Chapter 2.

23.5K 529 6
                                    

Date Published: April 18, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 2.

CHARLOTTE'S POV

Nakain kami ngayon sa Jollibee at pinag-uusapan ang tungkol sa nangyari kanina.

"Sa lahat ng nakakaalam, bakit ikaw lang ang suspect nila?" Tanong ni CD. "Syempre. Alam nila na ayaw ko kay Kristina eh." Sabi ko sabay kain ng fries.

"Everyone hates her, to be honest." Sabi naman ni Sabby. "Sinubukan niya akong landiin eh. Kasi nga lang hindi ko siya type at ayokong magka AIDS." Sabi naman ni Deon.

"Buti na lang talaga at alam ko 'yung mga ginagawang katarantaduhan ng mga taong nandoon, kung hindi dapat naapi na nila ako." Sabi ko naman.

"Sa lahat pa naman ng ayoko ay ang naaapi ako." Dugtong ko pa. "As if naman na hahayaan naman naming mangyari 'yon." Nakangising saad ni Denzel.

"May nakita na ba kayo tungkol sa mga sinabi ko na naalala ko?" Pag-iba ko sa topic namin. "Lagi akong may napapaginipang lalaki." Dugtong ko pa.

"Naalala mo ba 'yung mukha?" Tumango ako sa tinanong ni CD. "CD, sabi mo matagal na tayong magkakilala diba?" Tumango siya.

"Baka may naaalala kang lalaki na medyo malapit o kaibigan ko." Sabi ko. Napabuntong hininga siya.

"Char, there are things na hindi ko masabi sa'yo dahil nga sa baka ma-stress ka o sumakit na naman ang ulo mo." Paninimula niya.

"'Wag mo munang pilitin na makaalala para iwas problema tayo." Kumain na lang ulit dahil sa sinabi niya.

"I really feel like na parang may tinatago ka - kayong lahat mula sa'kin." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

"Char, saan ka pupunta?" - Sabby.

"Char naman. Pag-usapan natin 'to." - Denzel.

"Char, 'wag ka munang umalis." - Deon.

"Char, ano ba? Para ka namang bata eh." Lumingon ako kay CD. "Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng walang maalala mula sa nakaraan mo." Paninimula ko.

"Kaya kung ayaw niyong magsalita pwes ako na mismo ang maghahanap sa mga sagot mula sa tanong ko." Umalis na ko mula sa harap nila.

Lumabas na ako mula sa mall at sumakay na ng jeep pa-uwi sa bahay. Nagbayad na ko ng pamasahe at sumandal sa upuan.

Napatingin ako sa bata na nasa harap ko at nakita kong nakangiti siya sa'kin. Nginitian ko rin 'yung bata. Kinuha ko 'yung phone ko at nakita kong 3 pm na.

Patay na naman ako nito sa mga umampon sa'kin. Sasaktan na naman nila ako dahil late na naman akong umuwi.

Pagbibintangan na naman nila ako. Ako na naman ang kumuha ng pera nila na sila din mismo ang gumagastos. Ayoko na talaga.

Pumara na ako at bumaba mula sa jeep. Naglakad na ko pa-uwi sa bahay. Palapit pa lang ako ay nakita ko na silang dalawa na naka-abang sa labas.

Masasabunutan na naman ako nito. Agad akong nilapitan ni mommy at sinabunutan. "Nandito na ang magnanakaw natin!" Sigaw niya.

"Ano na naman po ang kinuha ko? Wala po akong kinukuha!" Sabi ko. Inutog ako ni mommy sa pader at nakaramdam ako ng hilo.

"Kunin nga natin ang wallet niyan! Baka nandiyan ang 500 ko!" Sigaw ni daddy at tinulak ni mommy kaya napahiga ako sa sahig.

Dahil sa nakakaramdam pa ko ng hilo ay hindi ako nakatayo agad.

"Walang laman ang wallet niya. Ginastos na niya kaya wala na dito!" Pinagsisipa ako ni daddy at hindi ako lumaban.

Kahit na ganiyan sila ay nire-respeto ko pa rin sila bilang magulang ko. Lalayas na lang ako para hindi na nila ako masaktan pa.

