Chapter 30.

7.8K 162 4
                                    

Date Published: May 9, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 30.

CHARLOTTE'S POV

Gano'n pa rin ang posisyon naming dalawa at ako na ang unang kumilos dahil sa nakaposas pa rin si Aize hanggang ngayon.

Tinanggal ko na 'yong posas mula sa pulsuhan niya at humiga na sa kama. Naramdaman kong gumalaw siya sa tabi ko at niyakap ako.

"My arms are so numb." Rinig kong reklamo niya. Natawa na lang ako dahil sa nangyari.

"Sorry." Sabi ko sa kaniya. "It's fine. As long as you've enjoyed it." Nakangiting sagot niya at natulog na ako.

THIRD PERSON'S POV

May isang lalaking nakatayo at nakatingin sa bintana habang nainom ng red wine.

"Boss, may utos po ba kayo?" Tanong ng isang babae. Hinarap sila ng lalaki at tumango.

"Patayin niyo na ang anak na babae ni Albert. Sa kaniya binigay ang mga ebidensya tungkol sa pagpatay sa kamag-anak ni Albert." Saad ng lalaki.

"Sige po boss. Masusunod po." Sagot ng isang babae at umalis na agad sila para gumawa ng plano.

CHARLOTTE'S POV

Naramdaman kong may mga matang nakatingin sa direksyon ko kaya naman minulat ko ng onti ang mga mata ko nang bigla akong nagulat dahil nandito silang lahat.

Nagtago ako sa ilalim ng kumot dahil sa mga tingin nila. Nandito sila Riel, ninong, ninang, CD at daddy.

"Sabi ko na nga ba at ito ang nangyayari kaya nandito ka lagi eh." Sabi ni daddy habang nailing.

"Susuntukin ko na talaga anak niyo, tol. Hindi man lang nagpapaalam sa'kin." Sabi naman ni daddy. Nakita kong gising na si Aize sa tabi ko.

"Good morning, my dear Olivia." Nakangiting bati niya. Napatingin siya kanila daddy ngumiti din.

"Good morning, everyone." Napa-iling na lang si Riel. Si CD naman ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Si daddy naman galit at sila ninong ay nakatingin lang kay daddy.

"Pakasalan mo ang anak ko. Kinakama-kama mo." Sabi ni daddy.

"Don't worry, ninong. I'm really going to marry her after graduation." Sagot ni Aize at naglakad na paalis si daddy. Sumunod naman sa kaniya ang iba pa pwera kay Riel.

"You caught me before, now I caught you." Sabi niya at napa-iling. "Now I know why you reacted that way before, nii-chan. It's really embarrassing." Naglakad na siya paalis.

"We have been caught. I should talk to your father." He said and he kissed me on my forehead at tumayo na siya.

~ IN THE SCHOOL ~

Tapos na ang exam ko para sa araw na 'to at kasama ko sila Sabby. Kanina pa nila ako inaasar dahil sa nalaman nila.

"Nakipag-sex ka kay Blaize. Natural naman talaga na magalit si tito Albert dahil do'n." Sabi ni Sabby habang nakain ng Lays.

"Okay, sabihin natin na ginawa nila 'yon, pero nasa tamang edad na sila at naka-ilang years na ba sila? 4-5 years?" Komento naman ni Denzel.

"Saka sabi naman ni Blaize na papakasalan niya si Char so, walang problema." Komento ni Deon.

"Pero ang gusto ni daddy kasi ay magpaalam. I mean, alam namin na may relasyon sila since Charlotte was 16 years old pero sana nagpaalam man lang." Sabi ni CD.

"Nagpaalam naman ako kay daddy ah. Nagtext ako sa kaniya." Napatahimik sila nang nagsalita ako. Napatingin sila sa'kin na para bang hindi sila makapaniwala.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Sabby. Kinuha ko 'yong phone ko at pinakita sa kanila. Binasa nila 'yong nakalagay sa phone ko at napanganga.

"Hindi ba nabasa ni daddy 'yan?" Tanong ni CD at may tinawagan siya sa phone niya.

"Yow, dad. Nagpaalam naman po pala si Char sa'yo. Ano po 'yong sinasabi niyong hindi sila nagpaalam ni Aize?" Tanong niya.

