12.

ZION'S POV

Tumakbo ako pabalik sa kwarto namin nila Syrus at ni-lock ang pintuan. Patay ako kay boss. Naistorbo ko ata silang dalawa.

"Anong nagyari sa'yo, Zion? Parang nakakita ka ng multo." Kunot noong tanong ni Syrus sa'kin.

"Arestocres, I'm going to fucking kill you if you're not going to show yourself!" Sigaw na naman ni boss.

"Anong ginawa mo kay boss at galit na naman sa'yo?" Tanong pa ulit ni Syrus. Pinagpapawisan na ako dito dahil sa kaba.

"Naistorbo ko silang dalawa ni miss Alcaide kanina nang hindi ko sinasadiya." Taranta kong sagot. Agad naman niya kong hinila at sapilitang pinasok sa loob ng closet.

"Arestocres, get out of there!" Rinig kong sigaw na naman ni boss at kunatok na ng malakas sa pintuan ng kwarto.

"Boss. Wala po si Zion dito. Hindi ko pa po siya nakikita." Rinig kong sagot naman ni Syrus.

"Are you sure?" Paniniguro ni boss. "Opo boss. Alam mo naman takot ako sa'yo kaya hindi ako magsisinungaling sa'yo." Sagot ni Syrus.

Narinig kong sinara na ni Syrus ang pintuan at napahinga ako ng maluwag. Narinig ko rin na ni-lock niya ang pintuan kaya naman lumabas na ko mula sa closet at nagulat ako nang may nakatutok nang baril mula sa mukha ko.

"And do you think that the two of you can fool me, Arestocres?" Napalunok ako. Sana naman may tumulong sa'kin ngayon.

"Aize? Pwede ka bang maistorbo saglit?" Napahinga ako ng maluwag nang tinawag ni miss Alcaide si boss kaya binaba na nito ang hawak niyang baril.

"Sure. Wait for me in the living room, my dear Olivia." Tinignan niya muna ako ng masama at naglakad na palabas mula sa kwarto.

THIRD PERSON'S POV

Nandito ang mga umampon kay Charlotte at natataranta silang dalawa dahil nakawala na siya nang hindi nila napapansin.

"Bakit kasi hindi mo siya binabantayan?!" Sigaw ng babae. "Ikaw nga dapat ang tinatanong ko eh! Bakit hindi mo siya binabantayan?!" Sigaw naman ng lalaki.

"Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na nawawala mula dito sa bahay." Komento ng babae.

"Adleyn, kapag talaga tayo nanagot kay boss, ikaw talaga ang sisisihin ko." Sagot ng lalaki.

"Bakit ako? Ikaw ang sisisihin ko dahil hindi mo siya binabantayan." Sagot naman ni Adleyn.

"Wala naman 'yon naalala kaya hindi siya pumunta sa mga Alcaide." Saad ng lalaki.

"Kaibigan niya ang kapatid niya kaya nasisiguro akong nandoon siya ngayon." Sabi naman ni Adleyn at kumuha ng baril.

"Sugurin natin siya ngayon." Sabi ni Adleyn at umalis na.

CHARLOTTE'S POV

Andito kami ni Aize sa sala at tinutulungan niya ako sa mga assignments ko. Mas dumali ang pagsagot sa mga 'yon dahil sa kaniya.

"Tapos na. Maraming salamat, Aize." Niyakap ko siya. Agad naman akong lumayo mula sa kaniya at umubo.

"Thank you." Nakita kong tumango siya. "Are you hungry?" Tumango ako. Kinuha na niya 'yung phone niya at may tinawagan.

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon