Chapter 33.

8K 164 0
                                    

Date Published: May 11, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 33.

THIRD PERSON'S POV

Pagkabangga ng sasakyan ni Sage sa basurahan ay agad siyang lumabas mula doon at hawak niya ang kanang braso niya.

"Prino-protektahan na pala ng mga Alish si Charlotte." Hinampas niya ang bubong ng sasakyan sa sobrang inis.

"Ang Alish ay ang pinakamagaling at pinakamalakas na kakampi ng mga Alcaide at nandito sila para tumulong." Sabi niya pa.

May dumating na isang itim na sasakyan at lumabas ang sakay nito. Nakita ni Sage ang kaibigan niya na kasapi rin ng mga Constantine.

"Parang naisahan ka ah." Pang-aasar nito. Tinignan siya ng masama ni Sage at agad siyang napataas ng kamay.

"Isa 'yon sa mga malakas na miyembro ng Alish ah. Tapos na pala sila magmukmok sa pagkamatay ng anak nila." Sabi pa nito.

"Mas lalong magiging delikado 'to para sa'tin. Masyadong malakas at magaling ang mga Alish." Sagot ni Sage at pumasok na siya sa sasakyan ng kaibigan niya.

BLAIZE'S POV

"Boss, nakalabas na po mula sa eskinita ang sasakyang sinasakyan ni miss Alcaide." Alexander told me.

I looked at the tracker and sighed. What are you doing, Olivia? Where are you going? Who's with you?

"No files detected, boss. Hindi po mahanap ang profile no'ng babae." Syrus told me.

"Boss, may nagpo-protekta sa profile ng babae para hindi makita." Zion told me.

I grabbed the vase beside me and throw it on the wall. I stood and contact her number.

"Boss? Bakit ka napatawag? May problema ba? Na-miss mo ba ako?" Stop acting like you're innocent, my dear Olivia. Because you're not.

"Yeah. I miss you, my dear Olivia. Where are you, right now?" I said. I trust you but sometimes, you're acting like your mom who has a lot of secrets even from your dad.

"Nandito ako sa mall, kasama ko sila Sabby. Ayyiie... Na-miss mo pa ako eh magkikita naman tayo mamayang 7." I bit my lower lip. She lied.

I think I have to do something about this. I think I should do that to you tonight if you're not going to talk now.

"You know me. I'm in love with you so much." Even if you lied, I still do and I always will, my dear Olivia.

"Una na ko, boss. Manonood pa kami ng sine eh." She said. I smiled bitterly. I know that you're not cheating with me but I really have to know what you're doing.

"Yeah. Enjoy the movie, master. I love you."

"I love you more, boss. See you tonight." She said then, she hung up.

"She fucking lied to me!" I grabbed the other vase and throw it on the wall. This is not the first time that you lied to me, Olivia.

"Baka naman po may dahilan siya boss kaya nagsinungaling siya." Zion commented.

"Oo nga po boss. Baka lang naman may kino-confirm lang siya kaya hindi niya pa masabi sa inyo." Alexander said.

"Baka naman may prino-protektahan boss kaya hindi niya masabi ang totoo. Kapag sinabi niya pwede pong mapahamak ang gusto niyang protektahan." Syrus said.

"Know everything about them. I'll be the one who's going to handle my dear Olivia." I commanded then went on my way.

I don't want something to happen to you just like the last time.

CHARLOTTE'S POV

Nakarating na kami sa bahay at pumasok sa loob. Naabutan ko pa sila lala na nasa sala.

"Hello po." Bati ko at ngumiti sila sa'kin. Lumapit ako at nakipag-beso sa kanilang lahat.

"Nandito na ang prinsesa namin!" Masayang saad ng isang lalaki at niyakap ako ng mahigpit.

"Richmare, tama na at baka hindi na siya makahinga dahil sa yakap mo." Sita ni lala sa kaniya.

"Na-miss ko 'yong bestfriend slash pinsan ko, lala. Hayaan mo na po akong yakapin siya." Sagot niya naman.

"Ahmmm..." Napatingin siya sa'kin at ngumiti ng matamis.

"Richmare Alish, mas matanda ako ng dalawang taon sa'yo pero ang tawagan natin ay baby." Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Baby, kasi mas bata ka kesa sa'kin. Totoo naman po 'yon diba, lala?" Tumingin ako kay lala at tumango siya.

"Alam ba ni Aize?" Tumango siya at mas lumawak ang ngiti niya.

"Pero kahit na gano'n, nagse-selos pa rin siya." Napatawa siya ng mahina. "'Wag kang mag-alala, kilala niya ako at alam niya kung ano ang relasyon nating dalawa." Paniniguro niya at tumango ako.

"La, una po ako. Princess, kita tayo bukas." Hinalikan niya ko sa noo at hinalikan niya na rin si lala at umalis na siya.

"Nandoon ang mommy mo, apo." Napatingin ako sa tinuro niya at tumango ako. Naglakad na ko papunta doon at kumatok muna.

"Pasok." Rinig kong saad ni mommy at pumasok na ko sa loob. Nakita ko siyang naka-upo sa upuan at may nakahandang mga biscuit at tsaa.

Umupo ako sa harap niya at nginitian niya ako ng matamis.

"Kanina pa kita hinihintay, anak. Nakuha mo na ba 'yong pinapabigay ko kay Arendelle?" Pinakita ko sa kaniya 'yong flash drive.

"Nandiyan ang ibang ebidensya tungkol sa pagpatay sa pamilya ni Albert. Pakibigay na lang sa kaniya." Tumango ako at nilagay sa loob ng wallet ko.

"Mga Constantine po ba ang pumatay sa kanila?" Umiling siya.

"Pinapatay lang sila sa mga Constantine dahil sa isang utos. Kumukuha pa ko ng iba pang ebidensya para mahanap kung sino ang nag-utos sa kanila." Sagot niya.

"Pero may naiisip po ba kayo, mommy?" Tumango siya at may kinuha siyang folder at nilapag 'yon sa lamesa.

"Ito ang naiisip ko. Kasamahan siya ng tatay niya dati pero namatay siya sa isang aksidente." Tinignan ko 'yong picture at may nakita akong matandang lalaki.

"Kasamahan po siya ng tatay ni daddy?" Tumango siya.

"Namatay siya sa isang car aksidente na ikinasawi ng buhay niya at ang sinisisi ay ang tatay ni Albert kahit na wala siyang kinalaman doon." Sabi niya pa.

"Bakit po siya ang sinisisi nila?"

"Dahil siya ang huling nakita nila na kasama ng lalaking 'yan." Nakita kong galit siya sa mga kalaban ni daddy.

"Tumutulong kami kanila Albert nang patago para hindi nila malaman ang tungkol sa'kin." Paliwanag niya at tumingin siya sa'kin.

"Kaya ikaw ang magiging daanan ko para matulungan si Albert at po-protektahan kita mula sa kanila. Ayokong mawala ka sa'min, anak." Tumango ako.

"Bu-buoin pa natin ang pamilya natin kaya hindi ko kayo pabababayaan." Sinserong saad niya at tumayo siya para lapitan ako. Niyakap niya ko ng mahigpit.

"Mi'lady, pasensya na po sa istorbo pero may nagpupumilit na alamin kung nasaan ang princess." Napatingin kami sa nagsalita.

"Ashworth..." Kumunot ang noo ko nang narinig ko 'yong apilyedo ni Aize.

"'Wag niyong hayaan na malaman nila dahil ayokong malaman ni Albert. 'Pag nalaman ng mga Ashworth ang tungkol dito ay alam kong sasabihin nila 'yon kay Albert." Sabi ni mommy.

Napatingin ako sa phone ko nang naramdaman kong nag-vibrate 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang nabasa 'yong text niya.

•••• END OF CHAPTER 33. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora