Chapter 15.

11.6K 252 0
                                    

Date Published: April 28, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 15.

THIRD PERSON'S POV

Nandito ang lahat na kasapi ng Black Trilogy pwera kay Charlotte na naiwan sa loob ng kwarto niya para magpahinga.

Black Trilogy ang tawag sa tatlong organization na magkakampi para matalo ang kalaban nila. Nagtutulungan sila para kaligtasan ng lahat.

Under din sila ng Hidden Organization kaya bantay sarado pa rin sila ng ibang kasapi ng organization nila.

Nandito ang boss ang ng Black Demise na si Albert Alcaide. Nandito din ang boss ng Black Death na si Royal Blaise Ashworth at ang kapatid nito na si Riel Blade Ashworth na boss naman ng Black Annihilation.

Tinuturing na rin ni Mr. Alcaide na parang anak niya ang nagkakapatid na Ashworth at kaibigan din niya ang mga magulang nito.

Maya-maya lang ay may pumasok na dalawang tao, isang babae at isang lalaki. Nagalakad sila palapit sa magkapatid na Ashworth.

"Pasensya na kung nahuli kami ng dating. Bumisita pa kasi kami sa puntod niya." Sabi ng babae. "Salamat Scarlett sa pagbisita sa kaniya." Sabi ni Mr. Alcaide.

"Nag-iwan na rin kami ng bulaklak sa puntod niya, Albert. Kaibigan pa rin namin siya kaya bumisita kami." Sabi naman ng lalaki.

"Salamat Beryl. Hindi na rin naman ako nakakabisita dahil ang hirap." Malungkot na sagot ni Albert.

"Nasaan si Charlotte? Narinig namin na nahanap niyo na siya." Sabi naman ni Scarlett. "Nasa kwarto siya at nagpapahinga."

"May nangyari ba sa kaniya?" - Beryl.

"She had a headache when she remembered something a while ago." Sagot naman ni Aize. "What did she remembered?" Tanong naman ni Blade.

"Sage Constantine is the one who killed her mother and the one who wants to kill her." Sagot ni Aize.

"Pinabalik ko na siya kay Armando para malaman niya na alam na natin ang tungkol sa anak niya." Sagot naman ni Albert.

"Pinatay mo ba siya Albert?" Mariing tanong ni Scarlett at umiling si Albert.

"Bakit hindi mo siya pinatay?! Pinatay niya ang matalik kong kaibigan, Albert! Dahil sa lalaking 'yon, namatay ang kaibigan ko!" Pinakalma ni Beryl si Scarlett.

Umiyak na si Scarlett sa sobrang galit niya sa mga Constantine. Ang mga Constantine kasi ang pumatay sa mga magulang niya kaya maaga siyang nawalan ng pamilya.

"Kumalma ka, hon. Hindi magiging maganda ang resulta 'pag hinayaan mong ma-control ka ng galit mo." Saad naman ni Beryl.

Kumuha ng panyo si Blade mula sa bulsa at binigay ito kay Scarlett. "Mom, you should calm down." Sabi pa ni Blade at pinunasan ang luha ng kaniyang ina.

"We're going to kill them all, mom. Don't worry. We're just going to prepare, so, better wait for it." Kalmadong saad naman ni Aize.

"Okay. I understand. I'm sorry." Sabi ni Scarlett at pilit na pinapakalma ang sarili niya.

"Kailangan kong bantayan ang anak ko dahil baka balikan nila siya. Alam nilang siya ang kahinaan ko kaya siya ang pinupunterya nila." Seryosong saad ni Albert.

"Kami na po ang bahala kay Char dad 'pag nasa loob ng eskwelahan." Sabi naman ni CD.

"Kami na po ang bahala sa kaniya magbantay 'pag nasa labas siya." Sabi naman ni Zion.

"Kailangan natin tawagin ang iba, kaya pakitawag na sila, Renato." Utos ni Albert at agad naman ito sinunod ng sekretarya niya.

"We need to do something for her to remember something. I know that she knows something that she forgot." Sabi ni Aize.

"I remember her saying something before but I ignored it because I thought she's just playing tricks on me." Dugtong niya pa.

"Pero onti-onti lang boss kasi baka sumakit na naman po ang ulo niya." Paalala ni Alexander.

"Let's investigate everything." Sabi ni Beryl. "Investigate everything na may kinalaman sa mga Constantine." Dugtong niya pa at napatingin sa paligid.

"Bakit wala sila Craide at Blazen? Magkasama na naman ba 'yon?" Tanong nito. "Craide is in the U.S and doing some business." Paninimula ni Aize.

"While Blazen nii-chan is still identifying if the rumor is true." Dugtong niya pa at napatango na lang si Beryl.

"Blade, hanapin mo na muna si Rebecca dahil mas mahalaga siya kesa dito." Sabi ni Albert. "N-no! I can help and I can also look for her at the same time." Sagot ni Blade.

"Anak, hanapin mo na siya. Kami na ang bahala dito. Mas mahalaga si Rebecca kesa dito. Mas mahalaga ang kasiyahan mo kesa dito." Sabi naman ni Beryl.

"B-but-"

"No buts. Sige na. Larga na. Hanapin mo na siya." Pinatayo na ni Beryl si Blade at pinaalis na. Umupo naman si Scarlett sa inupuan ni Blade.

"Let's investigate then pag-usapan natin lahat 'pag may nalaman na tayo tungkol sa kanila." Sabi pa ni Albert at tumayo na siya.

Naglakad na silang lahat paalis at sumunod sila Scarlett kay Albert sa loob ng opisina nito.

CHARLOTTE'S POV

Inaayos ko 'yung mga gamit ko sa loob ng drawer nang may nakita akong lalagyanan na may padlock. Sinubukan kong buksan 'yung padlock kaso naka-lock talaga siya.

Hindi ko maalala 'yung password ng lock kaya hindi ko mabuksan. Inalog ko 'yung lalagyanan at may narinig akong tunog na para bang may papel sa loob.

May lamang pera ba 'to at tinago ko dito dahil ayokong makuhaan na naman ni CD o kaya ni kuya Craide?

Bakit nga naman akong kukuhaan nila CD ng pera? Mayaman naman 'yon. Napa-iling na lang ako at tinago na lang ulit sa loob ng drawer.

May narinig akong yabag ng paa at lilingon na sana ako nang bigla niya kong sinakal gamit ang braso niya.

Sinubukan kong tanggalin ang braso niya at pinalo siya sa ulo. Sinikuhan ko siya ng malakas at napahabol ng hininga. Lumingon agad ako at may nakita akong lalaki na hindi ko kilala.

Agad ko siyang sinugod, umupo ako sa bandang tiyan niya at pinagsusuntok sa mukha. Binalian ko rin siya sa braso niya at napasigaw siya ng malakas.

"Sino ka? Bakit gusto mo kong patayin?!" Sinuntok ko ulit siya. "Wala kang makukuhang sagot mula sa'kin!" Sinuntok ko ulit siya ng malakas hanggang sa dumura na siya ng dugo.

Nang nakita ko 'yung baril niya ay agad ko 'yung kinuha at binaril siya sa ulo. Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nay nakita akong dalawang lalaki at tinapat nila ang baril niya sa'kin.

Gumulong ako papunta sa gilid ng kama dahil binaril nila ako. Binaril ko rin sila at natamaan sila sa bandang puso at tiyan.

Bigla namang dumating si Aize at may kasama pa siyang ibang lalaki. Tumayo ako.

"What happened here, Olivia?" Tanong ni Aize. Napatingin ako sa veranda at binaril din 'yung dalawang lalaki na nandoon.

Tumakbo ako palapit kay Aize at niyakap siya. "Bigla na lang silang dumating sa kwarto ko at gusto nila akong patayin." Sabi ko.

"Clean up the mess." Utos ni Aize at agad naman 'yun sinunod ng mga tauhan niya.

Kinuha ni Aize ang hawak kong baril at tinanggal ang magazine. Hinalikan niya ko sa noo at tinignan ang buong katawan ko.

"You're not hurt, right?" Tumango ako. "Nasakal lang ako saglit." Sabi ko. Tumingin siya sa leeg ko at nakita kong nagalit siya.

"Damn them!" Nagulat ako nang sumigaw siya. "They're going to pay for this." Mariing saad niya pa at umalis na siya.

Sununod ako agad sa kaniya dahil baka kung ano ang gawin niya.

•••• END OF CHAPTER 15. ••••

Being Owned By A Mafia Lord (Ashworth Series #1)Where stories live. Discover now