Chapter 11.

13.7K 302 1
                                    

Date Published: April 27, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 11.

CHARLOTTE'S POV

Magkayakap pa rin kaming dalawa at pakiramdam ko ay naging kalmado ang lahat. Pinikit ko ang mga mata ko at kumuha ng init mula sa kaniya dahil sa nilalamig ako.

Naramdmaan kong gumalaw siya at hinubad ang jacket niya. Nilagay niya 'yun sa balikat ko at sinuot ko naman. Napangiti ako sa kaniya.

"Thank you." Sabi ko. "Your health is one of my priorities, my dear Olivia." Bulong naman niya.

"Maybe your mind doesn't remember but your heart does." Nakangiting komento niya pa. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at pinasandal ulit sa dibdib niya.

Parang tama siya. Parang may alam ang puso ko nang hindi alam ng isip ko. Parang may naalala siya na hindi naalala ng isip ko.

"Anong ginawa mo pagkatapos na mangyari 'yon?" Tanong ko sa kaniya. "I searched everywhere for you. I never stop until now." Sagot niya.

"I'm messaging you on your social media accounts every single day. Hoping that you're going to open it." Dugtong niya pa.

"Matagal ko nang nabuksan 'yung FB ko. Binasa ko lang pero hindi ako sumagot kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa'yo." Sagot ko.

"It's fine. The most important thing is that you're here with me, my dear Olivia." Sabi naman niya.

Hinawakan ko ulit 'yung sugat niya sa labi. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Tinakot mo ko eh." Sabi ko sa kaniya.

"Don't worry. It's fine and I understand your reaction. Most especially that you saw something awful." Sabi naman niya.

"Bakit ba siya pinatay? Ano ba ang trabaho mo?" Tanong ko. "He is an enemy. Enemy of your father." Paninimula niya.

"We want to know something about that car accident because we know that it's not really a car accident." Kumunot ang noo ko.

"What do you mean? Na sinadiya talaga 'yun?" Tumango siya. "Your father has a lot of enemies. That's why there are a lot of people who want to kill you or your brothers." Sabi niya.

"Your brother - Craide, he's already eliminating everyone that he knows as an enemy." Dugtong niya pa.

"Hindi ka ba isa sa kanila?" Tanong ko. "Aray!" Pinitik niya ang noo ko. Hinimas ko 'yun dahil sa sakit ng pagkakapitik niya.

"Masakit 'yun ah." Hinampas ko siya sa braso. "Why would I kill you? You're the one that I want to be my wife." Sabi niya.

"Psh. Sungit mo talaga. Para kang nire-reglang babae." Sabi ko at humiwalay ako mula sa kaniya. Nag cross arms ako.

"I am one of the allies of your father, my dear Olivia. I am on your side, always." Sabi niya sa'kin.

"Alam niyo na ba kung sino ang pumatay kay mommy? Hanggang ngayon ay 'yun pa lang ang naaalala ko saka 'yung ibang alaala ko sa'yo." Sabi ko pa.

"Unfortunately, we still don't know. We have a suspect but we need more evidence. We really need your memory back but we can't force you to do that." Tumango-tango ako.

"Aize, dalhin mo ko sa mga lugar kung saan napuntahan ko na or natin o kaya napuntahan na namin ng pamilya ko." Tumango siya.

"On Saturday. You have class tomorrow, right?" Tumango ako. "Let's have a date on Saturday." Ngumiti ako at tumango ulit.

"Anong oras na ba?" Tanong ko at napatingin sa paligid. Nagulat ako nang nakita kong 10 am na kahit na madilim pa rin sa labas. Aalis na sana ako nang bigla akong hinawakan ni Aize sa kamay.

"There's no class today. Class suspended because of the rain." Sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa nalaman ko.

"Kailangan ko ng laptop. Baka may assignment na binigay sa portal namin." Tinuro na niya 'yung laptop niya at pumunta ako doon.

Bago ako umupo sa sahig ay pinigilan niya ako. Kumuha siya ng dalawang maliit na unan mula sa sofa at nilagay sa lapag. Umupo na ako at umupo na rin siya sa tabi ko.

Ginalaw ko na 'yung laptop niya at nakita kong litrato naming dalawa ang wallpaper niya.

"Anong meron no'ng araw na 'yan? Party? Date?" Tanong ko. Nakasuot ako ng puting dress at long sleeve ito. Nakasuot naman siya ng suit and tie na para bang um-attend kami ng kasal.

"That was your cousin's wedding. That's why we are wearing that kind of clothes." Sagot niya. Napatingin ako daliri ko na nasa picture at may nakita akong singsing.

Tinignan ko 'yung daliri ko na 'yun at wala naman akong suot na singsing. Hinawakan niya 'yun at may sinuot siyang singsing sa'kin.

Nakita ko na 'yun 'yung nasa litrato. Napatingin ako sa kaniya nang hindi makapaniwala.

"The police saw that during the accident. They gave it to me, so, I kept it for you." Paliwanag niya.

~~~~

"My dear Olivia, when you get older, will you marry me?" Tanong ni Aize sa'kin at tumango ako. "Yes. Of course, Aize." Sagot ko.

Nandito kami sa labas ng isang simbahan. May kinakasal sa loob at sinuot na niya ang singsing sa daliri ko habang nakaluhod siya.

Tumayo na siya at hinalikan ako sa labi. Nginitian niya ko at hinalikan sa noo.

"I'm going to be the best husband that you've ever dream of, my dear Olivia." Bulong niya sa'kin at niyakap ako.

~~~~

"My dear Olivia, are you okay?" Napatingin ako sa direksyon ni Aize nang narinig ko ang boses niya.

Nakita kong nag-aalala siya at napahawak ako sa noo ko. Pinasandal niya ko sa balikat niya at pinikit ko naman ang mga mata ko.

"I'm fine. May naalala lang ako." Sagot ko. "Naalala ko 'yung time na binigay mo sa'kin 'yung singsing. Nag propose ka." Dugtong ko pa.

"And you said yes. I won't let you change your answer just because you have amnesia, my dear Olivia." Sabi naman niya.

"Wala naman akong balak na bawiin 'yon." Tumingin ako sa kaniya at nagulat ako nang ang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.

"Maaalala ko ang lahat at walang magbabago." Dugtong ko pa at hinawakan ang pisnge niya.

"Pero bago 'yon, hahanapin ko muna ang pumatay kay mommy kung tama nga hindi aksidente ang nangyari no'n." Sabi ko.

"I'll help you. I'm always here for you." Seryosong saad niya at unti-unting lumapit ang mukha niya sa'kin nang biglang...

"Boss - shit!" Napahiwalay kami sa isa't isa nang may nagsalita mula sa likod namin. Napalingon kami sa nag-ingay at wala naman kaming nakitang kahit sino doon.

"Arestocres, get back here, you bastard!" Nagulat ako nang sumigaw si Aize at tumayo. Nang nawala na siya sa paningin ko ay napahawak ako sa pisnge ko.

Bakit ko nga ba hahayaan na mahalikan niya ko? Char, bakit ka naman ganiyan? Dapat hindi ka papayag na mahalikan niya mas lalo na't wala ka pang naalala masyado.

Huminga ako ng malalim at ginawa na 'yung assignment na nasa portal namin habang kinakalimutan ang nangyari.

•••• END OF CHAPTER 11. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon