Chapter 31.

7.6K 154 2
                                    

Date Published: May 9, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 31.

BLAIZE'S POV

I'm here inside Mr. Alcaide's office, I saw hin reading a paper seriously and I just stand here waiting for him to be ready to talk.

"Anong kailangan mo?" He asked while still reading the paper that he's holding.

"About what happened a while ago, I'm sorry if I didn't ask permission but I really love your daughter, Mr. Alcaide." I told him. He put down the paper and looked at me.

"Alam kong mahal mo ang anak ko, Blaize. Nakita ko 'yon nang nawala siya for three years." He said. He sighed.

"Ikaw na ang bahala sa anak ko, Blaize. Panindigan mo 'yang aksyon mo." I nodded at him.

"I'll marry her after graduation, Mr. Alcaide. I'll take care of her." I said then went on my way, smiling widely.

CHARLOTTE'S POV

Onti-unti kong minulat ang mga mata ko at napahawak ulit ako sa noo ko. Dahan-dahan akong umupo at napatingin sa paligid.

Hospital room? Anong ginagawa ko dito? Paano ako nakapunta dito?

"Ah, you're awake." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si tito Winston na may dalang pagkain. Naglakad siya palapit sa'kin at binigay ang tray na hawak niya.

"Kain ka na. Alas dose na kaya alam kong nagugutom ka na." Sabi niya at kinuha ko na 'yong kutsara't tinidor. Nagsimula na kong kumain.

~~~~

Tapos na kong kumain at umiinom ako ng strawberry shake. Napatingin ako sa kaniya at nakatingin lang din siya sa'kin habang nainom ako.

"So, the reason why nawala ka ng three years ay dahil sa nagka-amnesia ka." Tumango ako.

"Is that because of the accident?" Tumango ulit ako. Nakita kong lumungkot ang mukha niya.

"Who did this? Who wants to kill you and my sister?" Tanong niya pa ulit.

"Constantine. Sage Constantine." Sagot ko at napahawak ulit sa noo ko. "Are you okay? I'm sorry kung ang dami kong tinatanong." Umiling ako.

"Okay lang po tito. Pakiramdam ko lang po kasi ay parang may nakakalimutan ako eh." Sabi ko naman.

"'Wag mo munang piliting maka-alala. Ayos lang kung hindi mo pa naalala lahat ngayon." Sabi niya at narinig kong bumukas ang pintuan.

May nakita akong mga pamilyar na taong pumasok sa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong babae na matagal ko nang gustong makita ulit.

Naramdaman kong may tumulong luha mula sa mga mata ko at agad akong tumayo at niyakap siya.

"M-mommy." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman kong niyakap niya rin ako at hinalikan sa buhok.

"Baby, masaya akong makita ka ulit." Bulong niya. Hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil sa nakita ko ulit siya.

"Akala ko po patay ka na. Prinotektahan mo po ako no'ng bumangga ang sasakyan sa truck at saka po binaril ka po ni Sage." Sabi ko sa kaniya.

"Baby, kalma. Hayaan mo kong magpaliwanag." Umupo kami sa upuan at sumunod 'yong iba sa'min.

"No'ng araw ng aksidente ay alam kong nakita mo ang lahat ng 'yon. Tulad mo, nagka-amnesia din ako dahil sa pagbaril sa'kin sa ulo." Paninimula niya.

"No'ng nakita nila mommy na buhay ako ay agad nilang pinalabas na patay ako para hindi ako ma-target ng mga Constantine dahil alam ko kung sino ang pumatay sa pamilya ng daddy mo." Dugtong niya.

"Bakit hindi po alam nila daddy?" Tanong ko. "Dahil 'pag nalaman niya ay possibleng malaman din ng mga Constantine." Sagot niya.

"Bakit sinabi mo po sa'kin?" Nginitian niya ako. "Dahil ikaw lang ang makakatulong sa'kin para matulungan ang daddy mo." Sagot niya.

"Tutulungan natin si Albert at pagkatapos ng lahat, mabu-buo na ulit ang pamilya natin." Niyakap ko siya at napangiti.

"Balita namin na laging malungkot at kinukulong ni Albert ang sarili niya sa opisina simula nang nawala si Charlene, babawi na lang kaming lahat sa kaniya 'pag natapos na an lahat." Saad ni lala.

"Maiintindihan naman po ata ni daddy 'yong ginawa niyo, lala." Sabi ko at hinimas niya rin ang buhok ko.

"Naalala mo na po ba ang lahat, mommy?" Tumango siya. "May mga picture at videos kami kaya naalala niya ang lahat agad." Sagot ng isang babae.

"Ako nga pala si Mae. Pinsan mo ko at anak ni daddy Winston." Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya.

"Paonti-unti pa lang po ang naalala ko. Mabagal din po akong maka-alala kaya pasensya na po kung hindi ko po kayo naalala agad." Sabi ko sa lahat.

"Wala 'yon. Naiintindihan naman namin eh." Saad ng isa pang babae sa'kin.

"Anak, 'wag mong sabihin sa daddy mo ang tungkol dito ah." Tumango ako.

"Pero sabihin mo sa kaniya na mahal ko siya. Sobra. Siya lang at wala nang iba." Ngumiti ako at tumango.

"Una na po ako mommy. Saka pwede po bang makakuha ng contact sa inyo?" Binigyan niya ko ng papel at kinuha ko 'yon.

"Mommy, pwede po bang laging bumisita sa'yo?" Tumango ulit siya at niyakap siya ng mahigpit. "Alis na po ako." Sabi ko at naglakad na ko palabas mula sa kwarto.

~ ALCAIDE RESIDENCE ~

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong nakita si daddy na nagba-basa ng dyaryo sa sala.

"Daddy, may naalala lang po ako." Sabi ko at napatingin siya sa'kin. Binaba niya 'yong hawak niyang dyaryo at tumabi sa kaniya.

"Daddy, naalala ko po 'yong huling sinabi ni mommy bago po ako mawalan ng malay noon." Paninimula ko.

"Sabi niya po ay 'Sabihin mo sa kaniya na mahal ko siya. Sobra. Siya lang at wala nang iba'." Nakita kong napaluha ulit siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Napatingin ako kay CD na kakalabas lang ng kwarto niya at niyakap niya rin si daddy.

"Dapat pala hindi ko na lang sinabi 'yon." Bulong ko. Hinimas ni CD ang buhok ko.

"Mahal ko rin siya hanggang ngayon at hindi na magbabago 'yon." Sagot din ni daddy.

"Hindi na ko magmamahal ng iba. Sa inyo ko na lang uubusin ang oras at pagmamahal ko." Sabi niya at hinalikan niya kami sa noo.

"Sa Sabado, magba-bakasyon tayo. Family bonding. Sa resort na pinamana ng mommy niyo kay Cial." Tumango kami ni kuya.

"Kasama po sila kuya Craide?" Tanong ko. "Susubukan ko siyang kausapin kasi baka busy siya eh." Sagot niya at tumango ako.

"Tapusin niyo na lahat ng kailangan niyong tapusin para wala na kayong babalikan pa. Para ang babalikan niyo na lang ay ang graduation." Sabi niya pa at niyakap namin ulit siya.

"We love you, daddy." Sabi ni CD. "I love you too." Sagot naman ni daddy sa'min.

"Sige na. Tapusin ko lang 'tong pagbabasa ko at kakain na tayo. Magbihis na kayo." Tumayo na kami ni CD at pumasok sa sarili naming kwarto.

Pagkapasok ko ay agad kong kinuha 'yong papel at sinave ang number ni mommy doon.

To: Mommy

Nasabi ko na po kay daddy 'yong pinapasabi niyo. Sabi niya po ay ikaw pa rin po ang mahal niya at wala nang iba pa.

Pagkasend ko no'n ay nilapag ko na 'yong phone ko at nagbihis na.

•••• END OF CHAPTER 31. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now