Chapter 9.

3.4K 78 0
                                    

Date Published: May 23, 2020

CHAPTER 9.

CHARLOTTE'S POV

Tapos na 'yung gulo kanina, salamat kay CD dahil dumating siya kanina kasama ni Deon. Pinapagalitan ngayon ni CD si Sabby dahil sa ginawa nito.

"Mas stress talaga ako sa inyo kesa sa academics natin eh." Reklamo niya pa at tahimik lang ako dito. Sinamaan niya ko ng tingin.

"Ano na naman ang kasalanan ko ngayon? Tahimik na nga ako eh." Komento ko naman. "Kanina ka pa nandito pero hindi mo man sila pinigilan." Saad niya pa sa'kin.

"Ayokong madamay sa gulo kaya dito lang ako at nanood. Baka mamaya malaman ni kuya Craide at awayin din ako no'n." Komento ko pa.

Napabuntong hininga na lang si CD at nanahimik na. Wala din namang kwenta kasi kung manenermon siya pero wala namang nakikinig sa kaniya.

~~~~

Pagkatapos ng klase ay agad kaming dumiretsyo sa bahay nila Deon para gumawa ng mga school projects dahil sa sunod-sunod ang pagbigay nila ng mga ito.

Nakain kami ng miryenda ngayon nang may naalala akong itanong kay CD. "Kailan ko pala nakilala 'yung lalaking 'yon?" Tanong ko. Napatingin siya sa'kin

"Mga bata pa lang tayo ay kilala mo na siya. Magkaibigan kasi ang pamilya natin kaya ganiyan." Sagot niya.

"Bakit mo pala naitanong?" Umiling ako. "Matagal na tayong magkasama pero wala pa rin akong naaalala tungkol sa kaniya." Sagot ko.

"Masyado lang akong curious kasi lagi ko siyang napapaginipan at mukhang may relasyon kasi kami." Paliwanag ko pa.

"Sa susunod, makikila mo na siya. Masyado lang talaga siyang busy ngayon kaya hindi makapunta sa'tin." Tumango ako.

Nagpatuloy na lang ako ulit sa pagkain habang iniisip pa rin 'yung lalaki nang biglang sumakit na naman ang noo ko.

"Char?" Rinig kong tawag sa'kin ni CD. May nakita akong imahe pero sobrang labo nito kaya hindi ko din masyadong maipaliwanag.

Pinasandal ako ni CD sa balikat niya at hinimas naman ni Sabby ang buhok ko. Mas nilakasan naman ni Denzel ang electric fan.

"Ano ang naalala mo?" Tanong ni Dion sa'kin. "Malabo eh. Hindi ko rin maipaliwanag ng maayos." Sagot ko.

"Basta para siyang drawing kaso malabo talaga kaya hindi ko ma-explain." Dugtong ko pa. "Magpahinga ka na muna." Tumango ako at sumandal na lang kay CD.

BLAIZE'S POV

When I went home I saw mom and dad talking seriously. I creased my forehead when I saw them like that.

"What's wrong? Something wrong?" I asked curiously at them. They both looked at me then dad taps the sofa beside him.

I sat down and wait for them to talk. Dad sighed first. "We heard that Bladerina is still alive." He stated.

"Please, don't tell anyone about this first most especially Riel. Alam mo naman 'yon, masyadong malapit sa ate niyo." I nodded.

"Hindi pa kasi namin alam kung totoo ang nakalap naming impormasyon kaya hindi pa natin pwedeng sabihan ang iba para hindi sila umasa ng todo." I nodded.

"I understand, dad." I answered him when I stand up to prepare something. "Saan ka na naman pupunta? Kakauwi mo lang ah." Mom said.

"Don't worry. I'll just go and meet up with my dear Olivia." I answered then went on my way to prepare everything.

~~~~

I'm talking with Syrus and Zion about the mission. Blazen nii-chan told me that there is a member of Constantine who's following my dear Olivia when Blade went home.

"What happened?" He asked, confused. "I already found her and this is my only chance to have her again." I answered.

"Let me help you." He said and I smiled. "I was about to ask you, to be honest." He smiled at me then he listened to our plan.

~~~~

"Before I forgot, we have a mission to do." I stated. "There's someone who's been following her and we have to eliminate that person before it's too late." I added.

"I understand, onii-chan." He answered then went on our way.

CHARLOTTE'S POV

~ 8 PM ~

Late akong uuwi ngayon dahil sa may ginawa pa kaming project nila Sabby. Malapit na kasi ang pasahan kaya kailangan naming tapusin agad.

May mga group project at individual project din kaya naman nagtutulungan talaga kami ngayon na tapusin 'yon.

Iniwan ko si CD doon dahil hindi pa daw sila tapos at ako ay tapos na kaya naman pina-uwi na nila ako.

Tinawagan ko din daddy para malaman niya na late kaming uuwi ngayon para hindi siya nag-aalala at pumayag at naintindihan naman niya 'yon.

Naglalakad na ako pa-uwi sa bahay nang may nadaanan akong mga tao. Naka-upo sa sahig ang isang lalaki at pinatay ito ng isang lalaking nakatayo gamit ng baril.

Tumingin sa'kin 'yung mga pumatay nang bigla akong tumakbo paalis. "Habulin siya!" Rinig kong sigaw nila.

Napahinto ako sa sa isang eskinita nang biglang sumakit na naman ang ulo ko. Napasandal ako sa pader at napahawak sa noo.

~~~~

"What a good girl. You really know what to do, master." Sabi niya sa'kin. May hawak akong baril sa kanang kamay ko.

May isang patay na lalaki na nakahiga sa sahig. "Patay na 'yung target, boss." Sabi pa ng isang bagong dating na lalaki.

"We need to defend everything and everyone from them, master." Tumango ako do'n sa lalaki.

"Let's go home. Your parents must be worried about you, master." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"I'll take you home. I'm going to protect you from the Constantine." Sabi niya pa at dinala na niya ako sa kung saan.

~~~~

Napatingin ako sa harap ko at may nakita akong isang lalaking nakatayo doon. Hindi ko makita ang mukha niya. Wala din ako nakita na may hawak siya.

"I think; you should surrender now." Pamilyar ang boses niya. Hindi ko maalala kung saan ko narinig ang boses niya.

"Pakawalan niyo na lang ako. Hindi ko naman sinasadya na makita 'yun eh." Sabi ko. Bigla namang umulan ng malakas.

"No can do. I have to take you with me." Lumapit siya sa'kin at agad ko siyang sinuntok sa mukha.

Natamaan siya pero parang hindi siya nasaktan. Umatras ako at tatakbo na sana nang hinawakan niya ko sa kamay.

Sinipa ko siya pero naka-ilag siya. Hinila niya ko at niyakap mula sa likod. Dahil sa nasa likod ko siya ay gumalaw ako at tinulak siya sa pader.

Sinikuhan ko siya sa bandang tiyan niya at nabitawan niya ako. Tatakbo na sana ulit ako nang nahawakan niya ko sa bewang.

"Bitiwan mo na ako, boss!" Sigaw ko at nagtaka ako kung bakit binitiwan. Sinuntok ko ulit siya sa mukha at tuluyan na kong nakatakbo mula sa kaniya.

•••• END OF CHAPTER 9. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now