Chapter 1.

28.8K 640 13
                                    

Date Published: April 10, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 1.

CHARLOTTE OLIVIA WALKER'S POV

Nasa room ako ngayon at nakikinig sa professor. Hindi ko alam kung bakit pero kanina pa siya turo ng turo pero wala namang nakikinig sa kaniya.

Maingay kasi ang buong klase kaya nagtataka ako kung bakit hindi man lang niya pagsabihan ang ang mga ito na manahimik at makinig.

"Naintindihan niyo ba?" Tumango lang ako at 'yung iba naman ay hindi siya sinagot o pinansin man lang. Nakita kong napabuntong hininga siya at kumuha ng mga index card.

Bingo. May recitation ngayon. Pinatunog ko na 'yung mga daliri ko sa kamay dahil handa ako sa recitation niya. Papasa na ako sa kaniya.

"Let's have a graded recitation, everyone." Tumahimik ang lahat dahil do'n. Nakita ko naman na kinakabahan at pinagpapawisan ang lahat dahil sa in-announce ni ma'am.

"One question with a correct answer equivalent to 100. Kaya sa mga bagsak sa mga quizzes pwede kayong bumawi dito dahil mas mataas ang percentage ng recitation kesa sa quiz." Paliwanag niya.

"Kapag nagkmali naman ay equivalent sa 0. Kaya it's either 0 or 100 lang ang grade ngayon kaya sana nakinig kayo sa'kin kanina." Dugtong niya pa.

Handa na talaga ako. Buti na lang at nakinig ako sa kaniya kanina dahil gusto kong bumawi sa grade. Malapit na kasi akong bumagsak sa kaniya kaya kailangan ko talagang bumawi.

Isa pa naman akong scholar dito sa school kaya kailangan ko talagang bumawi ngayon para hindi ako matanggalan ng scholarship.

"Let's start with Ms. Kristina." Pagtawag ni ma'am at nagsimula na kami sa recitation.

~~~~

Tapos na ang recitation at sa buong klase ay ako lang ang nakasagot sa mga tanong niya. Ako lang naman kasi ang nakinig sa klase niya at wala nang iba. Kaya naman nagbigay pa siya ng plus points sa'kin.

Mga nag-iingay lang naman ang iba saka nagce-cellphone lang kaya hindi sila nakasagot sa mga tanong ni ma'am.

Tumayo na ako at inayos ang bag ko. Next meeting ay may quiz kaya kailangan kong mag-review para bukas.

"Bitch, anong tinatawa-tawa mo diyan kanina nang hindi ako nakasagot?" May humawak sa braso ko at pinaharap sa kaniya. Nakita ko sila Kristina and friends.

"Huh?" Maang ko. "'Wag kang magkunwaring walang alam. Bakit mo ko tinatawanan kanina?" Ulit niya sa tanong niya.

"For your info, hindi ikaw ang tinatawanan ko, ang sagot mo." Sagot ko sa kaniya at nag cross arms. Nakita kong napangisi siya.

"Ganiyan ka ba talaga umasta 'pag may naaagaw ako sa'yo?" Hindi niya makapaniwalang tanong. "At ano naman ang naagaw mo mula sa'kin?" Tanong ko.

"The guys in school. Lahat sila ay gusto akong maka-sex at hindi ikaw." Tinawanan ko siya ng malakas. "To be honest? Wala akong pake kung halos lahat ng lalaki dito ay natikman mo na."

"I don't give a fuck if laspag ka na or not, Kristina." Ginaya ko 'yung pagsasalita niyang maarte. Umikot ako sa kaniya ng dahan-dahan at hinawakan siya sa buhok niya.

"And I don't give a fuck if you can have all of the boys here. Kasi I don't need a man. Kaya kong mabuhay nang hindi ako kumakapit sa mga lalaki. I'm not like you, Kristina." Bulong ko sa kaniya.

Kinuha ko na 'yung bag ko at naglakad na paalis nang biglang may naalala ako kaya lumingon ako sa kaniya.

"And by the way, there is a sex scandal that was circulated on the internet. I think you should check that out, slut." Naglakad na ko paalis pagkatapos kong sabihin 'yon.

~ IN THE SOCCER FIELD ~

Naka-upo ako sa isang bench sa soccer field dahil sa dito ako lagi nagpapahangin pagkatapos ng klase. Wala kasing masyadong tao dito kaya lagi akong nandito.

Wala namang laban ang soccer team kaya walang practice ngayon. Napapikit ako ng mga mata at dinamdam ng sobra ang malamig at preskong hangin.

"Char!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakita ko si Sabby na tumatakbo palapit sa'kin. Tumabi siya at kinuha ang phone niya.

"Nakita mo na ba 'yung scandal ni Kristina? My gahd. In-upload ng lalaking naka-sex niya dahil sa sobrang laspag na raw niya." Pagkwento niya.

"Hindi ako interesado sa mga ganiyan, Sabby." Sagot ko habang nakatingin sa malayo. "May problema ba, Char?" Umiling ako.

"Inaalala ko lang 'yung mga alaalang nawala sa'kin. 'Yong mga alaalang nakalimutan ko dahil sa isang car accident, three years ago." Sagot ko.

Napahawak ako sa noo ko at napapikit. "Meron akong mga panaginip tungkol sa isang lalaki na mukhang kilala ko pero hindi ko maalala kung sino siya." Sabi ko pa.

"Naalala ko ang mukha niya kaya gusto ko siyang makita o maalala man lang para matanong ko siya tungkol sa pagkatao ko." Dugtong ko pa.

"Bakit hindi sa mga umampon sa'yo?" Tanong niya at umiling ako. "Hindi nila ako sinasagot. Lagi pa nila akong sinasaktan kaya ayokong tanongin sila." Sagot ko.

"Ang tanong, saan mo makikita o mahahanap ang lalaki na nasa panaginip mo?" Umiling ako. "Wala akong idea. Kaya nga hinihingi ko ang tulong nila CD." Sagot ko sa kaniya.

"Char! Sabby!" Napalingon kaming dalawa dahil sa tumawag sa'min at nakita namin sila Deon, Denzel at CD.

"Char, pinapatawag ka office ng department natin." Sabi ni Denzel. "Bakit daw?" Tanong ko. "Ikaw ang sinisisi ng mga magulang ni Kristina sa pagkalat ng scandal." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

"Samahan ka namin, Char." Tumango ako at naglakad na kami papunta sa office.

~ IN THE OFFICE ~

Nasa harap ko na ang mga magulang ni Kristina at si Kristina mismo. Nandito din ang advicer namin at ang dean pati na rin ang guidance.

Nakasandal ako sa pader at naka cross arms habang nakatingin sa kanilang lahat. Nakaabang sa labas sila Sabby at iba pa at nakikinig.

"Totoo ba na ikaw ang nag upload ng scandal nila, Ms. Walker?" Tanong ng dean. "Paano naman ako ang mag a-upload? Wala naman ako sa pinangyarihan ng krimen." Sagot ko.

"Kung hindi ikaw ang nag upload no'n, bakit alam mo ang tungkol do'n?" Galit na tanong ng nanay ni Kristina.

"Syempre, nakita ko kahit na ayoko. My virgin eyes, my gahd." Sabi ko habang pinupunasan ang mga mata ko.

"Saka kung 'yan din naman po pala ang basehan niyo bakit ako lang ang pinatawag niyo? Lahat ng estudyante pinag-uusapan 'yon ah?" Nakangising saad ko.

"Wala ka talagang galang bata ka!" Sigaw ni Ms. Guidance. "At kayo meron?" Pabalik kong tanong.

"Sino nga ba ulit ang nangungurakot ng pera sa mga estudyante para pumasa sa subject nila? Sino nga ba ang gumagamit ng posisyon nila para mangmaliit ng estudyante?" Tanong ko.

"Lumabas ka na nga, Ms. Walker!" Napangisi ako nang pinalabas na nila ako. Naglakad na ko paalis at pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko sila DC doon.

"Tara na." Pag-aya ko at naglakad na kami paalis mula sa lugar na 'yon.

•••• END OF CHAPTER 1. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon