Chapter 34.

7.8K 158 1
                                    

Date Published: May 11, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 34.

CHARLOTTE'S POV

From: Ninang Scarlett

I know that you're there sa bahay ng mga Alish kaya hindi na kita iistorbohin pa. Nag-aalala lang si Blaize kaya nandito kami sa tapat ng bahay nila.

Tumayo ako at nagulat si mommy sa ginawa ko.

"Nasa labas po si ninang." Sabi ko sabay takbo palabas ng bahay. Naabutan ko pa silang dalawa ni Aize na nakatayo doon.

"Ninang, Aize, a-anong gingawa niyo po dito?" Tanong ko sa kanila. "Si Blaize kasi ay akala niya may tinatago ka sa kaniya." Napatingin ako kay Aize.

"Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo 'yong totoo. Kasi baka gusto mong sumama eh. Gusto ko pa naman makapag-isa para hindi ako laging naka-asa sa'yo." Sabi ko.

"Ayon naman pala, Blaize. Masyado kang paranoid." Sabi naman ni ninang.

"I'm sorry, master. I didn't mean to do something like this." Hinalikan niya ko sa noo.

I'm sorry kung nagsisinungaling ako sa'yo. Kailangan ko lang talagang protektahan si mommy sa kahit anong paraan.

"Ano Blaize? Tara na ba?" Tumango si Aize kay ninang. Hinalikan ko si Aize sa labi niya at pumasok na silang dalawa ni ninang sa loob ng sasakyan.

"I love you." Sabi ni Aize sa'kin nang nakasakay na siya. "I love you more." Ngumiti siya at umandar na 'yong sasakyan.

Bumalik na ko sa loob ng bahay at bumalik sa kwarto ni mommy. Tumabi ako sa kaniya.

"Nakita ko 'yong halik, baby. Ang baby ko ay hindi na baby." Pinisil-pisil niya 'yong pisnge ko.

"Gumagawa na ba kayo ng baby ni Blaize?" Bigla akong namula dahil sa sinabi niya.

"M-mommy naman. Anong klaseng tanong po 'yan?" Tanong ko pabalik. Natawa siya ng mahina at sumeryoso ang mukha niya.

"Baby, alam mo kung gaano kita kamahal. Gusto kong gumawa ka ng pamilya mo kasama ang taong mahal mo." Tumango ako.

"Ayos lang sa'kin kung ginagawa niyo ni Aize 'yon ngayon kasi nakikita ko naman kung gaano niyo kamahal ang isa't isa."

"Pero maging responsable ah. Hindi 'yan laro-laro lang." Tumango ako. Hinalikan niya ko sa noo at niyakap ulit.

"Mag-ingat ka kay Blaize dahil malakas pa naman makaramdam 'yan." Bulong niya at humiwalay sa'kin.

"Sa tingin niyo po ba, nahahalata na niya?" Tumango siya at uminom ng tsaa.

"Knowing him, alam kong may gagawin siyang hakbang na alam kong mapipilitan kang magsalita." Napabuntong hininga siya.

"Nagmana pa naman si Blaize kay Beryl na nagamit ng dahas para lang malaman ang gusto niyang malaman." Uminom ulit siya ng tsaa.

Kumuha ako ng biscuit at kinain 'yon. Tinikman ko rin 'yong tsaa at nasarapan.

"Ang sarap." Komento ko.

"Mag-ingat ka sa boyfriend mo, anak. Hindi niya pa pinapakita sa'yo ang totoong siya kaya 'wag kang pakampante." Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Parehas lang sila ni Beryl. Best friend ko si Beryl mula pagkabata, anak kaya alam ko ang tungkol diyan." Dugtong niya pa.

"Anong klaseng tao po ba si ninong?" Tanong ko. Narinig kong tumawa siya ng mahina at uminom ulit ng tsaa.

"Isa siyang mabait at maalagang kaibigan pero isa rin siyang uri ng tao na 'pag hindi nakukuha ang gusto ay idinadaan sa dahas." Paninimula niya.

"Kapag lalaki ka, torture, 'pag baabe naman rape, 'pag kaibigan threats at 'pag may relasyon kayo ay to-torturin ka rin niya gamit ng katawan mo hanggang sa sumuko ka." Napalunok ako.

"Gano'n din si Blaize three years ago. May nahuli kaming kalaban na umaaligid sa bahay natin at nahuli siya ni Blaize."

"Ginawa niya rin ang ginawa ni Beryl noon. He's maybe caring and a gentleman for you but the real him isn't, anak." Huminga siya ng malalim.

"See it for yourself. Doon mo lang malalaman kung gusto mo ba talaga siya makasama habang buhay o hindi. Kasi no'ng nakita ni Scarlett ang side ni Beryl no'n, nag dalawang isip siya."

"Paano po sila nakasal?" She smiled.

"Na-realize niya na mahal niya eh. Tinanggap niya din na hindi magba-bago si Beryl dahil gano'n na siya. Ang tanging magagawa na lang niya ay ang intindihin, suportahan siya at hindi siya iwan."

"Kapag hindi mo na kayang itago ang totoo, umamin ka na. Ayos lang naman. Ayokong ma-guilty ka dahil nagsi-sinungaling ka kay Blaize." Tumango ako.

Kumain na lang kaming dalawa at uminom ng tsaa.

~ 7 PM ~

Nandito na ko sa bahay na sinabi ni Aize at binigyan ako ni mommy ng damit na pang date. Tube 'yon at above the knee ang haba. Naka puting heels din ako na hinanda ni mommy para regalo sa birthday ko.

May nakita akong nakahandang mga pagkain sa isang lamesa at nagulat ako nang may yumakap sa'kin sa mula likod.

"Good evening, my dear Olivia." Bulong niya sa'kin. Inabutan niya kong isang boquet ng rosas. Tinanggap ko 'yon at hinalikan siya sa pisnge.

"Pinaghandaan mo 'to ah. Saka ang dami mong bahay." Komento ko pa. Inalalayan niya kong umupo sa upuan at umupo na rin siya sa harap ko.

"How's your visit with your relatives?" Tanong niya habang nainom ng red wine. Ito ba 'yong sinasabi ni mommy sa'kin kanina?

"Medyo may naalala naman ako. Ang cute ni Richmare." I giggled. Nakita ko naman na sumama ang tingin niya sa'kin.

"Pinsan ko kaya 'yon, Aize. 'Wag ka nang magselos." Sabi ko pa sa kaniya. Uminom ako ng red wine.

"Who's that girl with you a while ago?" Napatigil ako sa pag-inom ng red wine at napakunot ng noo.

"Babae? Sinong babae?" Tanong ko sa kaniya. "The girl who's with you inside the white car. I saw you with her." Napalunok ako.

"Pinasundo ako nila lala sa kaniya kanina kasi baka daw maligaw ako." Pagsi-sinungaling ko. Nakita kong ngumisi siya.

Anong ibig sabihin ng ngisi niyang 'yan? Nahalata na niya ba? Nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko pinahalata sa kaniya 'yon.

"You're not a good liar, my dear Olivia. I know you and I can see through you. If you were your old self, you're good at it but not the new you." Mariing saad niya.

Tumayo siya sa lumapit sa'kin. Tinitigan niya ko ng direkta sa mga mata ko at mas pinalalim niya ang ngiti niya.

"Tell me the truth, what are you doing with the Alish's?" Napalunok ako at umiling.

"Inalala ko lang talaga ang mga dapat kong maalala." Sagot ko. Umupo ulit siya sa upuan niya and he giggled.

"I'm just messing with you, my dear Olivia. No need to be stiff. I'm just joking. I know that you're not going to lie to me." Sabi niya at nagsimula na siyang kumain.

Tumawa ako ng kabado at nagsimula naring kumain. Nakaka-isang subo pa lang ako ay nakaramdam ako ng hilo kaya napahawak ako sa noo ko at napatingin sa kaniya.

"Aize, may nilagay ka ba sa pagkain ko?" Tanong ko at nakita kong nakangiti na siya nang mala-demonyo sa'kin at nawalan na ko ng malay.

•••• END OF CHAPTER 34. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now