"Ano pong wala? May text pa nga po siya sa'yo oh." Sagot niya pa. Napalayo niya ang cellphone niya mula sa tenga. Mukhang nasigawan siya ah.

"Dyusko dad. Nagpaalam sa'yo tapos hindi ka naniwala tapos ngayon po magaalit kayo kasi hindi sila nagpaalam? Dad, kayo naman po pala ang may sira eh." Napakamot na lang ng ulo si CD.

"Opo dad. Sige dad." Sagot niya pa at binaba na niya ang cellphone niya at napahinga ng malalim.

"Nabasa ni daddy ang text, hindi niya lang sineryoso kasi akala niya joke." Iling-iling niyang saad.

Napatingin ako sa phone ko at binasa ang message na na-receive ko.

From: Lala

Charlotte, darling, please pumunta ka ngayon sa ospital na pinagmamay-ari ng tito Winston mo. Kailangan ka namin ngayon. 'Wag mong sasabihan ang kahit sino, ikaw lang dapat ang makaalam ng tungkol dito.

Kumunot ang noo ko nang nabasa ko 'yong message. Napatingin ako kay CD at tinanong "CD, sino si lala? Nakita ko lang ang name niya sa contacts eh."

"Lala? Mommy ni mommy, lola natin. Nagbu-bura ka ba ng mga number?" Tumango ako. "Tanungin mo lang ako kung may hindi ka pa naalala." Tumango-tango na lang ako.

"Sino naman si Winston?" Tanong ko ulit. "Kuya ni mommy." Sagot niya.

"Kakampi ba sila?" - Ako.

"Yes. Kakampi sila pero three years na sila hindi nagpaparamdam dahil hindi nila matanggap ang nangyari sa inyong dalawa ni mommy." Bakit bigla silang nagtext? Anong meron? May nangyari ba sa kanila?

"Biglang sumakit ang ulo ko. Uuwi na ako." Palusot ko habang nakahawak sa noo ko.

"Char, samahan ka namin kasi baka may mangyari sa'yo." Umiling ako.

"May mga exam kayo. Ayokong ma-miss niyo 'yon." Sagot ko at dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan ko.

Dahan-dahan akong naglakad paalis mula sa school. Naka sakay na ko ng jeep nang bigla kong naalala na hindi ko nga pala alam kung saan ang ospital na 'yon.

Nag back read ako sa messages at doon ko nakita ang ospital na tinutukoy ni lala.

"Bayad po. Sa Alish Medical Center lang po." Sabi ko at binigay na ang bayad.

~~~~

Bumaba na ko mula sa jeep at napatingin sa ospital. Maglalakad na sana ako papasok nang napansin kong may sumusunod sa'king apat na babae.

Pumunta muna ako sa eskinitang parte ng ospital at hinintay sila doon. Maya-maya lang ay dumating na 'yong mga babaeng nasunod sa'kin.

"Bakit niyo ko sinusundan?" Tanong ko. Agad kong sinuntok ang isa sa kanila nang napansin kong dudukot na siya ng baril.

Sinipa ko 'yong nasa likod at suuntukin ko na sana 'yong nasa kaliwa ko nang biglang may bumaril sa kaniya. Pinagba-baril silang apat at napatingin ako sa direksyon ng taong 'yon.

May nakita akong isang lalaki na naka lab coat at may hawak siyang baril. Parang medyo kasing edad niya si daddy at may maliliit siyang balbas sa baba.

"Sino ka?" Tanong ko at hinanda ang sarili ko. Kinunutan niya ko ng noo at dahan-dahang lumapit sa'kin.

"Charlotte, it's me. Winston. Tito mo ko. Kapatid ako ng mommy mo. Pinapunta ka ni mommy dito, diba?" Sabi niya sa'kin.

"Ikaw po si tito Winston?" Napahawak ako sa ulo ko at napaluhod nang nakaramdam na naman ako ng sakit ng ulo.

May nakikita akong mga imahe na kasama namin siya ni CD habang naglalaro. Magkasundo din sila ni daddy at inaalagaan niya si mommy.

"Charlotte? Ayos ka lang? Anong nangyari?" Maya-maya lang ay nandi-dilim na ang paningin ko nang bigla akong nawalan ng malay.

•••• END OF CHAPTER 30. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon