Chapter 6.

4.9K 142 1
                                    

Date Published: May 23, 2020

CHAPTER 6.

CHARLOTTE'S POV

Nagising ako ng mga bandang alas-dos ng madaling araw dahil sa may narinig akong nagbukas ng pintuan.

Tumayo ako at tinignan kung sino ang dumating. Sumilip muna ako mula sa kwarto ko at may nakita akong isang pamilyar na lalaki.

Hindi ko maalala kung sino siya pero pamilyar siya para sa'kin. Konting ilaw lang ang nakabukas pero kita ko pa rin ang mukha niya.

Sinuot niya na 'yung salamin niya at magbabasa na sana nang tumingin siya sa direksyon ko. Sinara ko na 'yung pintuan.

May narinig akong katakot sa pintuan at binuksan ko ng onti 'yon. Nakita ko siyang nakatayo sa harap at halatang gulat na gulat.

"Lotté?" Mahinang tawag niya sa'kin. Kumunot ang noo ko dahil sa pamilyar ang boses niya para sa'kin.

Nakaramdam na naman ako ng sakit ng ulo kaya napahawak na naman ako. Napaluhod din ako dahil ako dahil sa sobrang sakit.

(Note. Lot-ty po ang pronunciation ng Lotte.)

"Lotte! What happened?!" Unti-unti nang lumalayo ang boses niya hanggang sa nawalan na naman ako ng malay.

THIRD PERSON'S POV

Nagising si CD nang narinig niya ang ingay mula sa labas ng kwarto niya. Pagkalabas niya ay nagulat siya dahil nakita niya ang kuya nila.

"Himala. Umuwi ka ngayon." Komento ni CD at napatingin sa kaniya 'yung lalaki. "Just shut up and help me here." Lumapit na si CD sa kaniya.

Binuhat na ng kuya nila Charlotte at inihiga sa kama nito. Tumawag naman si CD ng doktor para tignan ang kondisyon ni Charlotte.

"I have no idea that she's finally back." Komento ng lalaki. "Well, halos isang linggo na siyang nandito pero kahapon lang siya nagising." Sagot ni CD.

"What do you mean?"

"Halos four days siyang tulog dahil sa nakita ko siyang walang malay at halatang sinaktan siya physically ng mga kumuha sa kaniya."

"Damn those people. They'll pay for this." Hinawakan ni CD ang kuya niya sa balikat. "Kuya, bago 'yan, magpakilala ka muna sa kaniya para hindi siya matakot sa'yo." Tumango ang lalaki.

"I'll stay here with her. You may go back to sleep. You have class tomorrow." Tumango si CD at umalis na siya.

~~~~

Maya-maya lang dumating na 'yong doktor na tinawagan ni CD at tapos na niyang tignan si Charlotte.

"Ang kulit niyo talaga. Sabi na ngang 'wag munang pilitin eh." Inis na saad ng doktor at napa-iling.

"We didn't do anything wrong thought. She just acted like that when she saw me." Sagot naman ng lalaki.

"Hayaan niyo na lang siya magpahinga muna. Una na ko. Okay na rin naman siya." Sabi nito at tumango 'yung lalaki.

"Thank you so much, Jake." Sagot nito at umalis na si Jake. Kumuha ng upuan 'yung lalaki at binantayan si Charlotte habang nagbabasa ng mga papeles.

CHARLOTTE'S POV

Nagising ako nang may nararamdaman akong init mula sa kamay ko. Napatingin ako doon at nakita ko 'yung lalaki kagabi na nakahawak sa kamay ko.

Sa hindi malaman na dahilan ay hinawakan ko siya sa buhok niya at hinimas 'yon. Nakita kong gumalaw siya at nagising.

Tumingin siya sa'kin at ngumiti ng matamis. Dahan-dahan siyang umayos ng upo at nag-inat ng buto.

"Good morning, Lotté." Nakangiting bati niya. "G-good morning, kuya." Mahinang bati ko naman. Hinalikan niya ko sa noo.

"Hello, I'm Craide Dio Alcaide, your big brother." Pagpapakilala niya. Hinimas niya ang buhok ko at napapikit ako ng mata.

"I'm happy that I finally see you again, little Lotté." Sabi niya pa at mas napangiti ako. "Pakiramdam ko ay kilala kita." Sabi ko.

"Parang gusto kitang yakapin at feeling ko ay na-miss kita ng sobra." Dugtong ko pa. Umupo ako sa kama at niyakap siya.

"Masaya akong makita ka ulit." Bulong ko pa at naramdaman kong hinalikan niya ko sa buhok. "Me too. I'm happy." Sagot niya.

Humiwalay na ko mula sa kaniya. "Kailangan ko nang mag-ayos bago pa ko mahuli sa klase." Paalam ko at tumango siya.

"Yeah. And I have to go because I have work to do." Sagot niya at tumayo na siya. Bumangon na ko at agad pumasok sa loob ng kwarto.

~~~~

Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko sila kuya Craide at CD na sabay nakain sa sala. Tumabi sa kanila at agad nila akong inabutan ng pagkain.

"Dad's not around because he has a meeting." Sabi ni kuya Craide. "Lagi namang maaga ang meeting lagi no'n simula nang nawala si mommy." Sabi naman ni CD.

"Hindi ba talaga siya madalas na uwi dito?" Tumango silang dalawa. "Ito nga nagulat pa ko kagabi nang nakita ko dito eh." Komento ni CD habang nakatingin kay kuya Craide.

"To be honest, I just went home because I'm too tired to drive back to my own home." Sagot ni kuya Craide.

"Baka naman may balak kang ipakilala sa'min ang mga anak mo?" Nagulat ako sa sinabi niya. "May anak ka na?!" Tumango si kuya.

"Later, after work, okay?" Tumango kami ni CD at tumayo na siya. "I have to go." Paalam niya at hinalikan niya kaming dalawa ni CD sa noo.

"Ingat." Pahabol ko at ngumiti siya. Nagpatuloy na kami sa pagkain ang tahimik.

~ 6 PM. ~

Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko sila CD at kuya Craide na nakikipaglaro sa dalawang bata. Lumapit ako sa kanila.

Napatingin sa'kin 'yung dalawang bata at agad lumapit sa'kin. "Auntie!" Sigaw nila at napangiti ako. Pumantay ako sa kanila.

"Hello, babies." Bati ko. "They are Aziel and Marcellus Alcaide." Pagpapakilala ni kuya Craide sa'kin ng mga anak niya.

"Hello, nice to meet you." Bati ko at umupo sa sahig. Hinalikan nila akong dalawa sa magkabilang pisnge ko.

"Ilan taon na kayo?" Itinaas ni Marcellus ang apat niyang daliri. "I'm eight." Sabi naman ni Aziel. Napangiti ako.

"Let's play auntie." Tumango ako. Magsisimula na sana kaming maglaro nang may nagbukas ng pintuan at napatingin doon.

Nakita namin si daddy na kakauwi pa lang at halatang pagod. Nang nakita niya kami ay agad siyang napangiti.

Lumapit siya sa'min at niyakap kaming lahat. "Buti kompleto kayo ngayon." Komento niya at umupo sa tabi ko.

"Grandpa!" Yumakap 'yung dalawang bata at ngayon ko lang naramdaman ang saya na 'to. Parang ayoko nang mawala 'to.

"Ayos ka lang ba, anak?" Napatingin ako kay daddy at tumango. "Bigla ka kasing tumahimik diyan. May nararamdaman ka ba?" Umiling ako.

"Okay lang po ako. Medyo nakakapanibago lang po kasi." Sabi ko naman. "Alam kong wala ka pang naaalala masyado kaya naiintindihan namin." Sagot niya.

"And besides, we have a lot of time to be together. No need to rush to remember us, little Lotté." Tumango ako kay kuya Craide.

"Opo." 'Yon na lang ang sinagot ko at nakipaglaro sa mga bata.

•••• END OF CHAPTER 6. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now