Chapter 25.

1.8K 50 0
                                    

Date Published: May 23, 2020

CHAPTER 25.

CHARLOTTE'S POV

Nakauwi na kami ni daddy mula sa ospital at agad na sumalubong sa'kin sila Aize at CD sa sala. Niyakap ako ni Aize.

"Are you okay now?" Tumango ako at ngumiti. "Ayos lang ako Aize. 'Wag ka nang mag-alala." Sagot ko.

"Ano po ba nangyari, dad?" Tanong naman ni CD. "Pati rin po si kuya Craide ay nag-alala din no'ng nalaman niya." Dugtong niya pa.

"May naalala siya tungkol kay Bladerina."

"What about her?" Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at kinuha ang isang envelope sa isang shelf at lumabas ulit.

Inabot ko 'yon kay Aize at kinuha naman niya 'yon. Hinalikan niya ko sa noo at ngumiti.

"Take a rest, okay?" Tumango ako. "I'm going home. Take some rest." Hinalikan niya ulit ako sa noo at umalis na siya.

Hinatid naman ako nila daddy papunta sa kwarto ko para patulugin ako.

~~~~

Naalimpungatan ako mula sa isang panaginip hindi - isang alaala na naman. Napa-upo ako sa kama at bumangon mula sa kama.

Naglakad palapit sa mga shelf at may hinanap doon. Naalala ko ang tumgkol sa kapatid ni Rebecca. Nang nakita ko na 'yong hinahanap ko ay agad kong binasa 'yon.

~ NEXT DAY ~

Nabyahe kami ngayon ni Aize papunta sa isang restaurant. Sabi niya ay pinapapunta daw kami ni Blade doon ngayon.

"Ano pala meron at pinapapunta tayo doon?" Tanong ko. "I have no idea too. He just said 'tell everyone', that's it." Napatango ako.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa restaurant at agad kong nakilala 'yon. "Restaurant ng mga Aldous?" Tanong ko.

"Remember anything?"

"Kay tita Crescentia 'to kung hindi mali ang naalala ko."

"Yup. You're correct about that." Pinatay na niya 'yung makina ng sasakyan at bumaba na din ako. Nakita ko sila RIelliere na naglalaro sa labas ng restaurant.

Lumapit ako sa tatlong bata at tumingin sila sa'kin. Nginitian ko sila at agad tumayo si Rielliere.

"Auntie! I miss you so much!" Niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik at tumingin sa dalawang bata.

"Hello, ano pangalan niyo?" Tanong ko. "I'm Keath and he's Heikt." Sabi ni Keath at hinimas sila sa ulo nila.

(Note. Hey-kt po ang pronunciation ng Heikt. Ke-at naman po ang Keath.)

"They are my baby brothers, auntie." Napa-isip ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa dalawa at hindi naman nila kamukha si Riel.

"Master, let's go." Napatingin ako kay Aize at nakita kong nakatingin din siya sa dalawang bata. "Uncle! Meet my two baby brothers!" Lumapit si Rielliere kay Aize.

"Hello, kids. We should go inside now. Your parents must be worried about you." Sabi ni Aize at tumayo na sila Heikt.

Sakto naman ang pagdating nila kuya Blazen at sila ninong Beryl. Lumapit sila sa pwesto namin at napatingin kanila Heikt.

"Hello, kids." Bati ni kuya Blazen. Binuhat niya si Heikt at si tito Beryl naman ay binuhat si Keath at pumasok na kami sa loob ng sabay-sabay.

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon