Chapter 13.

11.8K 271 3
                                    

Date Published: April 27, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 13.

CHARLOTTE'S POV

Nakayakap pa rin ako sa kaniya nang biglang prumeno ng malakas ang sasakyan. Napasigaw ako sa gulat at bago pa ko mauntog doon sa upuan na nasa harap ko ay nayakap na agad ako ni Aize.

~~~~

"Mommy, may sumusunod po sa'tin!" Sigaw ko kay mommy. Nakita ko naman na nataranta siya kaya naman lumiko siya agad.

"Anak, may baril sa compartment. Ikaw na bahala sa kanila." Sabi niya at kinuha ko 'yung baril na sinasabi niya.

Pagkatingin ko doon sa side mirror ay nagulat ako nang nakilala ko 'yung nahabol sa'min. Bakit siya? Isa din ba siya sa mga kalaban namin?

~~~~

"My dear Olivia, are you okay?! Hey!" Napatingin ako sa kaniya nang inalog-alog niya ako. Nakita kong nag-aalala na naman siya sa'kin.

"Sorry." Umiling siya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya. "What happened? Do you feel any pain?" Umiling ako.

"May naalala lang ulit tungkol do'n sa aksidente noon. May humahabol sa'ming lalaki ng mga oras na 'yon." Sagot ko.

"Who?" Umiling ako. "Hindi ko pa siya naalala, Aize." Sagot ko. Inayos niya ang pagkaka-upo ko sa upuan at kinabit ang seat belt.

"Let's go to Mr. Alcaide." Seryosong saad ni Aize at agad naman 'yun sinunod ng driver.

~ ALCAIDE'S RESIDENCE ~

Nakarating na kami dito sa bahay at agad akong sinalubong ni daddy. Napayuko ako at naramdaman kong may humawak sa ulo ko. Buti at wala si kuya Craide dito.

Napatingin ako sa kaniya at nakita ko na parang hindi naman siya galit sa'kin. Hindi tulad ni Aize kanina na parang mas tatay ko pa siya kesa sa boyfriend.

"'Wag mo nang gagawin ulit 'yon ah. Ayokong mawala ka ulit." Tumango ako sa kaniya at niyakap siya.

"You're too soft-hearted when it comes to her." Reklamo ni Aize. "And you're too strict, Aize." Sagot naman ni daddy.

"Sige na. Tara na sa loob." Pag-aya ni daddy at pumasok na kami. Pagkapasok namin ay may nakita akong isang pamilyar na lalaki.

Nanlaki ang mata ko nang agad ko siyang naalala. Napahawak ako sa noo at napaluhod dahil sa sobrang sakit.

"Olivia? Olivia!" Rinig kong nag-aalalang tawag ni Aize sa'kin. 'Yung mga boses nila ay parang palayo na ng palayo. Nanlalabo na rin ang paningin ko hanggang sa nawalan na naman ako ng malay.

~~~~

Naglalakad ako sa hardin ng bahay nang nakasalubong ko siya.

"Charlotte, pwede ka bang sumama sa'kin?" Tanong niya. "Pasensya na pero may date kami ni Aize ngayon eh. Hinihintay ko lang siya." Sagot ko.

Nakita kong sumimangot ang mukha niya at hinawakan ako sa braso. Pilit niya kong hinihila papunta sa isang lugar na hindi ko alam kung saan.

"S-saan mo ba ako dadalhin ngayon, Sage?!" Sigaw ko. "Ano bang meron sa lalaking 'yon?! Bakit ba mas pinili mo siya kesa sa'kin?!" Sigaw niya.

Sinipa ko na siya sa likod at nabitiwan na niya ako. Napa-upo din ako sa damuhan dahil doon.

"Mahal ko si Aize, Sage. Siya lang ang gusto ko at wala nang iba. Bakit ba hindi mo na lang tanggapin 'yun?!" Tanong ko.

"Dahil sawang-sawa na kong matalo sa kaniya! Sawang-sawa na ako na lagi na lang siya!" Sigaw niya rin.

Tumayo na ako mula sa damuhan at sinamaan niya ko ng tingin.

"Hindi ko na kasalanan at hindi na kasalanan ni Aize kung mas gusto ko siya kesa sa'yo." Sagot ko at naglakad na ako paalis mula sa harap niya.

***

Bumangga na sa truck ang sasakyan ni mommy at doon ko lang napansin na nasa harap ko na siya at walang malay.

Tinapik ko 'yung pisnge niya at hindi siya gumalaw kahit konti. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko dahil alam kong patay na siya.

"Mommy, please. 'Wag mo po akong iiwan." Sabi ko sa kaniya. Hindi siya kumilos. Hindi siya ngumiti tulad ng ginagawa niya noon.

"Mommy!" Sigaw ko pero wala pa rin. May narinig akong yabag ng paa at hinila niya si mommy palayo sa'kin.

Nakita ko 'yung pumatay ka mommy. Binaril niya pa si mommy sa ulo at mas lalo akong napasigaw.

Hindi ako makakilos kahit na gusto kong kumilos. Lumingon siya sa'kin at ngumisi.

"Kung ako na lang sana ang pinili mo, Charlotte. Hindi na dapat mangyayari 'to." Sabi niya at kumuha ng bakal.

"Mas pipiliin kong mamatay na lang kesa sa maging sa'yo." Mariing saad ko at hinampas na niya ako ng bakal sa ulo.

~~~~

Nagising ako at nakita ko si Aize. Pinunasan niya ang luha ko at dahan-dahan akong umupo sa kama.

"Something painful?" Hinawakan ko ang kamay niya at tinapat sa puso ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at mas lalong napaiyak.

"Siya 'yung pumatay kay mommy." Sabi ko. "Who?" Tanong niya. "'Yung lalaking kasama ni daddy." Sagot ko.

"Wait here, Olivia. Whatever happens, stay here." Tumango ako at kumuha ng baril. Tumayo na siya at lumabas na mula sa kwarto.

THIRD PERSON'S POV

Dahan-dahang naglalakad si Aize papunta sa opisina ni Mr. Alcaide nang may narinig siyang ingay mula doon.

Agad siyang pumasok at naabutan niyang sinasakal ng lalaki si Mr. Alcaide. Nilapitan niya 'yung lalaki at hinampas ng baril sa ulo.

Nabitawan ng lalaki si Mr. Alcaide kaya naman hinabol na niya ang hininga niya. Tinignan ng masama ng lalaki si Aize.

"Masyado kang sagabal. Dapat talaga ikaw na lang ang pinatay ko eh." Saad nito at kumuha ng pocket knife.

Inatake niya si Aize pero naka-ilag ito mula sa kaniya. Hinawak ni Aize sa buhok ang lalaki at hinampas ito sa tuhod niya.

Nabitiwan ng lalaki ang hawak niyang kutsilyo. Hinawakan siya ni Aize sa damit at pinatayo.

"You're the one who killed my dear Olivia's mother! She remembers you and your crime." Galit na sambit ni Aize.

Binato niya 'yung lalaki sa lamesa at pinahahampas niya ang ulo nito doon.

"You made her cry! You killed her mother! And I can't forgive you for that, you piece of shit!" Sinuntok niya 'yung lalaki.

Duguan na ang mukha ng lalaki at hindi na rin siya makalaban. Kukunin na sana niya ang baril niya nang biglang may pumigil.

Napatingin siya sa direksyon ng pumigil sa kaniya at nakita niya an kapatid niya na nagtataka.

"What happened, onii-chan?" Takang tanong ni Blade. "Get that asshole away from my sight. He's a traitor. He's the one who killed Mrs. Alcaide." Sabi ni Aize at bumalik na siya sa kwarto ni Charlotte.

•••• END OF CHAPTER 13. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now