Chapter 52.

6.1K 106 2
                                    

Date Published: May 25, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 52.

CHARLOTTE'S POV

Kinabukasan ay pagkalabas ko mula sa kwarto, nakita kong maayos na ang lahat. Parang walang nangyaring gulo dito kagabi ah.

Naglakad na ko pababa ng hagdan at sinalubong ako ni Laurence. Sinamaan niya ulit ako ng tingin at hindi na pinansin pa.

Nagpatuloy lang siyang maglakad paakyat at pinanood ko lang siya. Ano kaya problema ng batang 'yon? Wala naman akong ginawa do'n ah.

Nagpatuloy lang ulit ako sa paglalakad at naabutan ko sila Silence at Pain na naglalampungan habang nasa harap ng hapag kainan. May nakita din akong dalawang sanggol na naka-upo sa isang mataas na upuan.

Aalis na sana ulit ako nang tinawag ako ni Silence. Naglakad ako palapit sa kanila.

"Kain ka na. Sabayan mo na kami. Ang bilis kasing kumain ni Laurence eh." Pag-aaya niya sa'kin.

Kahit na nakakahiya dahil sa naiistorbo ko sila sa paglalambingan nila ay umupo na ako at nagsimula nang kumain.

"Someone reported to me that they are now fine. They already defeated Constantine." Sabi ni Pain. Napangiti ako at tumango.

"I see. Thank you." Mahinang saad ko at pinaglaruan 'yong pagkain. Napabuntong hininga ako dahil sa umaasa akong susunod si Aize dito kahit na alam kong hindi.

"Don't worry. I'll be doing something for him to go here." Nakangising saad ni Pain at natawa ng mahina si Silence.

"Kaming bahala sa inyo. Nakagawa na kami ng plano." Kumindat sa'kin si Silence at niyakap niya si Pain.

"Yeah. We're going to do something, love. Let's do our best." Nakangiting saad naman ni Pain at hinalikan niya sa buhok si Silence.

"Pain, paano ka niya napa-amo? Parang dati unstoppable ka ah." Komento ko.

"Well, love hit me hard this time. That's why. I should change for her if I want her to stay with me forever." Nakangiting saad niya.

"Alam mo ba dati, lagi niya kong binibigyan ng threats saka lagi niya kong binu-bully? Sinabihan ko na nga siya ng psycho no'n eh." Pagkwento ni Silence.

"Psycho... Haha! Wawa naman. Psycho. To be honest, the right term should asshole." Komento ko.

"Tama. Kaso hindi ako nagmu-mura kaya psycho na lang." Natawa kaming dalawa at sumimangot si Pain.

"Love, just be thankful that I love you. Or else, I already punished you." Sabi naman ni Pain.

THIRD PERSON'S POV

Nandito ang lahat sa hidden organization at nag-uusap. Pinapaliwanag ng Red Emperor ang lahat.

"Ang nagtatag ng Hidden Organization na ito sila Ashel Lacosta, Rainiard Arcana, Alyana Aldous at si Stephen Ashworth." Paninimula ni Anna Lacosta.

"Lumaki ang org na 'to dahil lumalaki din ang isang pamilya at nagkakaroon ng maraming kaibigan kaya lumalaki ang alyansa. Kaya ganito na tayo karami ngayon." Dugtong niya pa.

"Ninuno namin ang gumawa ng org na 'to. Wow. Nagulat ako do'n ah." Komento ni Beryl.

"Hindi naging madali ang paggawa sa org na 'to dahil sa una ay magkalaban ang Arcana at Aldous." Sabi naman ni Meanne.

"I agree. Magkalaban ang Aldous at Arcana dahil sa business. Bwiset na bussiness 'yan." Komento ni Rochelle Lacosta.

"Magkaibigan naman ang Arcana, Lacosta at Ashworth." Dugtong niya pa.

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now