"Dito ka sa dark room! Hindi ka lalabas, hindi ka kakain hangga't hindi bumabalik ang pera ko!" Hinila ako ni daddy papasok sa isang madilim na kwarto at ni-lock ang pintuan.

Sa sobrang dilim ay wala akong makitang kahit ano. Napa-pikit na lang ako mga mata at nawalan na ko ng malay.

~~~~

May isang pamilyar na lalaki na nasa harap ko. Binigyan niya ko ng rosas at kinuha ko 'yun. Ang ganda ng ngiti niya.

"Happy anniversary, master." Nakangiting saad niya. Hinalikan ko siya at nag-umpisa na kaming kumain.

Boyfriend ko pala 'yung lalaki. Nasaan na kaya siya ngayon? Bakit kaya wala siya dito? Akala niya ba ay patay na ako kaya wala siya?

Unti-unti nang nawawala ang mga imahe hanggang sa nandilim na ang paligid.

SABRINA'S POV

Kanina pa kami nagbabangayan dahil sa nangyari. Bakit kasi hindi na lang namin sabihin sa kaniya ang lahat? Nakaka-inis naman kasi 'tong si CD.

"Langya naman. Bakit kasi hindi na lang natin sabihin sa kaniya ang lahat? May nalalaman pa kayong stress-stress eh." Reklamo ko.

"Oo nga naman. Kesa naman sa mas lalong magalit sa'yo 'yung kapatid mo." Komento ni Denzel.

"Saka tandaan mo, sinasaktan ng mga taong 'yun si Char. Sige ka. Bahala ka diyan. Baka sabihin niya wala kang kwentang kuya dahil hinayaan mo lang na masaktan siya." Sabi ni Deon.

"Wala naman talagang kwentang kapatid 'yan eh. Kasi kung talagang meron, edi, dapat sa una pa lang ay nilayo na niya agad si Char doon." Komento ko.

"Kapag talaga 'yan nalaman ni kuya Craide, patay ka na naman doon." Dugtong ko pa at tumango sila Deon sa'kin.

"Oo na. Kasalanan ko na. Kasalanan ko na lahat!" Badabog siyang tumayo at naglakad na siya paalis. Nagkatinginan lang kaming tatlo.

"Kapag talaga 'yun lumayo ang loob sa pamilya niya, sila lang din ang dapat sisihin." Sabi ko pa at uminom ng coke.

CD'S POV

Sumakay na ko sa sasakyan at pinaandar 'yun. Pumunta na ko sa bahay nila Char para kausapin siya. Nakakainis naman.

Sana naman ay hindi magalit 'yun o kaya sana hindi lumayo ang loob no'n sa'min ni dad. Kundi magkaka-problema kami.

"Cial, nasaan ka?" Rinig kong tanong ni dad. "Pupunta po kay Char. Sasabihin na po sa kaniya ang lahat." Sagot ko.

"Hindi. Dalhin mo muna siya dito at tayong dalawa ang magsasabi sa kaniya." Sabi niya.

"Okay po. Dalhin ko po siya sa bahay. Sunduin ko lang siya." Sagot ko at pinatay na 'yung tawag. Sana naman ay nandoon din si kuya. Matagal nang nawala 'yon sa bahay simula nang nawala sila mommy.

~ WALKER'S RESIDENCE ~

Nakarating na ko sa bahay nila at bumaba na ako. Lumapit ako sa pintuan at kumatok. Binuksan naman 'yun ng isang babae.

"Hello po. Pwede po ba kay Charlotte?" Nakangiting saad ko. "Hindi siya pwede ngayon kaya umalis ka na." Sinara na niya 'yung pintuan.

Napabuntong hininga na lang ako at naglakad paalis. Napatingin ako sa isang bintana at may nakitang kakaiba doon.

Naglakad ako palapit at sumilip. Ang dilim naman sa kwartong 'to. Napatingin ako sa paligid at wala akong nakitang tao kaya dahan-dahan ko 'yun binuksan.

Pagkabukas ko ay nakita ko 'yung kapatid ko na nakahiga sa sahig at walang malay. Pumasok na ako sa loob. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at binuhat.

Tinakas ko na siya mula sa kwartong 'yun at isinakay sa sasakyan. Sumakay na rin ako at agad pinaandar.

•••• END OF CHAPTER 2. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon