Chapter 26.

1.8K 49 1
                                    

Date Published: May 23, 2020

CHAPTER 26.

CHARLOTTE'S POV

Nandito na kaming lahat sa loob ng VIP room ng restaurant. Nakapag-order na din kami ng mga pagkain at inumin.

Nagpakilala din silang lahat kanina sa'min kaya alam ko na ang mga pangalan nila.

Kumakain lang ako ng tahimik dahil sa away pamilya nila 'yan at hindi naman ako involved diyan. Pero kanina ko pa talaga iniisip kung kailan ko nakita ang step-sister ni Rebecca.

Kanina ko pa talaga iniisip 'yon eh kaso hindi ko maalala kung kailan at saan. Uminom ako ng juice at kumunot ang noo ko.

"Stop staring at my fiance, Rebeline. Baka gusto mong ingudngud ko 'yang pagmumukha mo sa kinakain mong steak ngayon?" Napatingin ako kay Rebecca dahil sa sinabi niya.

Mukhang lumalaban na siya ah. It's about time na din naman para matuto siyang lumaban at protektahan ang dapat niya.

"Go Rebecca. Itaas mo ang bandera ng mga Aldous pagdating sa mga teritoryo nila." Kinagat ko ang labi ko para hindi matawa.

Kahit kailan talaga si ninong Beryl, laughtrip masyado. Mae-excite talaga ako 'pag nakita ko siyang nagseryoso bigla.

"Just like the way they raise their flags when it comes to the Arcana." Komento naman ni Aize.

"Itaas mo 'yong bandera mo bilang anak ni ninang Amber. Ipakita mo ang pagiging Amber 2.0 mo ngayon, Becca." Sabi naman ni kuya Blazen.

Natawa ako ng mahina dahil sa pagiging konsitidor ng mga Ashworth ngayon. Kahit kailan talaga may kaniya-kaniyang kalokohan din eh.

"Mga kunsintidor." Komento naman ni tito Silvan at napa-iling. Uminom ulit ako ng juice.

"If we are friends with the Arcana, baka ma-obsess din kami. Akalain mo 'yon? Kaibigan niyo 'yung pinakamayamang pamilya sa buong mundo." Komento naman ni Lance.

"And yes, you are friends with Pain and Chain." Sabi naman ni Riel. "And you're also friends with Rider." Dugtong niya pa kay Rebecca.

Speaking of Pain, si Pain lang ang medyo pamilyar sa'kin kaso hindi ko maalala kung anong klaseng tao siya.

"Dahil lang kay Kiel 'yon." Natawa naman ng mahina si Rebecca. "Before we forgot. We call all of you here to tell you that we're getting married." Pagbalita ni Riel.

Nagulat ako nang biglang nasamid si Aize mula sa tabi ko kaya naman hinimas ko ang likod niya. Sana naman ay wala siyang nakuhang isda.

"Boss, okay ka lang? Kaya natin 'yan. Ikakasal ka din soon." Sabi ko. Tumingin siya sa direksyon ko.

"With you?" Tumango ako sa kaniya habang nakangiti.

"Of course. Sa'kin." Sagot ko naman. Kanino pa ba siya dapat ikasal kundi sa'kin lang naman.

"No. Hindi ako papayag. May anak kaming dalawa." Pagtutol agad ni Rebeline. Nakita kong napangisi si kuya Blazen.

Tulad ng inaasahan, inimbestigahan agad niya ang mga Dela Fuentes para malaman agad ang mga dapat malaman na impormasyon.

"If I had sex with you, I shouldn't be here anymore." Sagot ni Riel.

"Why? Because I already died because of AIDS." Nakangising dugtong pa ni Riel. Nakita kong namutla si Rebeline dahil doon.

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now